K E V A N
Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko. 6 am na pala bakit pakiramdam ko parang kaka higa ko lang 10 minutes ago?
Tinignan ko ang cellphone ko, baka kasi nagkamali lang ako sa pag set ng alarm. Pero hindi, 6:03 am na talaga. Ayaw kong nag si-set ng alarm sakto o impunto, gusto ko may butal. Ayoko pa bumangon kaya pinindot ko muna ang snooze button. Antok na antok pa ako at masakit ang buo kong katawan dahil sa cheerleading practice kagabi.
Oo, member nga pala ako ng cheerleading squad sa pinapasukan kong University. Gabi-gabi kaming nag papractice, may competition man kaming sasalihan o event na sasayawan o wala. Basta nag ti-training kami gabi-gabi para lalo pang matuto ng iba't-ibang skills at techniques lalo na sa tumbling, pag toss at stunts. Kaya palaging gabi na'ko nakaka-uwi.
Nasanay na din naman ako. Malapit lang naman ang dorm na tinutuluyan ko eh – isang sakay lang ng jeep. Pang 3rd year ko na 'to sa squad at ako na ngayon ang assistant / co-captain.
Sabi ng mama ko, gwapo daw ako. Syempre, mama ko yun, haha! Pero seryoso, may mga nagsasabi na ang cute daw nang pagka-chinito ko. Sakto lang din ang athletic build ng katawan ko sa tangkad kong 5'7".
BS Information Technology ang napili kong kurso, at ang pinapasukan kong University ay isa sa mga sikat at prestihiyosong universities sa lalawigan namin, maging sa buong bansa. Competent din naman mga graduates ng school ko at nakakagawa naman ng pangalan sa mga napili nilang larangan.
Pakiramdam ko wala pang limang minuto ang tulog ko nang tumunog na naman uli ang alarm. At dahil sa antok, hinayaan ko lang muna 'tong tumunog ng tumunog hanggang sa may tumamang bagay sa ulo ko.
Paaaak!
Nahimasmasan ako at napaigtad sa kama. Bigla kong dinampot ang kung ano mang nasa bed side table ko at aktong ibabato. Syempre, ready to fight ako! Buti na lang at nahimasmasan agad ako, kung hindi, bukol sana ang aabutin ni Prince na nakatayo sa tabi ko, hawak niya ang unan at uma-ambang papalo na naman.
"Kung ayaw mo pang bumangon, patayin mo ang alarm mo. Storbo ka!" galit niyang sabi, naniningkit pa ang mata.
Sakto namang tumunog uli ang cellphone na nasa kamay ko pala. Buti nga di ko naibato, pero dahil sa gulat ko, nabitawan ko ito at lumagapak sa sahig.
"Kevan!!!" galit na sigaw ni Prince sabay palo ng unan, pero nakailag ako dahil sakto sa pag dampot ko ng cellphone.
Buti na lang hindi nabasag! Mokong na 'to, kaaga-aga beast mode na agad.
Kababata ko si Prince. Halos sabay na kaming lumaki at magkaklase kami since elementary hanggang high school. 20 years old din siya katulad ko, pero di kagwapuhan. Hahaha! Uy joke lang. Joke lang talaga. May itsura din naman "daw" siya.
K dot.
Siya ang best friend ko at parang magkapatid na ang turingan namin. Pero pag tungtong ng college, napag desisyonan niyang mag enroll sa isang Maritime University. Gustong mag marino ng mokong.
Magkasama kami sa dorm. Medyo malapit 'to sa school niya habang isang sakay naman ng jeep papunta sa school ko. Gusto kasi ng mga parents namin na magkasama na lang kami para may taga bantay daw sa kalokohan ng bawat isa (karamay sa kalokohan pala).
Napatingin ako sa phone ko.
Wah!!!
7:32 na!!!
Lagot, mali-late na naman ako sa programming class ko!
Takbo agad sa banyo – 5 minutes lang ata tapos na'ko. Agad nag halungkat sa cabinet ng mga gamit pang practice at direcho labas na ng kwarto sabay sigaw, "Prince, alis na'ko!"
BINABASA MO ANG
Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]
Любовные романыTumbling dito, buhat doon, hagis ng flyer, salo, ikot, talon, liyad, nga-nga at kung ano-ano pa! Parte lang yan ng buhay ko bilang isang cheerleader. Akala ko madali lang. Oo, madali lang mabugbog ang katawan ko. Sa stretching pa lang, parang mapup...