SLAP ME, YOU'RE MINE
🍁🌼🍁
Chapter 1
Remember
SAFAIA'S POINT OF VIEW
"Hoy! Kanina ka pa nakatulala diyan!" untag ni Elisa bago naupo sa tabi ko. Inilapag niya lang sa lamesa ang pagkain na binili niya tsaka humarap sa direksyon ko.
"May problema ba?" tanong niya bago tinusok ng straw ang yakult na hawak niya. Napabuntong hininga naman ako bago inilapag ang card na hawak ko.
"Ano 'yan?" Hindi naman ako sumagot kaya dinampot niya lang 'yon at mabilis binasa. Hindi na ako nagulat ng manlaki ang mata niya dahil sa gulat.
"Oh my gosh, Safaia! Paano ka nagkaroon ng ganito?" nagpapanic na tanong niya, muntik niya pang maibuga ang iniinom niya. Hindi ko na lang sinagot si Elisa at saka binawi ang card. Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Wala ka talagang balak sabihin sa'kin?" mataray na wika niya. Napabuga na lang ako ng hangin tsaka ngumiti ng pilit.
"Ayos lang ako okay?" Inirapan niya naman ako at ilang beses napailing-iling.
"Anong okay? Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng card na 'yan?" Tinitigan ko naman si Elisa tsaka napabuntong hininga.
"Alam ko, kaya nga namomoblema ako," inis na wika ko. Napapikit naman siya at bahagyang napahawak sa ulo.
"Teka nga! Ano bang ginawa mo para makatanggap ka ng dark card mula sa grupo ni South?" Napaiwas naman ako ng tingin, bahagya pa akong napayukom ng kamao. Bigla ko na naman kasing naalala 'yong nangyari kahapon.
"Hindi ba nahulog ako kahapon?" Tumango naman si Elisa.
"Siya 'yong lalaking nakasalo sa'kin," mahinang sambit ko. Nangunot naman ang noo niya.
"Oh, tapos? Anong sunod na nangyari?" naiinip na tanong ng kaibigan ko. Napairap na lang ako at marahas na napabuntong hininga.
"Sinampal ko siya." Nanlaki naman ang mata ni Elisa, napatayo pa siya kaya agad ko siyang hinila paupo.
"Anong sabi? Sinampal mo siya?" Tumango naman ako kaya agad niya akong nabatukan.
"Gaga ka! Ano namang pumasok sa kukote mo at kinalaban mo si South ha? Nag-iisip ka ba?" Napanguso naman ako.
"Eh anong gusto mong gawin ko? Minanyak niya kaya ako, sinong hindi magagalit pag gano'n?" Nagsalubong naman ang kilay niya.
"Minanyak?" Napabuga naman ako ng hangin tsaka napairap.
"Dapat lang 'yon sa kanya. Deserve niya naman ang sampal ko dahil manyak siya!" Napahilot naman sa sentido si Elisa tsaka napailing-iling.
"Ano ng gagawin mo ngayon?" tanong niya.
"Ewan ko," walang ganang wika ko. Narinig ko naman siyang napabuntong hininga.
"Safaia, kailangan mo ng magdesisyon ngayon. It's either magiging alipin ka niya o magiging apple of the eye ka ni South at new target ng group niya," aniya. Napairap tuloy ako sa hangin.
"Wala akong balak magpaalipin sa kanya. Mas kakayanin ko pa siguro ang pambubully nila araw-araw kaysa pagsilbi ko siya." Pinanlakihan naman ako ng mata ni Elisa at saka hinila ang buhok ko.
"Hindi ka talaga nag-iisip! Pumayag ka na lang kaysa mahirapan ka pa!" Umiling naman ako.
"Ayoko! Hindi ako pinalaki ng magulang ko para lang magpaalipin sa kanya. Ano siya, hello?" inis na sabi ko. Napapikit na lang si Elisa bago binitiwan ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Teen FictionSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...