Chapter 22

804 30 0
                                    

           SLAP ME, YOU'RE MINE

         

                      CHAPTER 22

                   
                    Maybe someday

              SOUTH CHARLESTONE

Napangisi na lang ako ng biglang mapatulala si Safaia. Tinitigan niya pa ako sa mata kaya agad akong nakaisip ng kalokohan. Unti-unti ko namang inilapit ang mukha ko. Napailing pa ako tsaka mahinang pinitik ang noo niya kaya agad siyang napabalik sa reyalidad.

"Bakit hindi ka na nakapagsalita d'yan? Kinikilig ka ba?" nang-aasar na saad ko. Hindi niya naman ako sinagot at nag-iwas lang ng tingin. Napansin ko ring biglang namula ang pisngi niya.

Kinikilig nga ang baby ko.

"Tara na, Elisa. Malapit ng tumunog ang bell," nagmamadaling saad niya tsaka hinila si Elisa. Napangisi pa ako ng mabilis na nagmartsa si Safaia palayo.

Madaling-madali. Halatang guilty. Hindi niya naman ikamamatay kung aamin niyang kinikilig siya.

Napailing-iling na lang tuloy ako tsaka tumitig sa cookies na hawak ko.

Hindi naman talaga ako mahilig kumain ng cookies pero dahil nahalikan ko ulit si Safaia, mukhang magiging favorite ko na 'to.

"Uy, huwag ka ngang ngumiti d'yan. Kinikilabutan ako sa 'yo eh," anas ni Nashua. Agad ko namang ibinaba ang cookies na hawak ko at lihim na napairap.

"Bro, pwedeng makahiram ng tapang mo? Akala ko talaga kanina susuntukin ka ni Safaia no'ng hinalikan mo siya. Mabuti na lang hindi," singit naman ni Holland. Bigla naman akong napangisi.

"Bakit niya naman ako susuntukin kung nagustuhan niya rin naman ang halik ko?" nakangising saad ko.

Nagkatinginan naman sina Holland at Galen tsaka napangiti ng nakakaloko.

"Ibig bang sabihin n'yan, may gusto na rin sa 'yo si Safaia?" curious na tanong ni Galen. Nagpangalumbaba naman ako sa lamesa tsaka nag-iisip-isip.

"Hindi ko sigurado. Ang hirap niyang basahin," naiiling na sabi ko habang may ngiti sa labi.

Hindi ko kasi maalis sa isip ko ang reaksyon ni Safaia. Sobrang cute niya talaga kapag nanlalaki ang mata. Para siyang kwago pero half rabbit kasi pantay-pantay 'yong ngipin niya tapos parang may dalawang malaki sa gitna.

Hindi masyadong mahahalata kasi hindi naman palangiti si Safaia.

"Bro, huwag ka ng umasang magugustuhan ka pa ni Safaia dahil ang gusto no'n cute. Ayaw niya sa gwapo at sikat na katulad mo," komento ni Nash.

Napaayos naman ako ng upo at seryosong tumingin sa kanya.

"At sa tingin mo may pag-asa ka kay Safaia? Hindi ka rin kaya pasok sa standard niya," mayabang na saad ko. Gusto ko siyang mainis.

"Hey! Huwag na nga kayong mag-away! Magsisimula na 'yong klase oh," awat naman ni Holland.

Ang akala ko no'ng una, si Nash ang neutral sa 'ming lahat pero hindi ko inakalang magiging karibal ko pa pala siya sa babaeng mahal ko. Kahit na magkapatid pa ang turingan namin, hinding-hindi ko igi-give up si Safaia.

She's mine at walang pwedeng magmay-ari sa kanya kundi ako lang.

Nang marinig kong tumunog ang bell ay nauna na akong tumayo. Inilagay ko pa ang kanang kamay ko sa batok ko habang ang isa ay nakapasok sa bulsa ko.

Plano ko na sanang tumambay na lang sa hide-out ng may biglang umakbay sa 'kin.

"Saan ka pupunta? Magka-cutting ka na naman?" Rinig kong tanong ni Galen. Napairap naman ako at agad na tinanggal ang kamay niya tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad.

SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon