Chapter 11- Why do BIRDS suddenly appear?

721 61 15
                                    

CHAPTER 11

Nakaupo ang lalaki sa harap ng piano niya at doon umiinom ng alak.

 "Bakit ba ganito. Hanggang kailan ba ako guguluhin ng karma. Nagmahal lang naman ako pero sa maling paraan," kausap niya ang sarili habang pinagmamasdan ang wedding picture nila ni Camille. Sumagi sa isip niya ang walang tigil na pag iyak ni Camille noong malaman na ikakasal sila. Biglaan at magulang niya ang nagplano para sa kasal na ito. 

“I gave everything," tumayo ito at kinuha muli ang susi ng kotse. Minabuti niyang yayain si Xyrus na mag bar dahil ito lamang ang takbuhan niya. 

"Pusong sawi kapatid," aniya ni Xyrus. 

"Gago, alam ko babalik siya. Ilang beses na niyang ginawa 'to. Lalayasan niya ako pagkatapos babalik din." 

"Seryoso ka? So every layas ni Camille, ganyan ka rin maglalasing? Para kayong tanga. Alam mo buntisin mo siya ulit."

"Hindi libangan ang paga-anak, naawa nga ako sa panganay ko. Lalong nagkakamuwang na si Katrina, marunong nang umintindi sa sitwasyon namin ng mommy niya," saad ni Kean at napabuntong hininga. 

"Woo! Congrats to my two best friends!” sigaw ni Sam at lasing na ito sa sobrang daming alak na binili.

"Kailan mo ako naging best friend, Sam?" giit ni Cynthia. 

"Ngayon! Halina’t uminom!” muling sigaw ni Sam. 

Si Shaira na tahimik lamang sa kanyang kinauupuan. Iniiwasan niyang uminom dahil kailangan niya pang kumanta.

“Shaira, mas magandang uminom ng alak bago kumanta. Ako na ang nagsasabi sa’yo, mas magana ka sa entablado,” wika ni Cynthia.

“Baka kasi mabiyak ang boses ko.”

“Hay, tunggain mo ‘yan! Kailan natin maging masaya.”

Dahil walang kasing ripok si Shaira, kinuha niya ang dalawang bote at itinabi sa kanya.

“Cheers para sa mga pusong sawi!” sigaw ni Shaira at gano’n din ang dalawang kasama. Para bang tubig na ininom ni Shaira ang alak. Hindi niya binigyan ng limitasyon ang sarili at muling uminom ng alak.

"Let's call Shaira Lancaster, our Bukidnon rakitera!" Nagulat siya nang tinawag ng emcee ang pangalan niya. 

"It's my turn.”

Bago tuluyang tumayo si Shaira, hinawakan ni Cynthia ang kanyang kamay.

“I want you to sing Close to you by Carpenters.”

Napatango lang si Shaira at lumapit sa entablado. Nararamdaman niya ang pitik ng alak sa kanyang sentido. Ngunit pinilit niyang tumayo ng maayos sa harap ng maraming tao. Nagsimula ang piyesa at pumapalibot sa loob ng bar ang boses ni Shaira.

“Uso pa pala ang classic songs,” aniya ni Xyrus.

“Same with our age.”

“Wait, hindi ba’t empleyado natin ang kumakanta?
    Pinagmasdan ni Kean ang dalagang kumakanta hanggang sa mamukhaan niya si Shaira. 

Naalala niya ang kantang ito sa tuwing makikita si Manuel na napaka gwapo at sakaniya lamang nakatitig. "Uso pa pala ang Classic songs. Wait? Hindi ba't empleyado natin 'to?" Saad ni Xyrus at napatingin si Kean sa kumakanta pati sa kabilang lamesa na may dalawang babae na nag iingay.

"Misis Cynthia?" gulat na sinabi ni Kean habang pinagmamasdan ang ginang na sobrang strikto sa trabaho at kagalang-galang ang itsura, ngunit ngayon na nakita niyang parang bata itong nagi-ingay kasama ang ibang empleyado.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon