Gabrielle Allison Leviste
"Little Gabby, wake up, nagugutom na yata si Aquila, timplahan mo na siya ng gatas." nagising ako nang magsalita si Kuya Lee. Bumangon naman ako kaagad at bumaba na.
Pumunta ako sa kusina at nagtimpla na ng gatas, dalawa na ang tinimpla ko dahil baka mamaya ay magutom na rin si Caelum. Matapos kong magtimpla ay atsaka ko lamang namalayan na nakasunod pala sa akin si Kuya Lee na kalong-kalong si Aquila. Mukhang tumigil ito sa pag-iyak dahil nakita na ako, kung susumahin ay mas lapit sa akin si Aquila at iiyak kapag hindi ako kaagad nakikita hindi tulad ng Kuya niya na si Caelum.
"Kain ka na baby." sabi ko, kinuha ko siya kay Kuya Lee at pinainom ng gatas.
"Good Morning!" malambing na bati sa amin ni Mommy na kakababa lang na hawak si Caelum, kasama si Dad at si Kuya Louis na humihikab pa.
"Good Morning!" bati ko pabalik, nang matapos na ako sa pagpapa-inom ng gatas kay Aquila ay inilapag ko muna siya sa pink na baby walker niya, ganoon din ang ginawa ni Mommy kay Caelum, ibinaba niya rin ito sa kulay blue nitong baby walker.
"Let's eat our breakfast." sabi ni Daddy at sumunod na kami sa kanya sa dinning room.
Nakahanda na sa lamesa ang mga pagkain, mayroong bacon, ham, fried egg, hotdogs, fried rice, coffee at gatas. Hindi ako pinapainom nila Mommy at Daddy ng kape since birth, call me maarte pero ganoon talaga nila ako sinanay. Lumaki kasi akong may mahinang katawan, unlike my two older brothers they are born healthy, I was a premature baby that's why my parents treated me a lot of careful as I grow up and now I am embracing it, drinking milk is one of those habits that I still embrance up until now.
Nilagyan naman ni Kuya Louis ng mga pagkain ang plato ko habang si Kuya Lee naman ay nilagyan ng gatas ang baso ko. Ganito ang senaryo tuwing umaga, tila ako bata kung asikasuhin ng mga Kuya ko.
Naging tahimik ang pagkain namin ng almusal, hindi muna ako papasok sa trabaho dahil gusto kong ma-ipasyal sina Aquila at Caelum lalo na't ilang linggo rin akong naging abala sa trabaho. Hindi naman maganda tingnan kung puro ako trabaho at sila Mommy at Daddy ang palaging nagbabantay sa kambal ko.
"Mommy, Daddy, hindi na po muna ako papasok sa trabaho ngayong araw, ipapasyal ko ang kambal, ilang linggo na rin akong naging busy sa Enkantacia." sabi ko at niligpit na ang pinag-kainan namin.
"Mabuti naman at naisipan mong huwag munang pumasok, magpahinga ka muna rito anak, huwag mong pagurin masyado ang sarili mo." sabi ni Daddy.
"Tama si Daddy Gabrielle, masyado mong inaabala ang sarili mo sa trabaho mo. Uso magpahinga." sabi ni Kuya Lee.
"Ipapasyal mo sila ngayon? Gusto mo samahan kita? Wala naman akong trabaho ngayon." alok ni Kuya Louis.
"Sige Kuya, Salamat." sabi ko at hinugasan na ang mga pinagkainan namin. Sanay na akong naghuhugas ng mga pinggan kahit na may mga katulong kami rito, ayoko namang umasa sa kanila sa lahat ng bagay.
Matapos kong maghugas ng mga pinggan at baso ay pinaliguan ko na muna si Aquila, dinamitan ko ito ng kulay pink na cotton shirt na may design na peppa pig, shorts na pink na katerno ng shirt, at ang sapatos din siya ay pink na may ruffles na medyas.
Ibinigay ko naman si Aquila kay Mommy at isinunod na paliguan si Caelum. Binihisan ko ito ng kulay red na basket ball jersey na t-shirt style, shorts na katerno rin ng shirt, sinuotan ko rin ito ng kulay puti na medyas at rubber shoes na kulay itim. Ibinigay ko naman si Caelum kay Kuya Louis, na nakahanda na rin sa pag-alis. Umalis na kasi si Daddy at pumunta na sa Enkantacia.
Naligo na rin ako pagkatapos kong asikasuhin sila Aquila at Caelum, Simpleng black fitted jeans ang sinuot ko pang-ibaba at pink crop top shirt sa pang-ibabaw, high cut rubber shoes naman ang isinuot ko pang paa. Nagdala rin ako ng isang bag na may kalakihan at doon ko nilagay ang mga gatas, bote, diapers, wipes, tissues at pamalit nilang damit.
BINABASA MO ANG
Gathered Memories [Acquisitive Billionaires Series #2 COMPLETED]
RomansaAcquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life together with his long time girlfriend, Gabrielle Allison Leviste who's an electrical engineer. The...