CHAPTER 12
Naiwan si Shaira sa opisina dahil sa sobrang dami ng kanyang trabaho, inabot na siya ng alas otso pasado at pumipikit na ang kanyang mga mata.
“Kailangan ko nang umuwi.”
Inayos niya ang gamit upang makauwi hanggang sa nahagip niya ang litrato nila ni Manuel. Napangiti na lang siya at nag iwan ng halik sa litrato.
"I miss you babe."
Sa kanyang pagbaba, nag abang lamang siya ng masasakyan habang nakasalpak sa kanyang tenga ang earphone. Napaindak ang dalaga sa kanyang pinakikinggan at hindi maiwasan na mapasayaw ng pasimple habang naghihintay.
“Oh shit, umuulan! Manuel naman! Bakit nagpapaulan ka d’yan sa langit!” sigaw niya at kinuha ang payong.
“Nakakagigil, wala pa akong masakyan! Manuel, bantayan mo lang ako ha? Kahit walang bituin ngayon at natatakpan ng mga ulap, huwag mo akong hayaan na mapahamak,” pumatak ang luha ng dalaga at pilit na ngumiti.
“Promoted nga, naulanan naman. Wala pang masak-- teka? Parang na ulit, may dumi ako sa ngipin noong nagkakilala kami ni Manuel, pati kanina ni sir Kean?” napailing siya at parang baliw na tumatawa mag isa pagkatapos ay muling pasimpleng sumayaw.
Sa kabilang dako, walang kamalay-malay si Shaira na pinanonood siya ng kanyang boss.
"She's really weird.”
Pumukaw sa atensyon ni Kean ang kanyang cellphone na walang humpay sa pagtunog.
"Yes Manang?"
"Sir, asan na po kayo? Si Katrina po nawawala."
"What? Bakit ngayon niyo lang sinabi?"
"Sir, takot po kasi si manong sa inyo, kanina pa po siya sa school ni Katrina at wala pong Kat na lumabas."
"Please call me again kung nahanap niyo siya."
Nag u-turn si Kean para puntahan ang eskwelahan ng kanyang anak at kung saan pwedeng mahanap ang bata. Nanggagalaiti siya sa sobrang galit habang sinisisi ang sarili sa mga nangyayari.
“Camille! Imbis ikaw ang kasama ng anak natin, nasaan ka?!” galit na sinabi niya at mahigpit na hinawakan ang manibela.
Nang marating ni Kean ang paaralan, wala siyang pakialam kung maligo siya sa ulan. Walang Katrina na lumalabas kahit maubos na ang kanyang boses kakasigaw.
Inuubo at sinisipon si Shaira habang kumakain sa paborito nilang 24 hours tapsilogan ni Manuel. Kung dati na dalawa silang kumakain, ngayon na mag isa na lang siya.
"Papa!” pagngawa ng isang bata na nakaupo sa entrance ng tapsilogan.
"Nako, bata lumabas ka nga ang ingay mo," suway ng isang binatilyo at kumakain kasama ang nobya. Tumayo si Shaira at nilapitan ang bata.
"Hello, bakita ka umiiyak?" tanong niya sa bata at mas lalo pa itong sumigaw sa harapan niya.
"Papa!" tili ng bata.
"Ano ba iyan ang ingay ng batang 'to!" sigaw ng binatiylo.
"Hoy ikaw, naging bata ka rin naman ha! Inaano ka ba ng bata?" bulyaw ni Shaira sa lalaki at natahimik. Minabuti niyang hawakan ang kamay nito at tinabi sa kanya.
"Kumain ka na ba? Taga saan ka ba?"
"I want to go home please," hinawakan ng bata ang kanyang kamay. Napabuntong-hininga si Shaira.
"Mukhang anak mayaman 'to. Maganda ang kutis, namumula pa ang pisngi," bulong niya sa sarili.
"Do you know your address? I'll take you home.”
"I Lost my ID, but I'm from Block 1 Lot 1 Northwoods Subdivision," alistong sagot nito.
"Okay, patilain muna natin ang ulan dahil nasira ang payong ko. Tapos i-uuwi na lang kita okay? Don't cry na."
Nakita niyang nakatingin ang bata sa kinakain niya kaya naisiapan niyang bilhan ito ng pagkain.
“Do you want tapsilog, longsilog, eggsilog or hotdog?"
"Malinis po ba?"
"Oo naman, edi sana namatay na ako baby girl,” tumango ang bata at ngumiti, natawa si Shaira dahil bungi o kulang sa ngipin ang bata.
"Manang order nga pong isang longsilog!"
Nang dumating ang order, marami-raming nakain ang bata. Para bang hindi ito nananghalian at naghapunan ng ilang araw.
"What's your name po?"
"Call me, ate beauty."
"Nice to meet you, ate beauty. Call me Kat."
Ilang sandali at tumila ang ulan pagkatapos ay sumakay silang dalawa sa taxi. Tahimik lang ang bata at nagmamasid sa bintana.
"Here!" sigaw ng bata at napapreno ang driver.
“Manong dito na lang.”
"This is our house! Ate Beauty, thank you for saving my life," wika ng bata. Napanganga si Shaira dahil parang palasyo ang bahay nito.
"Grabe, ang yaman nga nito," bulong niya. Nagulat si Shaira nang halikan siya nito sa pisngi at bumaba ang bata. Dumungaw sa bintana si Shaira at sumigaw.
"Are you sure this is your house?"
"Yes! You take care! See you again!"
“Where are you, Kat?" halos manlumo na si Kean kaka-ikot at kakahanap sa anak niya. Hindi naman siya makapunta sa pulis dahil wala pang bente kwatro oras na nawawala ang anak.
"Hello?" biglang sagot niya sa cellphone.
"Kat is here!"
Mabilis na nag maneho si Kean upang agad maka-uwi.
"Where have you been anak? Pinag-alala mo kaming lahat?"
"I was looking for Mama, akala ko po siya 'yung babae na sinundan ko dahil she's pretty din po, kaso hindi po pala siya," she pouted and started to cry. Hinagkan ni Kean ang anak dahil awang-awa siyang nangungulila ito sa kanyang ina.
"I'm sorry po, Papa."
"No, don't be sorry anak. Sorry hindi kita na protektahan agad. Anak paano ka nakauwi?"
"Ate Beauty helped me! We ate Longsilog."
"What? Beauty? Longsilog? Malinis ba 'yon?"
"Yeah, she said malinis. Don't worry Papa, Mabait mo si ate Beauty and I want to meet her again! Longsilog is masarap!"
"Anak kay manong at manang ka lang sasama okay? Remember nasa California si Mommy okay? I love you, matulog ka na ha? You have music lesson for tomorrow," sambit ni Kean at humalik sa anak.
Hindi magawang pagalitan ni Kean ang driver at mga yaya dahil ito lamang ang inaasahan niyang lilingon sa mga anak niya, at alam naman niyang may pagkukulang din siya bilang ama.
"Sir, sorry po. Sana po hindi ako mawalan ng trabaho," wika ni Manong Noel.
"No, sa susunod maging doble ingat nalang po. Alam ko naman na may pagkukulang din ako. Gusto ko sanang mahanap 'yung ate Beauty na sinasabi ni Katrina para pasalamatan ko man lang." Pag
"Sige po Sir, nakalimutan ko po palang sabihin wala po silang pasok sa monday dahil holiday. Nabanggit po ni Katrina na gusto niyang sumama sa office niyo.”
"I'll check my schedule kung isasama ko siya or hindi."
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...