Chapter 2: Prima Royals

67 8 1
                                    


"By the time l return to the Land of Magic, I shall grace a chosen one with five gifts and blessing for Aurelia. I give this to thee my beloved Land. Thy savior. Thy ruler. Fear not by then."
-The Second Prophecy of Goddess Aurelia

Chapter 2

AMETHYST

Nagising ako nang maramdaman ko ang pagtama ng sikat ng araw sa mukha ko. Ilang beses pa akong napakurap bago mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga. I glanced at the wall clock and I sighed when I saw that it's still early and I still have time to prepare our breakfast. Akala ko ay nahuli na ako ng gising. I don't use alarm clock because I trust my body clock. Tumayo na ako at papasok na sana sa banyo para maligo pero nahagip ng paningin ko ang picture frame ng mga magulang naming sa side table kaya napangiti nalang ako ng marahan.

Queen Emerald Serafina Anais Linea-Cordelia and King Antonius Frederick Cordelia VII.

Matapos maligo ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina upang magluto habang mahimbing pa ang tulog ng iba. Wala ang mga maids ngayon dahil day- off nila at dahil na rin sa gagawin namin mamaya na nakagawian narin naming magkakapatid.

While frying the bacon, I nearly had a heart attack when someone placed a mug on the kitchen counter.

"Y-you startled me," nakahawak pa sa dibdib na sabi ko habang nakatitig sa kanya na kasalukuyang nagtitimpla ng kape. Hindi ko man lang naramdaman ang presensiya niya.

"And you're mind is occupied with something while cooking. You might burn the food," malamig na sabi niya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Inayos ko na ang sarili ko at nagpatuloy sa pagluluto. "Anong oras ka ng nakauwi?"

"Four" tipid na sagot niya.

"And you wake up this early. Dont overstress yourself with work Saph. llang beses ko bang ipapaalala sayo na magpahinga ka naman," sermon ko sa kanya. Lagi nalang yang lunod sa
trabaho at nakakalimutan na nga atang huminga.

Napangiti nalang ako ng dahan-dahan siyang tumango sakin. Alam niya ang tama at mali kaya hindi na ako namomroblema sa kanya pero ibang usapan na dun sa iba.

"Uy! May naaamoy akong masarap! Shet gutom na ako!". Sinamaan ko ng tingin si Ruby dahil sa pagmumura niya. Kay aga-aga mura na agad ang lumalabas sa bibig niya. Obviously, I hate curses and vulgar words. Pwede naman sigurong makipag-usap nang hindi nagmumura pero ang tigas pa rin ng ulo ng mga to. Napapeace sign lang siya sakin kaya ibinaling ko ang tingin kay Onyx sa kasabay niyang pumasok sa kusina.

"Are you okay?" nag-alalang tanong ko sa kanya dahil mukhang may bumabagabag sa kanya.

"Yes" sagot niya bago ipinamalas ang nakakaakit na ngiti niya.

Tinanguan ko lang siya bago inutusan si Ruby na ihanda na ang mesa dahil tapos na rin naman akong magluto. Nagdadabog pa siya nung una pero sinunod naman niya ang utos ko. Si Sapphire at Onyx ay may pinag-uusapan tungkol sa negosyo kaya hindi ko na sila inabala pa.

Saktong nakahanda na ang mga pagkain nang dumating si Topaz na nagbabasa na naman ng libro at si Pearl na may dala-dalang salamin at may ginagawang kung ano-ano sa eyelashes niya.

"Pearl, mamaya na yang eyelashes mo dahil kakain na tayo. Topaz keaga aga nakaharap ka na naman sa libro mo, please take care of your eyesight. Ruby Bakit nauuna ka ng kumain? Hindi pa nga handa ang iba! Learn some manners! Saph this is no time for work please"

Hindi nila ako pinansin kaya napabuntong-hininga nalang ako bago naupo. Ano pa bang aasahan ko sa mga babaeng ito?

"Amethyst bakit hindi mo nalang sila hayaan? Matatanda na ang mga yan pero nagiisip-bata pa rin. May sariling isip ang mga yan kaya wag mo silang diktahan na para kang nanay," Onyx said as she crossed her legs.

Prima RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon