Chapter 14- A Day to remember.

657 55 9
                                    

CHAPTER 14

May 11, 2016

Three months later.

Hawak ni Kean ang pinadalang sulat mula sa California, 

Ilang litrato ni Camille kasama ang iba’t ibang lalaki. Sa sobrang galit ni Kean, binalibag niya ang nilukot na litrato. Ni hi o hello, wala siyang natatanggap kay Camille. 

"I'm tired, Camille," bulong nito. 

"Sir, excuse, Mr. Fernando is here." 

Aminado si Kean na marami siyang pagkukulang sa kanyang mga anak. Palaging over time at kailangan niyang matapos lahat ng trabaho. Lumilitaw na single Dad si Kean, nahihiya siya sa mga anak dahil hindi niya ito makuhang asikasuhin.

Dahil sa sobrang daming trabaho ni Shaira, nahuli siya sa breaktime, tumakbo siya pababa upang makasakay agad ng taxi. Pinuntahan niya ang 24 hours tapsilogan at dito kumain. Sa kanyang pag-upo, pumukaw sa kanyang atensyon ang pamilyar na katawan ng bata. Tumayo si Shaira at nilipatan ito.

“Kat? Sabi na ikaw eh!”

“Ate Beauty!” hiway nito at hinagkan siya habang umiiyak.

“Bakita ka na naman umiiyak? Bakit lumalayo ka sa school mo? Alam mo bang maraming bad sa paligid?”

“Alam ko po na rito ko lang po kayo hahanapin. My classmates said, I’m ligaw na pusa dahil walang Mama.”

“Hay naku, huwag mo silang intindihin. Halika at babalik na kita sa school.”

“Ayoko po, sila lang po ang masaya sa event. I don’t have parents. I don’t like yaya. I want Mama and Papa!”

“Teka, nasaan ba ang magulang mo?”

“Mama left Papa. Three months na po, sabi niya po busy lang sa California. Si Papa po laging busy sa trabaho.”

Tiningnan ni Shaira ang kanyang relo at hindi nagdalawang isip na samahan ang bata.

“Halika, sasamahan kita sa school event! Kukutusan ko ‘yang tatay mo. Dapat binibigyan ka ng oras,” hinagkan niya ang bata pagkatapos hinawakan ang kamay upang sumakay ng taxi.

“Ayoko po.”

“Halika na, kapag hindi ka sumama gagawin kang tapsilog ng mga monsters dito.”

Biglang lumapit si Katrina sa kanya at mukhang natakot ang bata.

"Will you go with me talaga, ate Beauty?"

"Yes, I will. Pero bago ang lahat, mag ayos ka muna. Ang pawis mo, tapos puro ka sipon," pang aasar ni Shaira. Inayusan niya ng buhok ang bata, pakiramdam niya bagay na bagay na niyang maging ina. 

"Do you have a daughter?" 

"I don't have one. Single pa ako, pero alam mo. Kapag nagka-anak ako, gusto ko katulad mo. Ang ganda-ganda mo kasi." 

Nang marating nila ang paaralan, lumantad kay Shaira ang karatulang ‘Happy Mother’s Day’. 

"Sali po tayo!" hinatak siya ni Katrina dahil may dance contest para sa mga nanay.

"Katrina, Diyos ginoo huwag mo akong pasayawin, dibale ng kumanta." 

"Okay! Last contestant! Katrina's Mother."

Nag palakpakan ang mga taong nanonood. Ngayon lamang sumali si Shaira sa isang patimpalak ng sayawan.

“Go mama Beauty!” sigaw ni Kartina habang pinanonood si Shaira.

“Katrina! Saan ka galing? Nakong bata ka?” giit ni manong Noel, ngunit hindi siya inasikaso ni Katrina at patuloy pa rin ito sa pagpalakpak.

“Kaninong bag iyan, Katrina?”

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon