SLAP ME, YOU'RE MINE
Chapter 9
My Queen
SAFAIA PRIMROSE
"Anak, gumising ka na at may bisita ka sa baba." Rinig kong sigaw ni mama. Nagmulat naman ako tsaka nagkusot ng mata. Napahikab pa ako bago tuluyang bumangon sa katre.
Agad naman akong napahawak sa pader nang biglang umikot ang paningin ko, bahagya rin akong nakaramdam ng hilo. Ang bigat bigat din ng pakiramdam ko na para bang lalagnatin ako.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Mayamaya rin ay mawawala na 'to, baka sinat lang dahilan naambunan ako kagabi.
Napabuntong hininga na lang ako tsaka kumapit sa hawakan habang bumaba ng hagdan. Tsaka lang ako huminto ng nasa huling baitang na ako.
"Oh, nandiyan na pala ang anak ko. Safaia, anak, halika at ikaw muna ang mag-asikaso sa bisita mo," bilin ni mama. Tumango naman ako nang hindi binubuksan ang mga mata.
Inaantok pa kasi ako at parang gusto ko na lang matulog buong araw kaya lang kailangan kong pumasok.
"Hindi ka ba natulog kagabi? Mukha ka ng zombie." Agad namang nangunot ang noo tsaka napadilat bago nilingon ang nagsalita. Nanlaki pa ang mata ko tsaka bahagyang napaawang ang labi.
Napakurap-kurap pa ako at sinampal-sampal ang sarili habang hindi makapaniwalang nakatitig sa taong nasa harap ko.
"I-Ikaw! Anong ginagawa mo rito?" natatarantang tanong ko. Napangisi naman siya tsaka prenteng sumandal sa kawayan naming upuan.
"Bakit parang gulat na gulat ka?" Napairap naman ako bago naglakad palapit sa kanya at nagpameywang sa harap niya.
"At paanong hindi ako magugulat, eh basta basta ka na lang nagpupunta rito ng walang paalam!" inis na singhal ko. Nangunot pa ang noo ko ng ipitin niya ang ilong niya gamit ang daliri.
"Ano ba 'yan, hindi ka man lang nagtoothbrush?" nandiriring sabi niya kaya agad kong inamoy ang hininga ko.
Napangiwi pa ako nang maamoy ang hininga ko ngunit umirap na lang ako tsaka nag-angat ng kilay.
Ano naman ngayon kung mabaho 'yong hininga ko? Eh siya nga 'tong tangang basta-basta na lang nagpupunta rito ng sobrang aga.
Halos kakagising ko lang din kaya talagang hindi pa ako nakakapagtoothbrush. Ni hindi nga rin ako nakapaghilamos ng mukha pero wala na akong pakialam.
Hindi ko naman siya crush kaya hindi ko kailangan magpaganda sa harap niya. At wala rin akong balak magkagusto sa kanya.
Napairap na lang tuloy ako tsaka yumuko para magkalapit ang mukha namin.
"Eh ano naman ngayon kung hindi pa ako nagtoothbrush? May angal ka?" maangas na sabi ko. Agad naman siyang napangiwi at umiling ng ilang beses.
"Lumayo ka nga, ang sakit mo sa ilong," aniya sabay tulak sa mukha ko.
"Psh, ano ba kasing ginagawa mo rito? Bakit hindi mo man lang sinabi na pupunta ka pala?" Umayos naman siya ng tayo. Nagtaka ako nang bigla siyang ngumisi.
"So, kailangan palang magpaalam muna ako sa'yo bago ako pumunta rito?" Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Malamang! Para alam ko di'ba?" Napatango-tango naman siya.
"Pero bakit mo naman gusto mong malaman na pupunta ako? Hihintayin mo ba ako o para makapag-ayos ka bago ako dumating?" nang-aasar na tanong niya kaya agad na nagsalubong ang kilay ko.
BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Ficção AdolescenteSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...