Tila binuhusan ako ng malamig na tubig ng makita ko ang aking kasintahan na nakatingin sa akin habang nakikipaghalikan ako sa iba.Bumitaw ako sa halik at lumapit sa kanya na hindi na mawari ang mukha dahil sa matinding pagluha.
"Aa-a-alam ko naman na eh" sabi nya na tuloy pa rin ang pagtangis.Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa sa kanya."Gusto ko lang namang ikaw mismo ang magsabi sa akin" ngayon di na bakas sa itsura nya ang lungkot subalit napalitan ito ng galit at pagkamuhi. "Baka pwede mo nang sabihin saakin?" puno ng sarkasmo ang kanyang pananalita na ngayon nya lamang ginamit saakin.Hindi ko malaman ang aking sasabihin masyado akong nasasaktan sa paraan ng pagtingin nya saakin.Hindi ko maipaliwanag ang bilyon-bilyong karayom na parang tumutusok sa aking puso.
"Sabihin mo na o baka gusto mo ako din ang magsabi sa aking sarili kagaya ng ako lang ang nagsariling tumuklas na sa ating dalawa ako lang pala ang nagmahal.Mahal na mahal kita alam mo yan kahit alam kung niloloko mo lang ako simula sa umpisa.Ang tanga ko lang sa parte na naramdaman kong mahal na hindi ko man lang nahalatang palabas lang ang lahat dahil alam mong kaya kang buhayin ng perang ibibigay sayo pagnakumbinsi mo akong bumalik sa mga magulang ko pero yun ang akala mo kasi ngayon at kahit na kailan pa di mo mahahawakan ang perang yun dahil mula ngayon di mo na ako makikita.".Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha at panlilisik ng kanyang mata at sa isang iglap lang bigla na naman syang lumuha at napaupo sa lupa.
Hindi ko alam kung ilang oras ako nakatingin sa nakaupong taong umiiyak ngayon sa aking harapan.Nagulat na lamang ako ng bigla syang tumayo at walang tingin na umalis sa aking harapan ngunit nanatili parin akong nakatayo habang tanaw ko sya papalayo nagulat na lamang ako ng may matanggap akong text message mula sa kanya.
From Hanz
We're break now
Di ko maipaliwanag ang sakit ngunit kailangan kong tanggapin dahil ako rin naman ang nagbigay ng mas matinding sakit sa kanya.Gusto ko syang habulin,gusto ko syang puntahan,gusto kong lumuhod sa harapan nya makuha lang ang kanyang kapatawaran.Ngunit alam kung sa panahong ito ay hindi pa sya handang patawarin ako
Makalipas ang tatlong araw ay hindi ko parin magawang puntahan sya at humingi ng tawad sa kanya.Heto ako at nakatulala pa rin habang iniisip kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya.
Kinabukasan ay pumunta ako sa inuupahan nyang bahay.Di ko maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman ng oras na yun.Kakatok na sana ako ng biglang lumabas ang landlady ng bahay."Asan po yung nakatira dito?" nahihiya man ay tinanong ko pa rin.Tinitigan muna akong mabuti ng ale bago nagsabing "Ikaw pa lang ang kasintahan ng nakatira dito siguro naghiwalay na kayo," prangkang tanong ng ale saakin kaya di na ako nakasagot sa kanyang sinabi "Mga kabataan nga ngayon naku po tinatapos ang buhay dahil lamang sa nasawing pag-ibig" humahawak pang sabi ng aleng kaharap ko,"Hindi mo ba nakikita ang jar na dala ko ngayon,andito ang kasintahan mo dahil tinapos nya na ang kanyang buhay" dugtong ng ale.Bigla akong nakaramdam ng lungkot at pagkasawi.
Hindi ko pa rin malaman ang aking gagawin ng malaman ko sa may ari ng bahay na tinutuluyan ni Hanz na tinapos na nya ang kanyang buhay.Hindi ko matanggap na wala na ang taong naniwala sa akin maging sa aking mga kasinungalingan.Ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kasama dahil sa panloloko ko sa kanya nais kung humingi ng tawad sa kanya ngunit alam kung hindi na mangyayari yun lalo at wala na sya nais ko ring hagkan sya ng mahigpit ng mahigpit gaya ng lagi nyang ginagawa sa akin ngunit paano ko pa magagawa iyon ngayong wala na sya at higit sa lahat nais kong magpasalamat sa lahat ng pagmamahal na ibinigay nya saakin na kahit minsan d ko nasuklian.
Nagsisisi ako sa lahat ng panlolokong ginawa ko sa kanya.Nagsisisi akong di nasuklian ang pagmamahal nya.Nagsisisi ako dahil alam kong kaya nya tinapos ang buhay nya ng dahil sa panloloko ko sa kanya at lalo akong nagsisisi dahil ngayon ko lang nalamang mahal ko sya.
Tinignan ko muli ang porselanang lagayan ng abo na yakap ko at may nakita akong sulat na............
"I'll be back to take --"
Author's Note:
Oppppsss putol po ba
Kailangan po talaga yan para maguluhan tayong lahat maging ako.
At mas maguguluhan pa po tayo sa susunod ko pong update.
Pasensya na at maikli perstaym ko lng po gumawa ng story eh
Hope you all like it.
Hoping for your votes po
Love kayo ni author kahit walang may love sakin
And plss if you find my updates corny tell me po para mas maayos pa po sa ibang chaps tenkyo
Love,
Author

BINABASA MO ANG
Make Her Suffer
RandomMatatakpan ba ng galit ang nararamdamang pagmamahal para sa isang tao? Maatim mo bang pahirapan ang taong mahal mo? Makakaya mo bang tiisin na makita syang nasasaktan para lang maiparamdaman ang sakit na dinulot nya sa iyo sa nakaraan? Maaari kayang...