Chase your dream by glydelantonio.
ATHENA'S POV
Nasa loob kami ng classroom at walang teacher dahil sa meeting about sa district meet na gaganapin. Nang matinag ako ng tawagin ako ni Bella one of my friend.
"Athenaa panoorin mo 'to" nakangiting patakbong lumapit sa akin na dala dala ang phone niya
"Ano yan?" at binigay sa akin ang phone niya at kinuha ko naman 'yon at pinlay ang video doon
Nang i-play ko ang video ay isa iyong nag aadvice na lalaki tungkol sa buhay buhay at lovelife. May mga nagtatanong at saka naman niya iyon sasagutin. Magaganda ang mga sagot niya at paniguradong may matututunan ka. Sinabi nito na pag may nanligaw o nanliligaw sayo ay hindi iyon sa patagalan ng panliligaw o ano.Hindi na dapat pang patagalin o paabutin ng taon. Hindi panliligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon. Ang isang lalaki daw ay mabait yan dahil nanliligaw pa lang pero pag sinagot mo na iyon ay doon mo na makikita yung ugali niya. Mabait kase gusto ng lalaki na mapasagot ka, gustong makuha yung matamis mong oo. Kaya naman mas magandang maaga pa lang ay makilala at malaman mo na ang totoong ugali ng isang lalaki.
Habang pinapanood ko iyon ay napaisip ako. Naalala ko si Kurt. Hindi naman sigurong masamang sagutin ko na si Kurt dahil halos isang buwan na din naman siyang nanliligaw sa akin. Nababahala ako dahil inaasahan kong patatagalin ko pa ang panliligaw niya sa akin. Pero may punto iyong lalaki. Mas mabuti ngang makilala agad, kesa sa patagalin nga ang panliligaw pero pangmadalian lang naman. Ayos na siguro iyong kahit isang buwan lang ang kaniyang panliligaw at kung pandaliang relasyon lang ito ay hindi ako mahihirapang mag move on.
Mahirap na kung taon nga siyang nanligaw pero pang isahang buwan lang naman ang relasyon ay wala din.
:sana gets niyo yung sinasabi ko hahahahahaha!
Kaya naman ng matapos ko iyon panoorin ay tinawag ko si Bella na busy makipag tsismisan.
"Bella!" agad naman siyang lumingon at lumapit sa akin.
"Oh ano diba may punto iyon?" at kinuha niya sa akin ang phone niya
"Oo sige mamaya sagutin ko na" seryosong sagot ko pero nagbibiro
"Sira ka hahahaha" nanlaking mata niya at natawa naman kaming pareho
"Joke lang hahaha"
Nakauwi na ako sa bahay, nang matapos kong magbihis ay humiga ako sa kama. Hinatid parin ako ni Kurt kanina, lagi naman niya na din yon ginagawa.
Kinabukasan
Kumakain kami ngayon ng magsalita si mama
"Punta tayo sa salon" lumingon naman agad ako kay mama ng sabihin niya iyon alam ko na ang gagawin namin doon kahit hindi niya pa man sabihin
"Ngayon na?" tanong ko
"Oo bilisan mo na jan kumain" at nagsimula na ule akong kumain
Matagal na akong nagbabalak ule magpa rebond, kaso nababahala ako dahil mahilig akong magtali ng buhok madalang ako maglugay ng buhok. Dahil naiirita ako lalo na pag pinagpapawisan ako. At dahil may pagka kulot ako ay gusto ko din magpa rebond ng buhok. Nagparebond na din ako dati at matagal tagal din iyon nasundan. Nang matapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto ko naligo at nag sipilyo. Nang matapos ay bumaba na ako ng tawagin ako ni mama.
"Tara na, mahaba habang oras iyon" at nagpauna na si mama maglakad
Nang makarating kami sa salon ay naupo na ako at inasikaso naman ni ate ang buhok ko.
YOU ARE READING
CHASE YOUR DREAM
RomanceMasaya at simple lang ang buhay ni Athena, sa huling taon niya sa highschool ay dadating si Kurt Cedric Alcantara sa buhay niya. Isang bagong estudyante sa Bright Academy. Maraming humahanga sa kanya dahil sa kagwapuhan nito ngunit isang mahilig sa...