I have a boyfriend for more than two years and our relationship went so perfect. I'm so lucky to have a sweet and caring boyfriend like him.
Pero sabi nga nila, lahat nagbabago.
Ilang araw siyang hindi nagparamdam at hindi ko 'yon inaasahan. Palagi siyang may oras para sa akin noon pero ngayon, maski kung nasaan siya ay hindi ko alam. Until one day, I saw him with another girl. At hindi ako tanga para magpaloko sa kaniya. I broke up with him.
Ilang beses na akong nasaktan, umiyak, nagpakahirap mag-move on, at minsan ay nakikipagbalikan pa. Siguro nga ay tanga talaga ako. Hehe. Pero ano bang magagawa ko, eh nagmamahal lang naman ako. At parte ng pagmamahal ang masaktan. Pero kahit ganoon ay nagmamahal pa rin ako. Masarap kasi sa pakiramdam.
1 year later, nakilala ko si Grae. Malayong-malayo siya sa mga dati kong boyfriends. He's so sweet, caring, and he loves me.
But again...
Sabi nga nila, lahat nagbabago. He broke up with me and the only words he left was, "I fell out of love."
At dahil ako si dakilang tanga, lumuhod pa ako sa harap niya, nagmamakaawang huwag akong iwan. Wala na akong pake sa kahihiyan. Tinulak ko pa ang bestfriend ko na sinusubukang ialis ako sa pagkakaluhod. At isa iyon sa mga bagay na pinagsisihan ko ng husto.
"Alam mo, Rouise, ikaw na ang pinakatangang taong nakilala ko." anang Sky, pinakamatalik kong kaibigan. Napatingin ako sa kaniya at ngumisi.
"Alam ko, Sky. Alam kong isa ako sa mga taong naliligayahan sa kasinungalingan, ngumingiti kahit nahihirapan," ngumisi pa ako. "at nagmamahal pa rin kahit ilang ulit ng nasaktan." nakangiti pa rin ako pero bakas na doon ang pait.
Ramdam ko ang tingin ng kaibigan ko. Paniguradong awang-awa siya sa'kin ngayon pero alam kong may halong inis din 'yon.
"Tsk! Ikaw kasi, eh! Ano bang dapat kong gawin para tumigil ka na, ha?!" Sigaw niya sa'kin pero tinawanan ko lang siya.
"Try mo kaya akong payuhan? Never ako nakatanggap ng payo mula sayo dati pa, eh. Palagi ka na lang nakatingin sa'kin at naaawa. Masyado na ba akong maganda at wala kang masabi habang nasasaktan ako?" pang-aasar ko sa kaniya.
"Tss. Masyado ba akong halata? Hindi naman siguro. Sa ganitong aura ko?"
May mga binulong siya pero hindi ko iyon naintindihan.
Ramdam ko na rin ang pungay ng aking mga mata pero patuloy pa rin ako sa pagtungga ng boteng nasa harap ko at patuloy lang din akong tinitignan ni Sky na kunot na kunot ang noo.
"Ubusin mo na 'yan, bakla ka. Antok na ako." aniya, tumayo na at rumampa palabas ng bar.
Ngumuso ako habang tinitingnan siyang rumampa palabas. Kahit kailan ang baklang 'to, hindi ko alam kong anong kwenta nito sa buhay ko. Minsan kasi may kwenta siya pero minsan wala naman. Ni hindi ako pinayuhan ngayong wasak na wasak ako? Tsk. Tiningnan lang ako maglasing magdamag.
Pero masaya ako na mayroon akong Sky na hindi ako iniiwan.
"Hoy, Sky, hintay!" sigaw ko at sinundan siya. Nilingon naman niya ako habang bagsak na bagsak ang kaniyang balikat at nakatagilid ang ulo, animo'y isa akong pabigat at mabagal na pagong. Ngingisi-ngisi akong pumunta sa puwesto niya at sabay naming nilisan ang lugar. Naiinis siya sa'kin dahil paliko-liko ang lakad ko pero inalalayan niya pa rin hanggang sa makapunta sa sasakyan niya. Inihatid niya ako pauwi at nagising na lang ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko. Para iyong binibiyak.
"'Yan, sige, uminom ka pa." ani Kuya na nasa pintuan ng kuwarto ko nakasandal at nakapamulsa. Umayos siya ng tayo. "ikaw na muna bahala sa sarili mo. Aalis ako." aniya at tumalikod na.
"Tss."
"Atsaka bilisan mong bumangon diyan, may bisita ka sa labas." napatingin muli ako sa pinto nang magsalita si kuya, bumalik pala siya para sabihin 'yon.
Sino namang bisita ang tinutukoy niya?
Nanlaki ang mga mata ko sa naisip! Hindi kaya si Grae ang tinutukoy niya?! Eh, ano naman ang ginagawa niya rito? Magso-sorry? Makikipagbalikan? O baka naman hindi? Aish! Ewan!
Binilisan ko na lang inayos ang sarili ko at bumaba na. Sobrang kaba ang nararamdaman ko habang inaayos ang sarili ko. At hindi ko alam ang mararamdaman nang hindi naman pala si Grae ang naghihintay sa baba. Pero nawala yung kaba na nararamdam ko kanina nung makita ko siya. Natawa pa nga ako, eh. May paki pala siya sa'kin.
"Ayos ka na, sissy?" tumayo si Sky.
Nginitian ko siya at tumango.
BINABASA MO ANG
Wonderful Nightmare
RomanceRouise had gone through many break ups. She was hurt, cried, and beg for a comeback many times. Until she got tired, hit by a realization, hated boys, and promised to herself not to enter any relationship and will be forever single. She'd dream of...