Our Shadow

23 1 0
                                    

“By, tignan mo ang cute oh.” Saad ni Cassy habang pinapakita sakin yung baby na nasa picture. Mga 6 months palang yung baby I think?

“Sabihin mo lang kung gusto mo na magkaanak.” Pabirong saad ko.

“Baliw ka ba! Syempre ayoko pa, ang bata bata pa natin eh.” Anito at nagpatuloy sa pagtingin ng mga pictures ng baby sa cp niya.

“Psh. Kunyari ka pa jan bano ka.” Pang-aasar ko. Pinanlisikan naman niya ako ng mata at binato ng unan. Siyempre nagbibiro lang ako, ayoko pang magkaanak kami. We’re just 21 at hindi pa kami tapos mag-aral, mas lalong hindi pa kami kinakasal.

“S’an ba tayo kakain? Magtatanghali na by.” Tanong nito. “San mo ba gusto?” tanong ko pabalik.

“Sayo po.” Napangiwi naman ako sa sagot niya. “Walanghiya ka talagang lalaki ka! Hindi ka manlang kiligin ha?!” sigaw niya at pinagpapalo nanaman ako ng unan. Tsk, kung hindi ko lang talaga mahal tong babae na ‘to baka hinampas ko na ‘to ng higaan.

“By, ang init!” reklamo niya habang nakakapit sa braso ko. “Paanong hindi iinit kung nakaganyan ka sakin?” saad ko. Naiinis naman niyang tinanggal ang kamay niya at lumayo saakin.

“Sus, kunyari nagtatampo daw si bano oh. Haha!” pang aasar ko habang niyayakap siya, “I love you po.” Nakangiting saad ko. Ngumiti naman siya at kinurot ang pisngi ko.

Dumiretso na kami sa paborito naming fastfood restaurant, Mcdo.

“Ganon parin order ko By, chicken with rice, spaghetti with chicken, large fries, and float!” Napasapo ako sa ulo ko dahil sa dami nanaman ng gusto niyang kainin. Hindi rin lang naman niya mauubos lahat. “Pera mo?” saad ko.

“Anong pera mo?” tanong nito. “Bayad mo! Aba!” giit ko. “Hoy lalaki ka! May utang ka pa nga sak—“ hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at pumunta na sa harap para umorder.

Inorder ko ang lahat ng gusto niya habang saakin ay isang float at large fries lang. Dahil alam ko namang hindi niya mauubos lahat ng ‘to at ibibigay saakin.

Pagkabalik ko sa upuan ay nakahawak nanaman siya sa ulo niya. “Masakit nanaman ulo mo baby?” Tanong ko. Umiling naman siya, “Hindi na masyado ngayon. Nanjan ka na eh, yiee” Napailing nalang ako at binato siya ng tissue sa mukha niya.

Gan’to talaga kami magkalambingan. Lagi kaming nag aasaran at nagsasakitan, pero yung sakitan na hindi sobrang lalim at biruan lang.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso kami sa park. Since wala naman na kaming gagawin this day, dito na lang muna kami tatambay. Gustong gusto rin naman niya pumunta dito dahil narerelax siya.

“By wait lang tignan mo yung shadow natin oh!” saad nito habang naglalakad kami papuntang park, tinignan ko naman. “Oh anong meron?” saad ko. “Ang cute natin!” palihim nalang akong ngumiti. Alam ko naman kanina ko pa nga napapansin yang shadow na yan eh.

Nilabas niya ang phone niya pinicturan ito. “Ang cute magka height tayo dito by” saad niya at tumawa. Dumiretso na kami sa park naupo sa ilalim ng puno.

“By, ang cute talaga ng mga bata no?” saad niya habang nakatingin sa mga batang naglalaro. Napangiti nalang ako at napatitig sakanya.

“Soon baby, bibigyan din kita ng anak. Kahit ilan pa gusto mo, but for now tapusin muna natin pag-aaral natin at papakasalan na kita agad.” Nakangiting saad ko.

“Siguraduhin mo yan by ah? Hihintayin ko po ‘yan.” Tumango naman ako habang nakangiti at hinalikan ang noo niya.

Promise yan, hintayin mo lang baby.

…..

“Anong gusto mong kainin?” tanong ko sa babaeng kaharap ko.

“Chicken with rice, spaghetti with chicken, large fries, and float po!” masayang saad nito. Wala paring pagbabago. Ilang taon na kaming kumakain sa Mcdo pero eto at eto lang ang gusto niyang iorder.

“Punta tayong park pagkatapos baby ah?” saad ko rito. Tumango naman ito at nagpatuloy lang sa pagkain. Hindi talaga maiistorbo tong mahal ko na ‘to basta’t kumakain eh.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami papuntang park. Gaya ng dati ay nakatingin lang ako sa shadow namin. “Wait baby, hinto ka muna.” Pagkahinto niya ay kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan ang shadow naming dalawa.

Pagkadating sa park ay naupo ako sa ilalim ng puno habang ang kasama ko ay naglalaro. Tinignan ko ang picture namin kanina at napangiti. Dati yung picture na ‘to magka height kami. Pero ngayon mas matangkad na’ko.

Nakangiti akong pinanood ang anak ko na naglalaro sa slide. Dati mommy niya lang ang kasama ko dito. Wala silang pinag kaiba ng mommy niya. Parehas na parehas sila ng paboritong pagkain sa Mcdo at mahilig magpunta sa Park.

Napatingin naman ako sa taas at napapikit. It's almost 9 years that you're gone baby. “By, alam kong pinapanood mo kami ngayon ng anak mo. Mag-iingat ka jan by ah? Sobrang miss na kita. Hindi ka manlang nasilayan ng anak mo ngayong nabubuhay na siya. Tanging sa litrato ka lang niya nakita.” Dumilat ako at napangiti.

“Bakit kasi gano’n by. Diba gusto mong magkaanak? Gusto mo mag-alaga ng bata? Pero bakit no’ng pinanganak mo si Kaycee biglang bumagsak katawan mo? Bakit hindi mo kinaya? Diba sabi mo lalaban ka sa sakit mo? Diba sabi mo sabay tayong lalaban. Hindi kita iniwan no’ng panahon na nahihirapan ka. Ginawa ko rin ang lahat para mabuhay ang anak natin dahil 50/50 ang buhay niya.” Hindi na napigilan ng mga luha ko ang pumatak.

“Pero hayaan na, alam ko naman na masaya ka na jan sa piling ni God. ‘wag mo kami pababayaan ni Kaycee ha? Mahal na mahal ka namin by.” Saad ko.

“Daddy, umiiyak ka nanaman jan. Alam kong love tayo ni mommy, ayaw niyang nakikita kang umiiyak for sure.” Saad ni Kaycee habang pinupunasan ang luha ko.

I smiled. Thankyou Cassy for giving Kaycee who is really looked like you. The personality, attitude and everything. Ikaw na ikaw, im so blessed having the both of you.

ONE SHOT HISTORIARIUMWhere stories live. Discover now