CHAPTER 13
Kinabukasan...
Magkasama si Shaira at Sam sa mall dahil sa may panibagong raket si Sam. Isang wedding anniversary, tinanggihan ni Shaira ang raket dahil pinangako na niya sa sarili na kahit kailanman hindi na siya magiging wedding singer.
"Bakit kasi napaka bitter mo?"
"Sinong hindi magiging bitter, Sam. Iyong lalaking pinangakuan ako na pakakasalan at makakasama ako habang buhay nasa langit na nagkakape!" bulyaw ni Shaira, sa pag ikot ng kanyang mga mata. Nahagip niya ang batang pinakain niya sa tapsilogan.
"Sam, teka ha?” pagpapaalam niya at tumakbo papalapit sa bata na kinakalkal ang mga damit na nakatiklop.
"Longsilog!"
"Ate Beauty!"
"Ano, naliligaw ka na naman ba?"
"Nope, I'm with my driver, manang and Papa."
“Wow, sosyal!”
"Ate Beauty ipapakilala kita kay Papa, he said last night he wants to thank you. Narinig ko po niyang sinabi." Saad nito at hinawakan ang kamay niya
"Shaira, halika na!" sigaw ni Sam.
"Baby girl, next time na lang nagmamadali kasi ako. Sabihin mo na lang sa Papa mo walang ano man!"
"When will I meet you again?" pahabol na sinabi ni Katrina.
"Sa tapsilogan mo lang ako makikita! Bye baby girl!"
Tumakbo si Shaira at hinabol ang kaibigan na napaka bilis maglakad.
"Anak! Akala ko nawala ka na naman,” binuhat ni Kean ang anak at pinaliguan ng halik.
“Papa sayang, hindi mo nakita si ate Beauty! Nandito siya!"
"Really? Sayang naman at hindi ko siya na pasalamatan. Can you describe her para malaman ko kung beauty nga talaga siya?" pagbibiro ni Kean sa anak niya.
"Yes, she is beautiful. I like her pointed nose!"
Nakinig lamang si Kean sa mga kwento ng kanyang anak.
"Hindi ko alam na mahilig ka na pala sa bata ngayon," saad ni Sam habang nakababad ang buhok nila sa salon.
"Ang ganda kayang bata! Siguro gwapo at maganda ang magulang niya."
"Sus, inggit ka."
"Kung sanang binuntis ako ni Manuel, edi sana may anak na kami."
"Malungkot ka na naman! Kailan mo dadalhin si tita Lizel sa Manila?"
"Ayaw naman niya rito. Doon daw sa probinsya mas masarap tumira.”
"Kamusta na ang puso mo?" biglang tanong ni Sam.
“I’m good, doing good.”
“Sa susunod, I’m better na ang maririnig ko sa iyo.
Humiwalay si Shaira kay Sam upang puntahan ang puntod ni Manuel. Umupo siya sa tabi ng yumaong nobyo at kinuskos ang lapida.
“How are you now? Alam mo bang promoted na ako, mas masaya kung kasama pa rin kita. Bakit ang bilis mong dumating, ang bilis mo rin nawala sa piling ko. Pero maraming salamat dahil marami akong natutunan sa’yo, mahal,” umagos ang luha sa mga mata ni Shaira pagkatapos ay tumayo.
“Hindi na dapat ako malungkot, I should be happy. Mas okay na rin na magpahinga ka, kesa sa mahirapan ka pa rito. Aalis na ako, I love you.”
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...