CHAPTER 21

17 3 0
                                    

We're on our first date, kahapon ang graduation namin, ang araw na sinagot ko na siya.

I'm wearing a simple red dress that's slightly revealing my chest. Nakaakbay sa'kin ngayon si Jameson, ang bango niya. Hindi ko alam sakan'ya kung saan kami papunta, siya na daw bahala e.

"nasa'n na tayo ? Baka naman nililigaw mo na 'ko ah ?" tanong ko sakan'ya. "ba't naman kita ililigaw ? Hahaha, malapit na tayo." sumunod nalang ako sakan'ya.

Maya-maya ay may narinig na akong mga violins na tumutugtog, may sumalubong rin sa'min. "this way, ma'am, sir" dumiretso kami sa lamesa na pang dalawahang tao lang, hinila ni Jameson ang upuan ko, bago siya umupo sa upuan niya.

Maya-maya ay may mga lalaki naman na naglapag ng mga pagkain sa lamesa. This is so romantic. Akala ko sa TV lang may mga gan'to, ang sarap pala sa pakiramdam pag sa'yo ginawa.

"you're so sweet." I said, nginitian niya lang ako. "love..." he called me. "hmm ?" "sa Sunday, pwede ba kitang isama papunta sa bahay namin ?" "p-para sa'n ?" "ipapakilala kita kanila mama." he smiled sweetly, seryoso ?! "s-sige" I answered.

After namin kumain, inaya niya akong sumayaw, Beautiful in white yung tinutugtog nila ngayon. My hands are on Jameson's shoulder, while he's holding my waist.

"how can you do this to me ?" he suddenly asked. "can do what ?" "everytime I see you, I can't help but to stare at your face. I can't take my eyes off of you" napayuko ako sa sinabi niya, para naman kasing timang.

"look at me, I want to see those beautiful features" dahan-dahan niyang inangat ang baba ko para makita niya yung mukha ko. Nakaharap na ako sakan'ya pero hindi ako makatingin sa mga mata niya.

"hindi ko deserve ng gan'tong klase ng babae, masyado kang perfect para sa'kin" "anong pinagsasabi mo d'yan ?" nagtatakang tanong ko. "wala, hahaha. Ang ganda mo, ang ganda ng katawan mo, ang simple simple mo. Akin ka lang ha ?" pinanliitan ko siya ng mata.

"'wag kang magsasawa sa'kin ah ?" sabi ko. "hindi ka nakakasawa, ba't naman kita pagsasawaan ?" "kasi mababaw ako ? Baka may mga gusto ka na hindi ko maibigay tapos hanapin mo sa iba ?"

"like what ?" "v-virginity ?" "hahahaha, of course gusto ng mga lalaki 'yan. Pero hindi kita pipilitin kung ayaw mo, bata pa naman tayo para doon."

Hinatid niya na rin ako pauwi, pinapasok pa siya saglit nila mama para chikahin. "ah, tito, tita, gusto ko po sanang ipakilala na rin si Chandria sa mga magulang ko, as my girlfriend." I heard Jameson's voice, ipinapaalam ako kanila mama.

Umakyat na muna ako ng kwarto para magbihis, nandito si ate ngayon sa'min, siya naman ang mags-stay dito ngayong bakasyon. Bumaba na din ako agad para maabutan si Jameson.

"aalis ka na ?" "yep, see you on Sunday !!" he said, "mag-ingat ka sa pagmamaneho ah ? Madilim na." "naman," he winked at me. "sige na," papasok na sana siya ng kotse niya pero bumalik siya sa harapan ko.

"yung 'I love you' ko muna ?" "chat ko nalang sa'yo mamaya" I chuckled. "gusto ko ngayon na" hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "I love youuuuu !!!" he smiled then kissed me on my forehead, bago siya pumasok sa kotse niya, he gave me a flying kiss, umakto ako na sinalo yun.

'tss, hindi naman pala corny eh.'

Sunday na ngayon, I'm wearing a simple white squared neck dress. Nagshopping kami nung nakaraan ni ate, ipinili niya ako ng mga dress na bagay sa'kin, kasi ako na lang daw yung nakasuot ng mga dress niyang hindi niya magamit at hindi niya pa nagagamit. Nag-ayos din ako para naman presentable akong tingnan roon mamaya.

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon