1

5.7K 223 42
                                    

1

Nang kainin niya ang isang slice ng mansanas ay napapikit nang mariin si Fumi at napahawak sa kanyang leegan, dahil ramdam niya ang sobrang hirap na paglulon sa kanyang kinakain nitong mga nakaraang araw.

"Fumi, you should see a doctor." Doms, her manager, is there watching her reaction in eating the slice of fruit. "Pang-apat na araw na yan, namamayat ka tuloy dahil sa hirap mo sa pagkain."

"You're right, I should see a doctor." Pati pagsasalita ay nahihirapan siya dahil sa pananakit ng lalamunan. "Sometimes I feel like the food I eat is stuck on my throat or chest."

Iyon ang nararamdaman ni Fumi sa nakalipas na araw, kaya pati pagtatrabaho niya ay apektado. "Sa Foillan-Griffin, may magagaling na ENT specialists doon."

"Okay. I'll go there tomorrow morning." Lumapit siya kay Doms at yumakap, "Thanks for today Doms, I'll be going now."

"Alright, VJ Hans will be replacing you on your show tonight."

Ramdam na ramdam ni Fumi ang pagkagutom pero anong magagawa niya kung masakit talaga ang kanyang lalamunan at kung minsan ay sinusuka na niya ang nakakain.

Kaya gaya nang sinabi ng manager niya ay pumunta siya sa Foillan-Griffin kinabukasan.

"VJ Fumi!" Lumapit sa kanya ang isang dalagita na malapad ang pagkakangiti.

Tinanggal ni Fumi ang suot na shades at nginitian ang dalagita, "Hi there, sweetheart." Malambing niyang sabi.

Impit na tumili ang babae, "I'm your fan po! I love your fashion styles. Pwede po bang magpapicture?"

Inilahad ni Fumi ang kanyang kamay, "Sure. Let me get it for you."

Nakita niyang bahagyang natigilan ang dalagita nang masilayan ang kanyang napakagandang ngiti, "Pretty." Mahinang usal niya habang ibinibigay ang phone kay Fumi.

"Ready?" She placed an arm over the girl's shoulder and positioned the phone's front camera, "1,2,3! Smile!"

Ibinalik niya kaagad ang phone sa dalagita na tuwang-tuwa at niyakap pa si Fumi, "Study well, sweetheart."

"Thank you VJ Fumi!"

Maraming napapatingin kay Fumi pagkapasok niya sa mismong building ng Foillan-Griffin. Some people know her, and some are not, especially those who are not viewers of Magnitune and those who do not watch her videos on her Youtube channel.

Lumapit siya sa isang digital information kiosk at nagtipa roon, "ENT specialist." Hinanap niya mula sa "E" section ang hinahanap. Nang makita ang hinahanap ay pinindot niya iyon at sunod na lumitaw ang listahan ng mga doktor.

Sa kanyang pagscan ay dalawang doktor lang ang naka-in ngayon, ang isa ay nasa operating room habang ang isa ay nasa assigned clinic. "Dr. Ivan Harris F. Marco, otolaryngologist."

Mabuti na lamang at nasa tamang building siya kaya ang kinailangan na lang niyang gawin ay pumunta sa second floor para puntahan ang clinic ni Dr. Marco.

Habang pinagmamasdan ang interior ng floor na iyon ay masasabi niyang nasa high-end medical center siya. "Indeed, an international one." Tumatango-tangong sabi niya.

Bago makapasok sa mismong personal clinic ng doktor ay sasalubong pa ang waiting room o reception desk kung saan iaaccommodate muna ng assistant ng doktor ang mga pasyente.

"Hi, Ma'am." Bati ng babaeng assistant.

Inayos ni Fumi ang suot na shades, "Hello, ahm. I'm just a walk-in patient. Would it be possible to meet Dr. Marco?"

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon