KASALUKUYUNG sinusuklay ni Araceli ang kanyang buhok nang may kumatok sa pinto.
Napalingon siya doon.
"Bukas'yang," malakas na sabi niya para marinig ng kumakatok.
Bumukas ang pinto at bumungad ang maid nilang si Fely.
"Senyorita,nandiyan na po 'yung anak ni Mang Romano,"anunsiyo nito.
"Pinag-almusal mo na sanatorium,"aniya.
"Kumain na raw po siya."
"Sabihin mong ihanda na niya ang sasakyan at bababa na kamo ako."
"Opossum,"sagot ng maid at saka marahang hinila ang pinto pasara.
Patungo siyang airport para sunduin ang kanyang mama na si Dona Librada. Pauwi na ang kanyang mama buhat sa New York kasama si kristal, ang anak nina Alvaro at Paula na dinala nito sa kapatid niyang si Adam Anim na taon na ang kanyang pamangkin.
Siya ang susundo sa dalawang dahil ang mga kapatid niyang lalaki ay pawang busy sa trabaho. Isa pa'y mayroon siyang gustong sabihin sa kanyang mama tungkol sa kanyang pamangkin kaya hindi na siya nagreklamo pa nang pakiusapan ng mga kapatid na lalaki na siya na siya na lamang ang sumundo sa mga darating.
Isa pa ya excited din naman siya makita ang pamangkin.
Nang masiyahan na sa harap ng malaking salamin at saka nginitian ang sarili. Dinampot ang kanyang shoulder bag at nagmamadali nang lumabas ng kanyang kuwarto.
Sinalubong siya ni Fely sa ibaba ng malaking hangdan.
"Naroon na po sa sasakyan ang anak ni Mang Romano, senyorita,"sabi nito.
"Oo. Bahala na muna kayo dito. Tiyakin ninyong nakaluto na kayo pagdating naming,"
"Opo."Lumabas na siya ng mansiyon. Nasa gitna na ng mahabang driveway ang Expedition. Ang driver nita ay nakatayo sa gilid nito at waring nag-aabang sa kanya.
Nang makita siya nitong paparating ay agad itong nagtungo sa passenger's side para ipagbukas siya ng pinto.
"Good morning po, ma'am," bati nito sa kanyan.
Agad siyang napatingin dito. Baritono ang tinig ng lalaki, buung- buo at napakasarap sa kanyang pandinig. Bahagya pa siyang natigilan nang mapagmasdan ang mukha ng lalaki.
Napakaguwapo nito.
No, maling sabihing ito ang pinakaguwapong lalaking nakita niya sa edad niyang iyan na beinte sais.
Alin ba sa dalawang anak na lalaki ni Mang Romano ang lalaking ito? Tatlo ang anak ni Manong Romano, isang babae at dalawang lalaki. Alam niya dahil kapag Cristmas party ng kompanya ay palaging kasama ni Manong Romano ang mga ito.
Pero iyon ay noong maliliit pa lamang ang mga ito. Basta ang natatandaan lamang niya ay isa sa dalawang lalaking iyon ang palaging tingin nang tingin sa kanya noon. Pero hindi naman niya alam ang pangalan.
Hindi naman kasi sila pinapayagan ng kanyang mama na makihalo sa mga ka trabahador at sa mga anak ng mga ito kapag party na. Ang kahalubilo nila ay tao na nagiging panauhin nila kapag Christmas party.
Kung ito ang lalaking iyon na tingin nang tingin sa kanya noon, bakit naging napaguwapo nito?
Matangkad ang lalaki dahil tiningala pa niya ito. At mukhang maganda ang pangangatawan. Kahit
halatang luma ang puting polo na suot nito at ang kupasing maong mapapansin ang kaguwapon nito.
The man was very handsome. And very sexy too."I-ikaw ba ang anak ni Mang Romano?" tanong niyang muntik pang pumiyok. Napakalakas ng presensiya ng lalaki, parang nanghihigop.
"Opo," magalang na sagot nito bagaman at wala ang pagkailang o pagkakimi na taglay ng ibang bago pa lamang nagsisimulang magtrabaho. "Ako ko po si Dindo," pag papakilala nito sa sarili.
Si Manog Romano na ama nito ang talagang driver nila. Pero noong isang linggo ay nagpaalam na ito sa kanya dahil sa lumalalang mga kumplikasyon ng diabetis nito. Nakiusap na kung maarin ay pinayagan naman niya.Matagal na nilang driver si Manong Romano. Buhay pa ay ubod ng bait ang may-edad nang lalaki at talaga namang napagkakatiwalaan nila. Alam niyang kahit ang mama niya ay hindi matatanggihan ang matandang lalaki sa pakiusap nito.
Hindi nga lamang daw makakapasok agad-agad ang anak nito dahil ipasusundo pa nito sa Alabang kung saan ito nagtatrabaho bilang isang security guard sa isang bagong bukas na mall. Nangyon nga lamang ito pumasok sa tamang-tama naman dahil mayroon siyang pupuntahan.
Ipinagbukas na siya nito ng pinto. Habang sumasakay siya ay may pakiramdam siyang isa siyang prinsesa na buong karangalang ipinagbukas ng pinto ng kanyang prinsipe.
Nang maisara ang pinto ay lumigid ito at sumakay na sa driver's seat.
"Alis na po tayo, ma'am?" tanong nito sa kanya.
Hayun na naman ang buung-buong boses nito na parang musika sa kanyang pandinig.
"Opo," sagot niyang hindi na sumulyap dito. Ayaw niyang makahalata ang lalaki na apektado siya ng malakas na presensiya nito.
Binuhay nito ang makina ng sasakyan at ilang saglit pa ay palabas na sila ng malaking gate n bakal.
Binuksan na iyon kanina pa ng mga security sa pinto.
Langhap ni Araceli ang mabining sanghaya ng gamit nitong cologne. Very masculine ang amoy at very subtle. Masarap ang dating niyon sa kanyang pang-amoy dahil humahalo iyon sa amoy ng katawan ng lalaki.
Amoy-malinis and very masculine. Ngayon lang yata sa tanang buhay niya naging very conscious si Araceli sa amoy ng isang lalaki.
Marami na siyang nakaharap na guwapo. Hindi nga ba at puro artista ang madalas niyang makaharap dahil anak siya ng may-ari ng Royal Entertainment Pictures? At isa siya sa mga namamahala dito? Pero ang paghanga niya sa mga nagguguwapuhang contraci stars nila ay biglang nawala dahil sa lalaking ito na katabi niya sa sasakyan.
Parang gustong maglikot ng kanyang isip dahil sa amoy nito gustong-gusto niya. At kapag napapatingin siya sa mga hita at harapan ng lalaki ay parang gustong manuyo ng kanyang lalamunan.
Napapailing siya. Damang-dama niyang isa siyang tunay na babae nang mga sandaling iyon.
Sinadya niyang huwag mag bukas ng usapan habang naglalakbay silage. Kahit ang totoo ay gusto niyang malaman ang maraming bagay tungkol sa lalaki. Una na ya kung mayroon na ba itong asawa o girlfriend. Natatakot siyang ipagkanulo ng boses niya ang kanyang nararamdamang pagkaakit sa lalaki.
Hindi rin naman ito nagsasalita nakatuon lang sa manibela ang atensiyon nito. Pero kahit ang simpleng pag-ikut-ikot lang ng mga kamay nito sa manibela ay nakapagbigay ng kasiyahan sa kanya.
Lalaking-lalaki ang kilos nito.
Nakarating sila sa airport.
"Humanap ka ng mapagpaparadahan. Tapos ay hintayin mo kaming lumabas sa pintong iyon," sabi niya dito bago siya bumaba ng sasakyan.
"Yes, ma'am," magalang na sagot nito at hinintay na siyang makababa.
Tinanaw pa niya ang papalayong sasakyan bago siya pumasok sa arrival area para hintayin ang pagdating ng kanyang mama. Pero naisip niya ang kanilang bagong driver.
Dindo Alonzo.
Maging ang pangalan ng lalaki ay macho ang dating.
Napahinga siya nang malalim. Hindi niya maaring dayain ang kanyang sarili, crush niya ang guwapo nilang driver?!
DUMATING ang eroplanong kinalululanan ng kanyang mama at pamangkin on time. Nakita niya iyon sa malaking board na kinaroroonan ng mga eroplanong umaalis at dumadating. Mahigit isang oras pa ring naghintay si Araceli bago niya nakitang lumabas ang kanyang mama kasama ang kanyang pamangking si Kristal.
Isa nang magandang batang babae ang sanggol na itinakas ng kanyang mama dinala sa New York
amin na taon na ang nakakaraan.
Hindi maipagkakailang anak ni Paula dahil kamukhang-kamukha ito ng naging asawa ng kanyang kapatid na si Alvaro.
Matangkad ang bata kahit anim na tao palamang ito. Makinis ang kutis nito palibhasa ay sa States lumaki.
Tulak ng kanyang mama ang isang pushcart na puno ng ilang malalaking maleta at bag. Iginala nito ang tingin sa maluwang na kuwartong iyon sa paghahanap ng sasalubongst. Itinaas naman agad niya ang isang kamay kaya nakita siya nito.
