"HA? ANO?"
Yan lang ang palaging tanong ko sa kanya. Ang hirap kasing intindihin ng mga sinasabi niya. Puro hand signs.
"eh. Sorry ha? hindi ko kasi maintindihan." Kumuha ako ng isang papel at ballpen sa bag ko at binigay sa kanya. "oh eto. Isulat mo nalang dyan para maintindihan ko."
hindi niya kinuha ang papel. Umiiling-iling siya at wini-wave yung kamay niya na parang sign na 'wag nalang' .
He left....
....leaving a smile on my face.
I felt my face heated up!
"Shine! halika na! wag ka nang matulala dyan! Punta na tayo sa canteen! ginugutom na ako!"
pumunta na ako ky Pink at sinabyan ko na siyang pumunta sa canteen.
After naming kumain, bumalik na kami sa classrom at saktong-saktong dumating na si ma'am.
Natapos na ang klase. Dismissal time na.
"Shine, mauna ka nalang umuwi. May practice pa kasi kami sa cheering squad para sa dadating na competition." sabi ni Pink
"Sige Pink. Good luck sa contest niyo. Sana mananalo kayo." Sagot ko sa kanya at kumaripas na siya palayo.
Mag-isa nalang ako ngayong uuwi. Di bale malapit lang naman ang bahay nami. 2 blocks away lang at walking distance siya.
BINABASA MO ANG
Ha? Ano? (one-shot story)
RomanceNagpipipipipihan ka lang pala. Inlove na ako sa'yo. Di mo pa sinabi. Love mo rin pala ako.