Chapter 12

1.4K 41 0
                                    

         SLAP ME, YOU'RE MINE

"Ang sabi ko I like you, pero dahil bingi ka, I love you na lang,"

                     Chapter 12

              SAFAIA PRIMROSE

Agad akong napangiti ng makita ko si South na mag-isang natutulog sa ilalim ng punong mangga. Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa kanya tsaka naupo sa tabi niya.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog. Hindi ko rin naiwasang mapatitig sa mahaba niyang pilikmata na may kulot sa dulo, maging ang matangos niyang ilong. Nakagat ko na lang din ang ibabang labi ko ng bumaba ang tingin ko sa malarosas niyang labi.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko tsaka nagpangalumbaba. Maingat kong pinaglaruan ang bangs niya at pinaikot-ikot iyon hanggang sa mapatitig akong muli sa labi niya.

Bigla na lang bumigat ang paghinga ko at halos mabingi ako sa sobrang kabog ng puso ko. Dahan-dahang lumapit ang mukha ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya. Ipinikit ko na lang din ang mata ko at handa na sana siyang halikan nang biglang may humigit sa'kin at pinagpalit ang pwesto namin.

Nang magmulat ako ng mata ay nagulat pa ako ng makitang nasa ibabaw ko na si South habang seryosong nakatingin sa'kin.

"May masama kang balak sa'kin 'no?" Agad naman akong ngumiti ng alanganin.

"H-Huh? W-Wala ah! Bakit naman kita gagawan ng masama?" Pagkakaila ko dahilan para mapangisi siya.

"Really? Kung gano'n, bakit mo ako hahalikan?" Napairap naman ako.

"Wala akong balak halikan ka! Sadyang may dumi ka lang sa labi." Napatawa naman siya.

"At talaga idedeny mo pa?" Sinalubong ko naman ang mga tingin niya tsaka napasimangot.

"Oo na! Balak talaga kitang halikan. Ano naman ngayon? Eh sa gusto kita eh, may angal ka?" maangas na sabi ko. Napangiti naman siya tsaka napailing.

"Paano ba 'yan? Hindi ikaw ang gusto ko," nakangising sabi niya bago binitawan ang kamay ko at tumayo na.

"Teka sandali! Saan ka pupunta? Iiwan mo ako rito?" nagpapaawang sabi ko. Nilingon niya naman ako.

"Ano naman ngayon kung iiwan kita? Wala namang tayo di'ba?" Natahimik naman ako at napayuko na lang. Ang sakit kasi ng puso ko, parang dinudurog.

"Nakakainis! Bakit ba hindi niya ako magustuhan! Hindi naman ako pangit ah?" nakabusangot na sabi ko. Tumayo na lang din ako tsaka pinagpagan ang sarili at muling ngumiti.

"Eh ano naman ngayon kung hindi niya ako gusto? Ang mahalaga, gusto ko siya at gagawin ko ang lahat para maging akin siya," kinikilig na kausap ko sa sarili ko bago patakbong hinabol si South.

Nang sumunod na araw ay nakita ko siyang nakatambay sa library. Nasa dulo siya, sa parteng madilim kaya hindi siya nakikita ng librarian na tulog siya.

Mahina akong napahagikhik bago tuluyang lumapit sa kanya. Pinagmasdan ko pa siya bago naupo sa harap at nagpangalumbaba sa mesa.

"Bakit kahit natutulog ka, ang gwapo mo pa rin? Iyong puso ko tuloy, walang tigil sa pagkabog," nakangiting saad ko habang nakatitig sa kanya.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya upang hindi siya magising. Agad ko namang ibinaba ang kamay ko nang bigla siyang gumalaw. Nang mag-angat siya ng tingin ay nangunot pa ang noo niya.

"Anong ginagawa mo rito? Sinusundan mo ba ako?" Huminga naman ako ng malalim tsaka nagtaas ng kilay.

"Ano naman ngayon kung sinusundan kita? Anong magagawa mo kung namimiss kita?" Napailing naman siya.

SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon