SLAP ME, YOU'RE MINE
Chapter 2Jacket
SAFAIA PRIMROSE
"Girl, eto muna isuot mo oh," aniya sabay abot ng extra niyang uniform. Matipid naman akong ngumiti tsaka tinanggap ang binibigay niya.
"Hays, hanggang kailan mo ba balak magtiis ha? Wala ka ba talagang balak ibaba 'yang pride mo?" Napabuntong hininga naman ako.
"Hanggat kaya kong magtiis, magtiis ako. At saka, bata lang naman ang iiyak sa ganung pambubully 'no," nakairap na sabi ko. Nang matapos ako sa pagkusot ng uniform ko ay pinagpag ko muna iyon tsaka itinupi at inilagay sa plastic.
Isinuot ko na lang ang uniform ni Elisa tsaka siya inayang bumalik ng room.
Tahimik lang kaming dalawang habang tinatahak ang daan papuntang hallway. Huminga muna ako ng malalim tsaka pinihit ang door knob at pumasok sa loob. Napapikit na lang ako ng may biglang bumuhos na malamig na tubig kasabay ng tawanan ng mga kaklase namin.
"What the hell?" gulat na sigaw ni Elisa. Napapikit na lang ako tsaka kalmadong pinunasan ang mukha ko. Nangangamoy malansa rin ako.
"Safaia..." Nginitian ko na lang si Elisa. Dumiretso na lang din ako sa upuan ko kahit na basang-basa ang uniform ko.
"Eww, kadiri naman!"
"Ano ba 'yan! Ang kalat!"
"Ang lansa naman 'yan. Isda ka girl?"
Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi nila. Kinuha ko na lang ang libro sa bag ko tsaka nagsimulang magbasa. Nang dumating ang teacher namin ay nagtaka pa siya kung bakit basang-basa ako.
Hindi na lang ako nagsalita at nanatiling tikom ang bibig. Wala namang mangyayari kung papatulan ko pa. Hindi naman kasi ako isip bata katulad ng unggoy na 'yon.
Nang tumunog ang bell ay agad kong inayos ang gamit ko. Lumapit naman kaagad sa'kin si Elisa.
"Eto oh, suotin mo muna," alok sa'kin ni Elisa. Mabilis naman akong umiling.
"Okay lang ako, patuyo na rin naman 'to," tanggi ko.
"Eh, lalamigin ka niyan. Isuot mo muna 'tong jacket ko, ayos lang naman eh." Ngumiti na lang ako tsaka isinakbit ang bag ko. Napabuntong hininga na lang si Elisa, siya na lang din ang nagsuot ang jacket niya.
"Hintayin mo ako!" sigaw niya. Huminto naman ako sa tapat ng pinto at hinintay siyang makapag-ayos ng gamit. Nang mainip ay lumakad ako palapit sa railings, sumandal na lang ako ro'n habang pinapagalaw ko ang paa ko.
Agad na kumabog ang puso ko nang biglang may magsuot sa'kin ng jacket. Nang mag-angat naman ako ng tingin, si South agad ang bumungad sa'kin.
Napairap na lang ako tsaka tinanggal ang pagkakapatong ng jacket at pabalang na hinagis sa kanya.
"Hindi ko kailangan 'yan." Nginisian niya lang ako at muling ipinatong sa balikat ko ang jacket. Nagsalubong tuloy ang kilay ko. Akmang huhubarin ko ulit ang jacket niya ng bigatan niya ng kanyang palad ang balikat ko. Marahas naman akong napabuntong hininga tsaka tumuwid ng tayo at inis na nilingon siya.
"Ano ba talagang gusto mo ha?" gigil na tanong ko. Agad naman siyang napangiti kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Napasandal pa ako sa railings nang bigla siyang tumungo. Napalunok pa ako ng mapaglaro niyang hinaplos ang pisngi ko papunta sa labi ko.
"I want to kiss you," nakangiting sabi niya. Nag-iwas na lang ako ng tingin habang magkasalubong ang kilay.
"Kiss mo mukha mo! Ikiskis mo na lang 'yan sa pader!" Narinig ko naman siyang napatawa. Muntik pa akong mapatalon ng hawakan niya ang pababa ko at ipinaharap sa kanya.
BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Novela JuvenilSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...