Claire's P.O.V
Napaka ganda ng tanawin, hinding hindi ako mag sasawang bumalik rito sa parke tuwing gabi kung ganito lagi ang aking matatanaw.
"You really like nature." Naka ngiting sambit ni Hie ngunit bakas ang lungkot sa mga mata nito.
Peacefulness is all I wanted.
I wanted to live in a peaceful place with my parents... and of course, with Hie.
Pero kagaya nga ng sinasabi ng ibang nakatatanda 'hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo.'
Bakit nga ba ganito kalupit ang tadhana? Na para bang si tadhana ang bata at ang tao ang laruan.