SLAP ME, YOU'RE MINE
Chapter 11Shoulder To Cry On
SOUTH CHARLESTONE"Bro, para kanino pala 'yong bulaklak na pinabili mo sa'kin kahapon?" Nagkibit balikat naman ako at nagkunwaring walang narinig.
"Para kay Abby ba 'yon?" biglang tanong ni Galen kaya agad na sumama ang mood ko.
"Stop asking. Hindi ako tanga para bigyan ng bulaklak si Abigail. I know she wouldn't like it, itatapon niya lang 'yon," walang ganang paliwanag ko.
"Eh, kanino mo pala binigay 'yong tatlong rosas?" Pangungulit pa ni Galen. Napailing na lang ako tsaka sumandal sa sofa.
"Bakit ba ang dami niyong tanong?" Nagkatinginan naman 'yong dalawa
"H-Huh?"
"Hindi naman kami nagtatanong ni Nashua. Si Galen lang nangungulit sa'yo, bakit nadamay kami?" kunot-noong tanong ni Holland.
"Oo nga, bakit kasama pati ako?" Ipinikit ko na lang ang mata ko para pakalmahin ang sarili. Bigla na lang kasing nag-init ang ulo ko ng marinig ko ang boses ni Nashua.
I can still remember what he said earlier at hindi ako natutuwa. Kung seryoso man siya o nagbibiro, wala na akong pakialam. Ang alam ko lang, akin lang si Safaia.
"SOUTH CHARLESTONE!"
Agad naman akong dumilat nang biglang may sumigaw ng pangalan ko. Nangunot pa ang noo ko ng mapansing nanginig sa takot sila Holland. Napailing na lang tuloy ako tsaka nilingon ang tinitingnan nila at gano'n na lang ang gulat ko ng mapagtanto kung sino ang nandito.
"T-Tito L-Lei?" nauutal na tanong ko tsaka napaayos ng tayo. Naglakad naman siya palapit sa'kin habang seryoso ang tingin.
"Ano pong ginagawa niyo rito?" pilit ang ngiting tanong ko. Napabuga naman siya ng hangin.
"Ano itong nababalitaan kong nambubully ka na naman sa campus niyo?" Napakamot naman ako sa batok.
"Fake news lang 'yan. Hindi na kaya ako ang nambubully." Pagmamaangmaangan ko.
Hindi naman na kasi talaga ako nambubully ngayon. Noong nakaraan lang kasi wala ako sa mood.
"Anong fake news? Ako pa lolokohin mo? Eh simula ng mawala ang nanay mo, nagkaganiyan ka na. Do you think she will be happy to see you like this?" Hindi naman ako nakasagot dahil tuluyan na akong nawala sa mood.
Bakit kailangan pang banggitin si mommy? Nakakabadtrip!
Umiling na lang ako tsaka naglakad paalis pero hinawakan niya naman ako sa balikat.
"Hindi pa tayo tapos mag-usap South!" Napairap naman ako tsaka inis na nilingon si Tito Lei.
"Eh ano naman ngayon?" Natigilan naman siya at bahagyang nagulat sa inasta ko. Napailing na lang tuloy siya.
"South, you're already nineteen. Grow up! Stop acting like a kid!" singhal ni tito. Napangisi naman ako at masamang tumitig sa kanya.
"So, what if I act like this? Ano bang pakialam mo? Sino ka ba? You're just my mom's bestfriend and my dad's rival. Even my dad doesn't care about me, so how would I know if yours is genuine?" nakangising sabi ko. Hindi naman siya nakasagot kaya napailing na lang ako.
"See? Stop acting like you care because I don't need it! I don't need people to depend with. Stop worrying about me because it won't change the fact na wala na si mama." Napabuntong hininga naman si Tito Lei tsaka hinawakan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]
Novela JuvenilSafaia is a simple girl who wants to enjoy her high school life. Until she met the popular guy on their campus in the most unexpected event. Pero hindi niya inakalang ang ginawa niyang pagsampal dito ay magdadala sa kanya ng kamalasan. Will she eve...