Ito nanaman at kinakain nanaman ako ng aking kalungkutan. Ewan ko ba kung bakit ko ito nararamdaman. Matutulog ka na sana ngunit ayaw kang patulugin ng katahimikan. Normal naman ang naging araw mo at mukha namang wala kang masamang nakain, 'di rin naman ako tumae bago matulog pero tang ina bakit ako nalulungkot.
Hindi naman ako iniwan ng babae. Sa totoo lang wala pa akong nagiging jowa. Pero pota bakit ako nalulungkot na para bang iniwan ako ng sampung taon kong kasintahan.
Mahal naman ako ng mga tropa ko, wala naman akong kaaway pero bakit may mga luhang pumapatak sa aking mga mata? Anong ibig sabihin nito?
Ang mga sandaling ito ay dumudurog sa aking puso. Ano bang ginawa ko para maranasan ito? Wala naman akong nilokong tao pero bakit ang lungkot-lungkot ko?
Para bang walang nagmamahal sakin. Oo mahal ako ng magulang at pamilya ko pero may kirot sa puso ko.
Naiiyak ako kapag naiisip ko na mawawala ang aking mga magulang. Sino na ang magmamahal sakin? Matanda na sina Mama at Papa.
Ang mga kapatid ko ay may sarili nang pamilya. Samantalang ako wala, ako lang mag-isa. Ang panganay naming ate may apat nang anak. 'Di naman na ako pwedeng lumapit sa kanya at manghingi ng atensyon niya.
Hindi naman na tulad nang dati. Na lahat kami nasa bahay at kapag iiyak ako ay yayakapin ako ng ate ko.
Ganun din ang sumunod sa kanya na ate rin namin. May dalawa nang anak at sariling bahay tulad ni ate. Ang lalayo na rin ng bahay nila.
Si Kuya rin may anak na at pamilya. Nakatira siya kina Mama at Papa.
Samantalang ako malayo sa kanila. Sinubukan ko kasing mamuhay mag-isa at tignan kung kakayanin ko ba na wala ang tulong nila.
Since college ay bumukod na ako at ito sobrang lungkot ko.
Andyan naman ang barkada at pupunta rito sa apartment para mag-inom or kung ano mang kagaguhan. Manood ng anime o porn man yan.
Pero once na lumabas na sila sa pintuan ng aking bahay nawawala na ang kulay sa haligi t ilaw ng tahanan.
Ako nanaman mag-isa. Its me Me, Myself and I again.
Bakit hindi ako magkajowa?
Hindi naman sa ayaw ko at kung tutuusin sumubok ako na manligaw kaso wala. Pangit kasi. Napaka ordinaryo nang aking mukha. Para bang si Cong. Di sa binabash ko si Idol pero reality check tayo.
Joker din naman ako at pinapatawa ko ang aking mga kaibigan pati ang mga babae na aking nililigawan ngunit hanggang doon na lang yun. Sa una lang ang saya.
"Sorry pero hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo Jeffrey." Linya na madalas kong marinig sa kanila.
Hindi naman ako naghahanap ng maganda sa totoo lang. Di rin naman ako yung, "Pangit na nga ako pangit oa magiging jowa ko." Be like.
Hindi ganyan ang pagkatao ko. Mabilis akong mahulog sa babaeng nagbibigay ng oras sakin. Na makipag-usap or makipagkita sakin.
Kaso sa mata ng iba boy ako. Lalakad sa kayle na may kasamang magandang babae. Tapos may maririnig ka na, "imposible na jowa niya yan, boy niya lang yan." O di kaya, "bakla yan pre, tignan mo ang laki ng tiyan."
Sarap na sarap sila sa babae na kasama ko samantalang kulang na lang tapakan nila ang pagkatao ko.
Sa tuwing naiisip ko ang mga bagay na to naluluha na lamang ako sa mala king size na aking kama.
Hindi naman pangit ang aking buhay. Isa akong Computer Technician sa Cubao. Maraming nagpapaayos sa akin kasi nga magaling at subok na. Nabibigyan din ng tip. So okay naman ang kitaan natin.
Kung tutuusin minsan kapag may sobrang pera napapatambay sa isang gilid tapos oorder ng isang babae. Mga tig 2500-3000 para medyo quality.
Oh diba ang pangit ng buhay ko sa ganto lang nakakalasap ng sarap. Pero magaling sila. Kaso sabi ng mga tropa ko iba ang haplos ng pagmamahal.
26 na kami at halos lahat sila ay may asawa at anak na. Nakabuo na nang pamilya. Kahit nga yung Fuccboi ng barkada nagpakasal na.
Yung tahimik lang sa gedli ayon, taena dalawa ang inasawa pinagsama pa sa iisang bahay. Yung manyakis naming tropa ayon yung yaya ng anak niya tinitira pala niya. Wow fake babysitter lang ang?
Tapos ako ito mag-isa sa bahay, kasama ang aso na napulot ko sa cubao. Saka ang mga alaga kong isda. Mahilig ako sa isda sa totoo lang.
Meron akong mga exotic tulad ng snakehead, knifefish at pacu pero wala akong nemo kasi magastos ang salt water fish. Hindi niya alam yun? Pano kasi bibili ng clownfish sa cartimar tapos kukuha ng aquarium tapos lalagyan ng tubig then ilalagay si nemo, boom! Edi patay ang isda. Bobo!
Sorry naging magagalitin lang pero okay na rin kasi nawala ang lungkot ko.
Tang ina sabi ko nga bumalik nanaman siya.
Oh tapos anong gagawin ko? Wala diba?
Ganto talaga ang buhay ng binatang lalaki na tulad ko. Pagnanasahan yung mga sumasayaw sa Tiktok at tuwang-tuwa sa drumgirl challenge. Idol kita Papi!
Puro tayo kalokohan tang ina ano bang meron?
Di ko rin alam kung bakit ko sinasabi ang mga ito.
Malalim ang gabi siguro dito ko na tatapusin ang liham na ito.
Ano pa bang masasabi ko?
Wala na.
Para sa makababasa nito, ang masasabi ko lang sana di ka matulad sa buhay ko.
Nagmamahal Jeffrey
Ito ay lihim ni Jeffrey sa kanyang huling sandali bago niya tapusin ang kanyang buhay.
Si Jeffrey ay isang mabuting anak, kapatid at kaibigan.
Masakit mawalan ng kaibigan na tulad ni Jeffrey.
Siya ang nagpapasaya sa barkada pero hindi namin alam siya pala ang pinakamalungkot saming lahat.
Isa kang tunay na kaibigan Jeffrey at kung nasaan ka man sana matahimik ang iyong kaluluwa.
May rest in peace.
Ako si Kenneth na dating Fuccboi at may asawa na ngayon na nagpapasalamat sainyo at pinahintulutan niyo akong mapakinggan sa munting oras na ito.
Ang aking mga kaibigan ay ibinabahagi ang kwento ni Jeffrey upang wala nang matulad sa kanya.
Marami pong salamat sa inyong lahat.
BINABASA MO ANG
Buhos
Short StoryAko si Jeffrey isang normal at ordinaryong lalaki oo nagbabasketball ako, naglalaro ng ML, LOL at Dota tulad ng ibang lalaki. bukod dun wala nang espesyal sakin Anong klaseng buhay ba ang tatahakin ko? puro ganto na lang ba lagi? ordinaryong buhay