Gulf's POV
Apat na araw na kami dito sa resort. Kahapon nag scuba diving kami, nanood at nagpakain ng malalaking isda at kung ano ano pang activities ginawa namin.
Ngayon, pahinga muna kami sa pamamasyal.
Andito ako ngayon sa balcony ng kwarto namin nagpapahangin. Ang ganda talaga ng lugar na to. Nakakarelax.
Habang nakaduyan ako, may namataan akong dalawang tao sa baba. Kita kasi mula dito ang baybayin. Tumayo ako at pinagmasdan silang dalawa.
I saw Art and Mew. Magkahawak kamay silang naglalakad sa buhanginan. Makikitang masayang nagkukwentuhan sila.
Bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko ng makitang naghahalikan sila.
Simula nung araw na naghorseback riding kami, hindi na ako pinapansin ni Mew. Papansinin niya lang ako dahil sa anak niya. Iniiwasan niya talaga ako.
Namalayan ko nalang ang pagtulo ng luha ko.
"Bwisit na mga luha to! Bat ko ba iniiyakan ang mokong na yan?" parang baliw na kausap ko sa sarili.
"Maybe because you like my cousin?"
Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si Title. Nakapamulsa itong nakamasid din kila Art at Mew.
Agad agad kong pinahid mga luha ko.
Ano ginagawa ng lalaking to dito?
"Ano sinasabi mo? Tsaka bakit ka nandito? Hindi ka man lang kumatok!" medyo inis kong sabi dito.
"I did! Tinatawag din kita kaso di ka sumasagot kaya pumasok na ako." relax na relax na sabi nito sakin.
Humarap siya sakin ng nakangiti.
"So am I right?" he asked.
"What are you talking?" pag iwas ko ng tingin sa kanya.
"Well, I'm talking... about that?" sabi niya sabay turo sa dalawa na ngayon eh nagtatampisaw na sa dagat.
"I don't know what are you trying to say Title!"
"Hay naku Gulf! You're too obvious that you like my cousin. Stop pretending bro."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"You know nothing Title. You're talking nonsense. Bakit ka ba nandito?" galit kong asik sa kanya.
"Rain is looking for you!" he said.
Sinundan ko siya ng tingin naglakad ito palayo sakin. He was about to go out in the room when he suddenly stopped. Makahulugang tumingin siya sakin.
"If you keep denying your feelings para sa pinsan ko, baka pagsisihan mo yan!" sabi nito ng nakapamulsa pa sa Hawaiian short niya.
Nanatiling nakatanga lang ako sa kanya. Tumalikod ito ngunit muli din humarap. Mukhang may nakalimutan pa siyang sabihin.
"By the way, I don't like that guy for my cousin!" he said at tuluyan na akong iniwan.
Halos hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Sinabi niya din na hindi niya gusto si Art para sa pinsan niya.
Lumabas ako ng kwarto at pinuntahan si Rain. Nakita ko ito sa may kusina kasama tita Bea niya.
"Mommy!" sigaw nito.
Nginitian ko siya at lumapit sa kanila.
"Ano ginagawa niyo?" tanong ko sa kanila.
"Tita Bea and I we're baking cookies po!" masaya niyang sabi sakin.
BINABASA MO ANG
WANTED: BABY SITTER (Completed)
FanficThis story is just all in my imagination. This is just a fan-fic story. I would love too if you can appreciate my works and support me. I am not forcing anyone to like my story ok. It's up to you if you want to read this or not. Sorry if ever I can'...