Chapter 2

11.1K 357 17
                                    

K E V A N

Sunod-sunod pa ang mga klase namin matapos ang lunch break. Kahit na sobrang antok, swerteng nakakuha naman ako ng mataas na score sa pop-quiz namin sa Advanced Database. Syempre ako pa! Tamad lang ako, pero matalino naman ako no! Feelingero amp.

7PM pa naman ang practice namin kaya may time pa'ko mag meryenda. Nagpaalam na'ko kay Kent at dumirecho na sa Cafeteria. Habang papunta ako dun, nakasalubong ko si Jansen kasama si Kath, ang president ng student council. Nagtataka ako bakit magkasama sila, pero di ko na pinagtuunan ng pansin.

Kumaway sa'kin si Kath. Magkasundo kami nun kasi ilang beses na din niya akong nilapitan kapag nag rerequest silang mag intermission number ang pep squad sa mga events nila. Ngumiti ako sa kanya. Nag kasalubong ang mga mata namin ni Jansen at naka smirk ito. Di ko alam ang problema ng tukmol na 'to pero laging masama maka tingin, na parang nasisira ang araw pag nakikita ako. Okay lang. The feeling is mutual.

Bumili ako ng cheese pimiento sandwich at buko juice. Sakto naman ang pag-upo ko sa pag-daan ni Timmy, kasama ko sa pep. Suot niya ang kanyang pink chikara hat. Nakita niya ako kaya kumaway ito at kumikembot na lumapit sa'kin.

"Hello, Kev!" nakangisi niyang sabi.

Si Timmy na yata ang pinaka kwelang taong nakilala ko. Siya ang comedyante ng pep squad. Kung hindi lang siya kumikembot na may lipstick at blush on, mapag-kakamalan mo siyang siga sa kanto dahil sa matipunong katawan nito. Lumapit siya at umupo sa harap ko.

"Hi, Tim! Punta ka na ba sa gym? Kain ka muna," ika ko. Tumango siya sabay nga-nga.

"Aaaah"

"Ha?" pagtataka ko.

"Subuan mo ko please?"

Natawa ako. Susubuan ko na sana siya nang bigla kong binawi ang kamay ko derecho subo sa bunganga ko. Sumimangot naman siya. Loko-loko talaga 'tong si Timmy. Ganyan lang talaga siya sa'kin. Sa lahat. Pero mabait siya at mahilig mag patawa. Sa lakas niyang mag toss at magbuhat, at sa galing sa tumbling, di mo aakalaing bakla siya.

Matapos kong kumain, naglakad na kami patungong gym. Oras na ng practice! Sasali kami kasi sa National Cheerleading Competition, kaya medyo intensive ngayon ang training namin. Ilang months na lang competition na. Kalaban namin ang ibang mga pep squad ng mga kasaling Colleges and Universities sa buong bansa.

Kailangan namin mag level-up pa at matuto ng marami pang skills para may laban naman kami sa ibang mga squad, lalo na sa mga teams sa Manila. Magagaling talaga sila, mga halimaw sa tumblings, stunts, tosses, at pyramids!

Pero alam ko, meron din naman kaming edge compared sa ibang teams. Gaya nga ng sabi nila, each team have their strengths and weaknesses. Sa team namin, masasabi ko malakas kami sa tumblings and stunts. Pero hindi naman pwede na ganun lang yun. Kaya tinututukan na din namin ang mga weaknesses namin.

Cheerleading isn't just about dancing. Cheerleading is a sport, a way of life. May mga elements na kailangan para maka gawa ng isang routine: kagaya ng Stunts, Tosses, Pyramids, Tumblings, and other Basic Elements. Kailangan itong iperform lahat sa loob lang ng 2 minutes and 30 seconds, at may corresponding scores/points and even deductions ang bawat elemento.

Ganun lang kabilis, pero buwan at taon ang ginugugol sa training para lang sa 2 minutes 30 seconds na performance, kaya walang room for error. Alam ko hindi naman maiiwasan yun, pero kaya nga nagpapractice diba? Practice makes perfect daw eh.

Isang maling galaw lang, pwedeng malaglag ang flyer. Isang maling counting lang, hindi ka na makaka sabay sa galaw ng iba. Kelangan ng team effort lalo na sa pag-buo ng pyramids. Kailangang mag build ng trust para ma execute ng maayos ang stunts kasi alam ng flyer na sasaluhin siya ng bases niya kahit anong mangyari. Kaya kailangan ng paulit-ulit na practice. It takes a lot of practice to build a strong, winning routine.

Ang Cheerleader Ng Buhay Ko [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon