Kabanata 25

167 19 997
                                    

Read at your own risk

Trinity

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakakulong sa mga bisig ng lalaking ito. Ngayon lang natapos ang ginawa naming pagtatalik subalit wala itong naging epekto sa akin.

"Trinity, bakit ganiyan ang mukha mo? Hindi ka ba nasiyahan sa ginawa natin? Salamat nga pala dahil bukas ng umaga, makakaalis na ako," nakangiting sambit niya sa akin habang hinahaplos ang aking mukha.

Hinahayaan ko na lang siya sa kanyang ginagawa dahil maraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Maraming katanungan subalit hindi ko alam kung saan hahanapin ang sagot.

"Hindi ako matatahimik kung makikita kitang ganiyan bukas. Trinity, pasensya ka na talaga dahil hindi kita p'wedeng isama. Mas lalo akong mapapahamak," nag-aalalang sambit niya sa akin.

Wala akong pakialam kung hindi niya ako isama bukas dahil baka mapahamak siya. Ang iniisip ko ngayon, sino ang magtuturo ng daan palabas at kung saan siya manggagaling.

"Miko, tigilan mo na nga ako. Nagawa ko na ang hinihiling mo kaya maaari ka nang makaalis. Siping lang naman ang gusto mo, hindi ba?" naiinis kong tanong sa kanya.

Kahit na pagbaliktarin pa ang mundo at sabihin niya sa akin ang lahat ng dahilan, lalabas pa rin na siping lang ang gusto niya. Hindi niya na kailangan magbalat-kayo sa harap ko dahil madaling mabasa ang mga lalaking gaya niya.

"Ano bang sinasabi mo? Trinity, hindi lang siping ang habol ko sa'yo. Sa totoo lang, gusto rin kitang tulungang makaalis sa lugar na 'to subalit hindi ko alam kung paano. Makinig ka, makakalabas ka rin," mariing giit niya sa akin.

Sinamaan ko na lang siya nang tingin at itinapis sa hubad kong katawan ang kumot. Mabilis akong tumayo sa kama at naglakad papunta sa palikuran. Bahala siyang magbihis mag-isa.

"Nagawa ko na ang gusto mong mangyari kaya huwag mo na akong guluhin pa. Miko, kaya kong maghanap ng sariling paraan para makalabas sa lugar na 'to. Paalam!" singhal ko sa kanya bago tuluyang pumasok sa palikuran.

Isinara ko ang pintuan at hinagis sa labas ang kumot. Agad akong nagsalok ng tubig gamit ang tabo at hinayaan itong gisingin ang utak ko. Masyadong nagiging kumplikado na ang buhay ko.

"Trinity, kailangan mong ituon ang iyong isip sa pagsasa-ayos ng buhay mo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magagawa mong makatakas. Tang*na! Trinity, umayos ka!" singhal ko sa aking sarili at bahagyang pinaghahampas ang ulo ko gamit ang tabo.

Bumabagabag na rin sa aking isipan ang malaking posibilidad na nagdadalang-tao ako ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin sakaling tama ang kutob nila. Kaya ko bang maging isang mabuting ina?

"Trinity, ayos ka lang ba riyan? Naririnig kong sumisigaw ka kaya hindi ko maiwasang mag-alala. Gusto mo bang pumasok ako?" nagtatakang sambit ni Miko.

Bahagya pa niya kinakatok ang pintuan subalit hindi ko ito binubuksan. Kailangan kong makapag-isip ng maayos para magawa kong solusyunan ang mga problema.

"Manyak, umalis ka na sa silid na 'to! Ilanh ulit ko bang sasabihin na wala na akong pakialam? Hayaan mo na ako dahil makakalabas ka na naman bukas!" singhal ko.

Sa bawat katagang pinapakawalan ko ay pilit kong pinapakalma ang aking sarili. Hindi ako dapat magpakita sa kanya ng labis na emosyon dahil baka gamitin niya ito laban sa akin.

"Kung hindi ka pa rin aalis, maghahanap na ako ng ibang makakasalamuhang lalaki. Tandaan mo, hindi pa tuluyang sumisikat ang araw kaya wala pang kasiguraduhan ang kaligtasan mo," pagbabanta ko sa kanya.

Narinig ko na bahagya siyang natigilan at tumigil sa ginagawang pagkatok. Sumalok na lang ulit ako ng tubig at ibinuhos ito sa aking sarili. Madali lang naman pala siyang makausap, pinahirapan pa ako.

Hunter's Mail ( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon