• Ayesha •
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa, nating dalawa...•••
"Natayah..." hinawakan niya ang wrist ni Natayah pero agad din niyang nabitawan dahil binawi agad ni Natayah ang kamay.
Nandito kami ngayon sa harap ng ShowBT. Mabuti nalang at wala masyadong dumadaan na tao dahil gabi narin, kapag nagkataon, malaking issue ito.
"We're done, Stell. Please, leave me alone." Sabi nito at mabilis na sumakay sa kotse nung kasama niyang lalaki.
Agad naman akong lumapit sa kanya at tinapik ang balikat niya. "Hayaan mo na siya. Hindi siya kawalan." Sabi ko sa kanya pero napaupo nalang siya sa sahig at napatulala habang tumutulo ang luha.
Napabuntong hininga ako na naupo sa tabi niya.
Ang sakit lang makita siya na nasasaktan dahil lang sa babaeng iyon. Kung bakit kasi siya pa.
"Ang daya naman..." mahinang sabi nito habang nakatingala sa kalangitan. "Tinupad mo nga ang hiling ko, pero bakit ang bilis mo ring binawi?" Patuloy nito at patuloy parin ang pagtulo ng kanyang luha.
"Ano bang mali? May mali ba sakin? Bakit niya ako iniwan?" Tuloy-tuloy na tanong niya. "Ang sakit... ang sakit makita 'yung babaeng mahal na mahal mo na naglalakad palayo na iba na yung kasama. Ako dapat 'yun. Ako dapat yung kasama niya." Patuloy niya pa at hindi na maawat sa pag-iyak.
"Gusto kong magalit sa kanya dahil ginamit niya lang ako, pero hindi ko magawa kasi mahal ko siya. Ang tanga ko, no?" Sabi pa nito. Nakatingin na siya ngayon sa'kin.
Umiwas ako ng tingin. "Ganon naman talaga kapag magmamahal ka, nagiging tanga ka." Sagot ko saka bumuntong hininga. "Pero sana tama na, tama na yung katangahan mo sa kanya." Patuloy ko saka tumayo at nagpaalam na mauuna na.
Hindi pa ako nakakalayo ng tawagin niya ako. "Shang..."
"Uuwi na ako. Pagod na ako." Sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Pagod na pagod na akong mahalin ka, Stell.
—
"Oyy, Shang!" Sigaw niya pero hindi ko pinansin. Umuwi siya ngayon sa bahay nila na katabi lang ng bahay namin.
"Galit ka ba?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya ng nakataas ang kilay. "Dalawang araw mo na akong iniiwasan." Patuloy niya saka nag pout. Putaena?
"Huwag ka ngang OA. Busy lang ako." Sagot ko. Totoo naman kasi na naging busy ako nitong mga nakaraang araw. Lalo pa at madaling araw na akong nakakauwi galing sa bar ni Kira.
"Babawi ako sayo. Mamaya pupunta ako sa bar para mapanood kita mag perform." Ngiti niya. "Pero ngayon samahan mo akong magluto." Patuloy niya at hinila na ako papunta sa bahay nila.
—
5 PM palang ay pumunta na ako sa bar para makapag practice kami sa ipeperform namin ngayong gabi.
Nadatnan ko doon si Maira at Kairo, kasalukuyan nilang inihahanda ang mga instruments sa stage.
"Wala pa si Christ?" Tanong ko kaya natigil sila sa ginagawa at lumapit sakin.
"Hindi 'daw siya makakapunta ngayon." Sagot ni Maira.
"Anyways, dalawang kanta lang ang ipeperform natin ngayon." Pag-iiba ng usapan ni Kairo.
Tumango nalang ako at maya-maya pa ay nagsimula na kami magpractice.
Tanaw parin kita sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng iyong mga mataDamang dama ko ang bawat salita na lumalabas ngayon sa bibig ko.
Para siyang isang bituin na mahirap abutin. Pero para din siyang bituwin na nagbibigay ng liwanag sa gabing madilim, sa mundo kong madilim.
Pag ikaw ang kasabay
Puso'y napapalagay
Gabi tumatamis tuwing hawak ko
Ang iyong kamay...Kapag kasama ko siya, kahit sobrang toxic ng araw ko, lahat ng iyon napapalitan ng saya. Panandaliang saya...
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan nating dalawa, nating dalawa...Saksi ang mga bituwin sa kalangitan kung gaano ko siya kamahal. Sila yung naging sandalan ko sa tuwing nasasaktan ako dahil sa kanya.
Sa kanila ko sinasabi lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Sa kanila ko sinasabi 'yung pagmamahal na matagal ko ng tinatago.
Gabi-gabi kong hinihiling sa kanila na sana, kahit saglit lang. Ako na naman ang piliin niya. Kahit konting oras lang, maramdaman ko lang na may halaga ako sa kanya.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong naluha at napatigil sa pagkanta. "Yesha, okay ka lang?" Tanong ni Kairo. Tumigil na rin sila sa pagtugtog.
Hindi ako sumagot. Napaupo nalang ako sa sahig dahil sa bigat ng nararamdaman ko. "If you have a problem, sabihin mo lang tutulungan ka namin." Nag-aalalang sabi ni Maira at naupo na rin sa sahig. Pati si Kairo ay tumabi na rin kay Maira.
"It's okay if hindi ka makakapag perform ngayon, sasabihan nalang namin si Kira." Sabi ni Kairo kaya napailing ako.
"It's okay. Maya-maya mawawala narin 'tong nararamdaman ko. Sadyang hindi ko lang talaga kinaya ngayon." Sagot ko at pinunasan ang luha at pilit na ngumiti sa kanila.
"Okay, magpahinga ka nalang muna. Alam naman namin na kaya mong magperform kahit hindi na magpractice." Sabi ni Kairo saka tumayo at tinapik ang balikat ko.
—
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hiling | SB19 Stell✔
Fiksi PenggemarSB19 Series #5 "Hindi kita mahal." "Ginamit lang kita, Stell..." Napabangon ako dahil sa panaginip na iyon. It's been a year since then. Pero hanggang ngayon masakit parin. Akala ko mahal niya talaga ako. Pero gaya nga nung sabi niya. She just used...