Falling Apart

1 0 0
                                    

Sa buhay, maraming pagdadaanan ang isang tao. Sa dinami-daming tao ba naman sa mundo, ang alam ko kung may magkakatulad man ng karanasan, eh di naman talaga totally lahat magkapareho.

Sa journey ng aking buhay, marami na rin akong napagdaanan. Lalong lalo na kung ang pag-uusapan ay sakit. May iba't ibang klase din ng sakit–physical, mental, emotional atbp.

Pero ngayon, I'm emotionally hurt.

Isa na nga yata ito sa pinakamasakit na klase ng sakit na naranasan ko. Yong klase na nagfa-fall apart na kayo ng partner nyo.

The pain is so much calmer than the weather. Kalma nga pero ito yong mas ikinakatakot ko. Walang breakdown, walang nagraragasang mga luha ngunit para itong nakalutang lamang sa kawalan. Dahil dito, hindi ko mahuhulaan kung ano man sakali ang susunod na mangyayari. Definitely scarry.

Problema namin itong dalawa ng partner ko na wala namang balak na ayusin. Siguro, pareho na naghihintay kong sinong mauna sa pagtalakay dito. At dahil walang nauna, hinayaan na lang. Na para bang isang malaking punit sa aming mga damit pero ipinagsawalang bahala lang.

Parehong iniinda ng bawat isa ang sakit na kanilang nadarama. Nawalan kasi ng koneksyon. Pero ganon naman talaga, di naman magfa-fall apart kung maganda yong komunikasyon ng bawat isa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

random 💭Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon