Chapter 16

3.7K 92 12
                                    

 

CHAPTER 16

"Anong ginagawa ng isang model sa loob ng kotse mo nakaraang araw at dumiretso pa kayo sa hotel." Tanong niya na agad nagpawala ng emosyon sa aking mukha.

Hotel?

Matunog akong napalunok bago bahagyang yumuko. Kinakabahan ako sa isasagot niya.

Ngumiti ako kay Vanessa nang marahan niyang hawakan ang braso ko. Halata sa mukha niya ang pag aalala.

Ang tagal na nanatiling tahimik ni Jared. Nagtatagisan lang sila ng tingin ng pinsan ko.

"Bakit may model, Jared? Gusto pala ng pumupulupot."

"Shut it, Louie." Seryoso na rin ang mukha ni Vince.

"You chose truth, Jared. Just answer." Walang ganang sambit ni Cloud. Ayaw ko nang larong 'to.

"Fuck it! She's just my friend. May pinuntahan lang kami." Hindi na niya hinayaang sumagot ang iba at mabilis na pinaikot ang bote.

Tumingin siya sa akin. Malamlam ang kanyang mga mata. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanya.

Wala na sa laro ang isip ko. Masyado ko nang dinamdam ang tanong ni Kuya Cloud. Minsan iniisip ko kung sadya bang insensitive sila at nagagawa pa nilang pag usapan ang mga babae nila sa harap namin, kahit na ramdam kong may alam sila sa amin ni Jared. Tangina.

"Cleine! Tumapat sa'yo!" Binangga ni Vanessa ang braso ko kaya agad akong napatingin sa kanya at sa bote.

"Pwede ako magtanong sa bestfriend ko?" Nakataas kamay pa siyang nagpaalam. Tumango lang naman sila. Seryoso rin ang tingin ni Cloud sa aking direksyon.

"Dare..." Peke pa akong umubo.

Maloko siyang tumingin sa akin bago nagsalita.

"Lapitan mo 'yong first love mo and get his number."

My face crumpled. Gaga 'to paano ko makikita ang College first love ko rito. Eh, wala naman siya.

"Are you kidding me?" May nilingon siya sa isang cabin.

"No, he's here. Nakita ko siya kanina. Go there." then pointed the cabin near us. May tatlong lalaki nga ang naroroon.

"What the fuck are you saying, Vanessa." malamig na turan ni Jared at hinawakan ang aking pulsuhan.

"What?" Halos manginig na ang boses niya sa katatawa. I saw Louie and Cloud smirked.

"Kaya pala pamilyar siya. Iyon 'yong kasama mo pumunta sa bahay dati." Louie laughed at his own.

I pursed my lips together then stood up. I was about to walk when someone dragged me somewhere. Pumiglas ako sa mahigpit niyang kapit sa akin.

"What are you doing?!"

Sinalubong ako ng matigas na ekspresyon ni Jared. Kita ko kung paano magtaas baba ang kanyang dibdib at ang galit na pag-igting ng kanyang panga. Lumalabas ang mga ugat niya sa braso.

"No, Ris. It should be, what you're about to do there."

Humakbang ako paatras nang umabante siya palapit sa akin.

"It was just a Dare, Jared. Just a dare!"

Wala na akong hiya kahit marinig kami ng iba sa sigawan namin. Pero wala namang tao na palakad-lakad sa parteng ito. Medyo malayo na kami sa mga kasama namin.

"Bakit hindi mo sa'kin sinabi ang tungkol sa lalaking 'yon?" Patuloy siyang lumalapit sa akin.

"Dahil hindi naman importante 'yon."

Burning Desire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon