Mara
'Are you okay Mara?', malumanay na tanong niya na ikinalaglag ng aking panga.
Nagtatakang tingin ang ipinukol ko sa kaniya dahil ang inaakala ko ay papagalitan niya ako dahil sa nangyari.
'Matapos mo kaming sigawan Sir tapos magtatanong ka kung okay lang ako', naiinis na sabi ko at nagtungo sa may pintuan ngunit
'Try to open that goddamn door and you would not like what i'm gonna do to you', nagbabantang sabi niya at dahan dahan siyang lumapit sa akin at hindi ko mawari ang nararamdanan ko kaya unti unti akong humakbang patalikod ngunit may naramdaman akong malamig sa aking likuran.
'Shit eto na ba ang katapusan ko', saad ko sa aking isipan.
'Are you scared?', nanunuyang tanong niya at wow may gana pa siyang magtanong ewan ko ba kay Sir Tyler may sapak ata ang ulo nakakainis ang sarap sapukin kung hindi ko lang to professor e.
~~~~~~~~~~
Pagkatapos ng pangyayaring iyon ni hindi ko magawang tignan ang kaniyang mga mata habang nagtuturo at halos isang linggo ko siyang hindi pinansin. May pangamba pa rin ako kahit hindi na niya ko ginugulo pero ramdam ko pa rin ang talim ng mga titig nito pero isinawalang bahala ko na lang ito.
Yay weekend na, kain tulog na naman ako.
Pero nakakapagtaka lang, ilang araw ng wala ang mga kaibigan ko.*yawn
nakapikit na aking mga mata ng
ring~ring
hindi ko ito pinansin at nanatiling nakapikit, wala akong ganang makipag-usap ngayon.
ring~ring
ring~ring
ring~ringnaiinis kong hinablot ang aking cellphone at hindi na tinignan kung sino ang caller
'Hello? ba't ka ba tawag ng tawag nagpapahinga yung tao e. Wala ka bang magawa sa buhay?!'
'M-maam sorry po, akala ko po kasi girlfriend ka ni Sir Tyler. Nakita ko po kasi ang pangalan niyo dito at nakalagay ang Honey Mara', halos mabulunan ako sa sarili kong laway ng marinig ko ito.
'Ano po bang nangyari?'
'Eh kasi maam nagwawala siya dito sa club at kanina niya pa pinagsinisigaw ang pangalan mo kaya kinuha ko ang cellphone niya at tinawagan kayo', at halos maibato ko ang aking cellphone dahil sa narinig.
'Sige po kuya, anong club po ba yan?'
'KD club po'
'Sige po kuya salamat', pagkatapos ko itong ibaba dali dali akong nagbihis at pumunta na sa club.
~~~~~~~~~~
Pagkapasok ko sa vip room nakita ko si Sir Tyler kasama si kuyang bartender
'Salamat po kuya, ako na pong bahala' tsaka binigay ang bayad ng damages
'Sige maam, ingat po kayo pauwi', tumango ako at inalalayan ko na si Sir Tyler tsaka ipinasok sa taxi.
'Kuya tara na po, ibaba mo na lang kami kung saan mo ko sinundo kanina', pagkarating namin sa bahay halos mawalan ako ng ulirat ng natumba siya sa sahig.
Naiinis kong sinabunutan ang aking buhok bago siya itinayo. Pagkatapos ko siyang punasan nilagyan ko na siya ng kumot. Buti na lang may sofa sa kuwarto ko at doon ko siya inihiga.
Tatayo na sana ako ng
'Mara don't leave me please, M-mara p-please', garalgal ang kaniyang boses. Naestatwa naman ako sa aking narinig. Naisipan ko na lang tumayo at humiga sa aking kama upang hindi na marinig ang mga susunod niyang sasabihin. Pero hindi nakaligtas sa aking pandinig ang huli niyang sinabi na halos nakapagpatigil sa aking paghinga.
'M-mara I love you, please d-don't do this. I'm begging you d-don't leave me', pagsusumamo niya, hinintay ko pa ang susunod niyang sasabihin ngunit nakatulog na pala ito ng tulayan pero may kakaiba akong naramdaman sa parte ng dibdib ko na ikinatakot ko.
B-bakit? bakit kailangan ko itong maramdaman. Hindi pwede professor ko siya estudyante niya ko hindi pwede. Arrggghhhh