"You know how much I wanted you for the rest of my life." Nakita kong nagningning ang kaniyang mga mata habang binibigkas ang mga salitang iyon. Hindi alintana kung mangawit man ang tuhod sa pagkakaluhod.
I also want you for the rest of my life baby. God knows it.
"Will you marry me Andy? Please Say yes. Please marry me." Napapikit ako bago pakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.
Marry you.
That's all I want. It would be a dream come true seeing you wearing a toxido, waiting for me to kiss you and say 'I do.'
Mas tumindi pa ang pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata ng ilahad niya ang isang munting kahon. Nakakasilaw ang kinang ng laman nito.
My dream engagement ring. Nakalimutan niya ang lahat pero ang paborito ko ay hindi. Despite of being teary, hindi ko mapigilang mapangiti.
Hindi ko akalaing magkakatotoo ang iniimagine ko noon. My dream proposal, my dream engagement ring, ang lahat ng ito'y tinanong niya sa'akin noon, kung ano ang gusto kong pangarap na proposal at kakatwang kung ano ang isinagot ko ay ganoong ganoon nga ang nangyayari ngayon.
Nakalimot ba talaga siya? O paraan niya lang ito para makabawi sa sakit na naranasan niya.
"Hey baby stop crying. Just answer me. I want you to be my wife. Will you be my wife?" Nakangiting tanong nito. Maging ang mga mata ay kakikitaan ng pagmamahal.
Pinahid ko ang luha sa aking mga mata. Suminghot-singhot pa bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Yes Gab. I will marry you." Maging ito ay naluha sa natanggap niyang sagot. Dahan dahan niyang isinuot ang singsing bago mahigpit na yumakap.
Nagliwanag ang madilim na kalangitan dahil sa makukulay na fireworks. Patuloy pa rin siyang nakayakap at batid kong mas humigpit pa ito.
Hindi ako makapaniwala. Pati ang paborito kong fireworks ay pinaghandaan niya rin. Ang pinahid kong mga luha ay unti-unti nanamang nagsibagsakan.
Malungkot kong pinanood ang mga makukulay na ilaw sa kalangitan at lalo pang bumuhos ang kalungkutan ko ng magform ang mga makikislap na ilaw mula sa fireworks at makabuo ito ng ilang salita.
I love you Andy.
I love you too Gab.
"Hanggang kailan mo sasaktan ang sarili mo Claire?" Agad kong pinunasan ang mga luha ko bago lingunin ang boses na 'nasa likuran.
"What are you doing here?" Bungad nito sakin ng magtama ang aming mga mata.
"I j-just want to witness my dream proposal Val," sagot ko saka nag-iwas ng tingin.
"Seriously!? You're just hurting yourself!" hindi makapaniwalang aniya. Nagtamang muli ang paningin namin. Sa kabila ng matatalim na titig nito ay nagkukubli ang awa.
"Matagal na akong nasasaktan." Natawa lang ito sa naging sagot ko.
"You are torturing yourself Claire! Do you really think he lost his memory? Akala mo ba talaga ay nakalimutan ka niya?" Napako ako sa aking kinatatayuan.
"W-what do you mean?" naguguluhang tanong ko rito.
"I knew everything," iyon lang ang sinabi nito bago naglakad sa gawi ko. Ngayon ko lang napansing wala itong sapin sa paa. Bumabaon ang kaniyang talampakan sa pino at puting buhangin ng dalampasigan.
"Hindi talaga nawala ang alaala ni Gab, Claire," anito habang nakatanaw sa dalawang taong masuyong nagyayakapan sa ilalim ng makukulay na fireworks.