SLAP ME, YOU'RE MINE
Chapter 4
Contract
SAFAIA PRIMROSE"Anak, tanghali na. Bumangon ka na diyan at maglalako na ako." Rinig kong sigaw ni mama mula sa baba. Agad naman akong napamulat ng mata tsaka bumangon sa kama. Nag-unat unat pa ako at kinusot-kusot ang mata ko.
Napahikab pa ako bago tuluyang tumayo. Nagligpit muna ako ng higaan bago bumaba.
Nagulat pa ako ng mapansing alas otso na pala.
Bwisit kasi 'yong timog na 'yon. Hindi tuloy kaagad ako nakatulog ng maayos kagabi.
Paano ba naman kasi, bigla ko na lang narealize na tinatakot niya lang ako, napapayag tuloy ako ng wala sa oras. Kaya ngayon, wala na akong takas.
Wish ko lang na hindi niya ako pahirapan.Pagkatapos kong mag-almusal ay naligo na rin ako tsaka nagbihis at nag-ayos ng sarili. Nagtali na lang din ako ng buhok dahil masyadong mainit. Tinapos ko muna 'yong homework at bumaba na. Nang masiguro kong wala na akong nakalimutan ay lumabas na rin ako tsaka inilock ang pinto.
Binuksan ko pa ang payong ko dahil ayokong pagpawisan na naman pagdating sa school. Pakanta-kanta pa ako with matching pasayaw-sayaw.
"May talent ka na naman pala." Agad naman akong napatigil sa paglalakad. Ibinababa ko rin ang payong tsaka nilingon ang nagsalita kasabay ng pamimilog ng mata ko.
"What the hell? Anong ginagawa mo rito?" nakakunot noong tanong ko. Napaayos naman siya ng tayo mula sa pagkakasandal sa kotse niya tsaka binuksan ang pinto.
"Get in the car," utos niya. Mabilis naman akong umiling.
"Hindi na, maglalakad na lang ako," sabi ko. Magsisimula na sana akong maglakad ng pigilan niya ang braso ko.
"I said, get in the car," malumanay na sabi niya. Nagtaas naman ako ng kilay
"Bakit ba ang kulit mo? Sinabi ng maglalakad ako!" inis na sabi ko. Napangiwi pa ako ng mas lalo niyang higpitan ang pagkakahawak sa'kin
"Kapag hindi ka pa pumasok sa loob, kakaladkarin na kita." Napabuntong hininga na lang tuloy ako at napilitang pumasok sa loob ng kotse niya. Nagsuot na lang din ako ng seatbelt habang masama ang titig sa daan.
"Ano bang problema mo at pinuntahan mo pa ako? At higit sa lahat, paano mo nalaman ang address ko?" mataray na tanong ko nang hindi lumilingon sa kanya.
"I have my ways," matipid na sabi niya. Napairap naman ako at inis na nilingon siya.
"Eh bakit mo ako sinundo?" Nilingon niya naman tsaka nagpilit ng ngiti.
"Pwede bang manahimik ka na lang? Ginagawa ko lang 'to dahil naguguilty ako," mahinang sabi niya. Napangisi naman ako kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Ah, may konsensya pa pala ang isang katulad mo? Akala ko kasi, pinanganak ka na talagang maging demonyo!" Hindi niya naman ako pinansin kaya itinikom ko na lang ang bibig ko, baka kasi mamaya manyaki na naman ako ng isang 'to kapag nainis sa'kin.
Nang makarating kami sa school ay agad siyang pumara. Nauna naman akong lumabas tsaka nanatiling nakatayo sa tapat ng kotse niya. Agad namang nagkumpulan ang mga estudyante sa harap ko, ibig kong sabihin sa tapat ng kotse ni South. Muntik ko ng makalimutang sikat nga rin pala si South maging ang grupo niya.
Nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko habang hinihintay siya ngunit agad din akong napatakip sa tenga ko ng magtilian ang mga fans niya pagkalabas niya ng kotse.
BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Novela JuvenilSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...