I
Maxine Fleverde story
____
"Wake up now maxine"rinig kong sambit ng isang tinig
Hindi ko alam kung sino iyonHindi pamilyar ang tinig nya
"Wake up now maxine"ulit nya pa
Ngunit ipinagsawalang bahala ko lang iyon
"Wake up now maxine its been 1 year"
Sambit nya at doon ako natauhan
Isang taon na ang nakalipas??bakit bakit ngayon ko lang nalaman?
________
Dahan dahan kong iminulat ang aking mata
Ang liwanag na nagmumula sa labas ng bintana
Ang banayad na humpay ng hangin mula sa puno sa labas
Ang sariwang amoy ng mga nagbabangungang bulaklak
Ay sya nga namang kahumahumaling
Inilibot ko ang aking mata sa kabuohan ng kwarto ko ganon parin ang ayos ngunit ang iba ay nabahidan na ng alikabok dahil narin siguro sa. Tagal na hindi pinupunasan
Ang kisasaming puti at ang bumbilyang nagsisilbing ilaw sa madilim na gabi
Ang aking tukador na nagsisilbing lagayan ng mga damit na isinusuot ko araw araw
Ang lamesa gilid ng aking kama kung saan ko ipinaibabaw ang litrato ko at ng mga taong nagaruga saakin ng ako ay musmus pa lamang at ang aming litrato
At ng madako ko naman ang tingin ko sa kabilang banda ng aking silid ay isang ngiti ang sumilay sa aking labi
Ang mga ipininta naming dalawa noong andito pa sya ang ang iba pa naming mga litrato at ang mga sulat na ibinigay nya saakin bago sya umalis upang sanayin pa ng mabuti ang kanyang mahika
Bawat litrato ay nanunumbalik ang mga alala naming dalawa simula ng pagkabata hanggang kami ay magkaisip na
Ang paglalaro namin sa putikan na tila yun ang pinakamagandang paglaroan sa mundo
Ang aming mga mukha ay may bahid na ng putik ngunit halos mapunit na ang aming mga labi sa sobrang saya
Ang puting damit namin ay tila napalitan na ng kulay putik
At ng mabaling naman sa susunod na litrato ang aking paningin ay lalo pang lumaki ang ngiti na nakapaskil sa aking mukha.
Nakaputi akong damit
At ganon rin syaAko ay may hawak na kumpol ng mga bulaklak
At sya naman nakatayo at nakangiting tumitingin sa akinSa pagitan namin ay isang mesa at may mga nakahandang ibat ibang putahe ng pagkain at may dalawang upuan para sa amin
"Our first date"yung na lamang ang nasambit ko at bumaling ulit sa sunod na larawan
Ang sunod na larawan naman ay magkayakap kaming dalawa at nakatingin sa kamera
Isa lamang simpleng larawan para sa iba ngunit iyon ay napakaimportante para sa akin
Iyon ang una naming away nakakatawa lamang isipin dahil ang dahilan ng aming pagaaway ay dahil lamang sa isang ahas na nais kong alagaan ngunit ayaw nya dahil baka raw ako ay matuklaw kaya ng maipaliwanag nya iyo ay bigla na lamang akong manlumo
BINABASA MO ANG
Apletre: School Of Magics
Fantasy"Innocent until proven guilty" Yan lagi ang sinasabi nila ngunit sa totoo it will always be "guilty until proven innocent" Fleverde •Ylezar