Agad niyang niyakap ito at hinagkan. Pagkuwa ay ang batang babae naman ang kanyang hinagkan.
"How was the trip,Kristal?" tanong niya sa pamangkin. Kilala naman siya nito dahil ilang beses din niyang nadalaw ito sa New York habang lumalaki. May mga desisyon kasi sa kompanya na kailangan muna niyang isangguni sa kanyang mama bago niya pagpasyahand.
"Fine, titan!"sagot nitong nakangiti.
Napakaganda talaga nito. Hindi rin maipagkakailang anak ng kanyang kapatid dahil sa ilong nito na katulad ng kay Alvaro.
"O, sa sasakyan na tayo mag-usap-usap," sabi ng kanyang mama. Kinuha naman niya ang pushcart at siya na ang nagtulak. Akay ng kanyang mama si Kristal.
Nang makalabas sila ng building ay naroon na si Dindo na agad nagbigay-galang sa kanyang mama. Pagkuwan ay kinuha nito sa kanyan ang pagtutulak ng pushcart at itinulak iyon patungo sa lugar na abangan ng mga sasalubong sa mga nagsisidating.
"Sino ang lalaking iyon?" pabulong na tanong sa kanya ng kanyang mama. Nauuna sa kanila si Dindo."Anak ho siya ni Mang Romano. Hindi na kanyang magmaneho ni Mang Romano dahil sa kanyang sakit at nakiupas na ang anak na lang daw niya ang ipalit natin sa kanya. Pumayag na ako."
"Kailan pa ang lalaking iyan?
"Ngayong umaga lang siya nagsimula,mama.
Last week naman nagpaalam si Mang Romanoo."Napatango na lamang si Dona Librada.
Nang makarating sila sa lugar na abangan ng mga sasalubong ay sandali silang iniwan ni Dindo. Hindi naman nagtagalat nagbalik ito dala na ang saskyan.
Sumakay na sila sa sasakyan habang ikinakarga nito ang mga bagahe ng mga bagong dating. Ilang sandali pa at pauwi na sila."Ma may isang sikat na sikat na dramasa radyo ngayonna ang bida ay isang batang babae," pagbubuksan niya ng usapan. Nasa unahang upuan siya ng sasakyan niya ng usapan. Nasa unahang upuan siya ng sasakyan at nasa likod naman ang maglola.
"Oo nga. Naitawag mona iyan sa akin noon pan."
" Tinawagan ko na ang writer, e. Sinabi kong interesado tayong bilhin ang istorya para maisali sa pelikula."
"Babagay ba ba dito kay Kristal ang role?"
Hinagod niya ng tingin ang pamangkin na tahimik na nakaupo sa tabi ng kanyang mama. Napangiti siya.
"She's perfect for the role, mama. Pero matatas ba siyang managalog?"
"Oo naman. Hindi ba sinabi ko na sainyo noon pa na gagawin ko siyang isang maningning na superstar? Kaya naman tiniyak namin ng Kuya Adam
mona matututo siyang managalog."
"So, gagawin natin ang pelikula?"
"Oo. Iyon ang gagawin nating launching movie niya. Kausapin mo na ang writer at bilhin mo na ang right na maisalin sa pelikula ang dramang iyon. Pero bigyan mo muna ang tatlong buwan itong apo ko na makapagpahingaat makapag-adjust dito sa Pilipinas bago tayo magsimula ng shooting. Pero maari nang simulan ang pre-production."
"Okey, 'mas. Hey, Kristaln, gusto mo bang maging artista? baling niya sa mapangkin.
"Yes, titan! Gustung-gustoko, katulad ni tita Sandra!"
Napangiti si Araceli. Parang nakikini-kinita na niya na isa na namang maningning na superstar ang isisilang sa katauhan ng kanyang pamangkin.
"Alam ba ng mga press people na darating ako ngayon, Araceli?" tanong sa kanya ni Dona Librada.
"May ilang nakakaalam, mama."
"Alam ba nilang kasama ko si kristal?"
"Walang kakaalam ,mama."
"Good! Ayoko munang may makaalam na naririto na sa bansa ang anak nina. Alvaro at Paula. Gagawin kong isang malaking affair ang pagpapakilala sa kanya sa press people!"
YOU ARE READING
Iiwan Ko Ang Lahat
Short StorySi Dindo Alonzo na yata ang pinakaguwapo at pinaka-sexy sa lahat ng lalaking nakilala ni Araceli. Lahat yata sa lalaki ay gusto niya, mukha, taas,kulay at ang boses nitong gustung-gusto ng kanyang pandinig. Ang problema'y mahirap lam...