Chapter 16- Accidentally In love

760 63 11
                                    

CHAPTER 16

Pinauna ni Shaira ang mag ama dahil kinuha pa niya ang ilang gamit. Ngayon na nasa underground parking sila, hinahanap nito ang puting kotse at binigay na plate number ni Kean. Nang mahanap niya ito, minabuti niyang buksan ang likuran na pintuan pero naka-lock. Nagulat siya dahil bumaba ang bintana ni Kean. 

"Front seat, Ms. Lancaster." 

Hindi niya alam kung paano hihinga sa loob ng kotse nito. Tuwang-tuwa si Katrina at naglilikot sa likuran ng kotse. Ilang sandali tulog na ang bata sa likuran ngunit tahimik pa rin ang dalawa sa loob ng kotse.

"Shaira, umh. Thank you for saving my daughter, for how many times. I'm sorry too, hindi ko pinakinggan ang explanations mo. Nagkataon wala ako sa mood no’n at ayoko lang talaga na incomplete ang mga tao ko kapag nagpatawag ako ng meeting. I'm sorry.” 

"Walang ano man po, I mean sa pagsama ko kay Katrina. Hindi ko rin po kasi expect na anak niyo siya. Sir, may fault din naman po ako sa over break at lalo po 'yong kanina.”

"Seryoso ka bang magre-resign?" 

"Opo."

"Huwag na sana, I will make a public apology. Hindi rin tama ang ginawa ko sa’yo. At ang kapal naman ng mukha ko kung hindi ko gagawin 'yon pagkatapos mong iligtas ng ilang beses ang anak ko."

"Hindi na po sir, okay na po 'yung sorry niyo ngayon. Nakakahiya po."

Nagahagip nilang pareho ang isa’t isa, hindi makatingin dahil pakiramdam nila’y binabalot sila pareho ng kahihiyan.

    Dahil sa mahabang biyahe, nakuhang nakaidlip ni Shaira, ito rin ang pagkakataon na lingonin siya ni Kean.

"Totoong matangos nga ang ilong. Maganda pero weird," bulong niya sa sarili.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa insidenteng nangyari. Empleyado pa niya ang taga salo sa anak niya sa tuwing ito’y naglalayas. 

Nang marating nila ang Enchanted Kingdom, hatak-hatak ni Katrina ang kamay ni Kean para mabilis makalapit sa entrance. Habang si Shaira na nasa likuran lamang ng dalawa dahil ayaw naman niyang dumikit at pagkamalan pa silang happy family. 

"Mama come here!" sigaw ni Katrina at nahiya na naman si Kean dahil Mama pa rin ang tawag nito. 

"Saan mo ba gustong sumakay, anak?"

"Mama ikaw, saan mo gusto?"

"Ha? Ako, roller coaster."

"Doon tayo pa!”

Hinatak ni Katrina ng sabay ang dalawa at nagkabunggo sila sa ginawa ng bata. Muling nagkahiyaan at umiwas si Shaira kay Kean.

    “Bakit gusto mo rito?” out of the blue question of Kean.

    “Masaya po kasi, agaw buhay.”

    Tinawanan lamang siya ni Kean at tumingla pagkatapos nakita niya ang mga sumisigaw na estudyante.

“Iyon lang? Marami namang mas sasaya d’yan." 

"Iba pa rin po ang biglang pagtigil ng puso kahit alam mong buhay ka pa, kapag nasa taas na ka.” 

Kinakatakutan ni Shaira ang rides na ito ngunit gusto niyang sumubok tulad ng turo ni Manuel sa kanya. Nang makaupo na sila, magkatabi ang mag-ama habang si Shaira na may ibang katabi.

“Are you okay there, Shaira?”

“Okay lang Sir! Katrina, isigaw mo lang kapag natakot ka ha?”

“Yes Mama!”

Nagsimulang umandar ang roller coaster at walang humapay sa pagmumura si Kean sa kanyang isipan.

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon