Chapter 18- Everywhere

626 56 3
                                    

CHAPTER 18

              One week later….

Walang tigil sa pag iyak si Katrina habang nakayakap ito sa kanyang yaya. Rinig nila ang pagbabasag ni Kean sa loob ng kwarto. Umagos ang luha ni Kean habang binabasa ang impormasyon na nakalap tungkol kay Camille. She's six weeks pregnant with another man in California.

“Ano pa ang kulang? I gave everything. Gusto ko lang na mahalin mo kami. Mahal na mahal kita pero tinarantado mo ako!” hinagis ni Kean ang wedding picture nila ni Camille. Nagpira-piraso ito tulad ng kanyang puso. Pumukaw sa kanyang atensyon ang ilang katok sa kanyang pintuan. Pinunasan niya ang luha bago ito buksan. 

“Papa bakit po kayo galit?” pagngawa ng bata.

“Wala anak, matulog ka na. Akala ko tulog na kayo, yaya pakisuyo po si Kat.”

“No, you are not okay. Is it because of Mom?”

“I’m okay anak. Sige na at matulog, aalis ako. Don’t worry about me okay?”

Sa kanyang pagsara ng pinto, dumiretso si Kean sa banyo upang hugasan ang duguan na kamo bago tuluyang umalis. Hating gabi at pumunta ito sa bar upang maglasing. Kahit ubusin pa niya ang pera, hindi niya kailanman mabibili ang puso ni Camille. Ilang milyon pero hindi pa rin mabubuo ang kanilang pamilya.

Ilang bote ng alak bago siya tuluyang tumumba, sa hindi inaasahan na pangyayari,  na tapunan ni Kean ang lalaki na kanyang katabi. Parehong lasing at mainit ang ulo, tinapunan ng suntok si Kean ng isang lalaki at hindi magawang makalaban ni Kean. Lango at pinagtulungan siya ng dalawa pa nitong kasama. 

Nagkagulo sa bar at inawat ng mga bouncer ang kalalakihan. Napatigil si Shaira sa pagkanta dahil umabot sa stage ang lalaking binugbog.  Ngayon lang siya nakabalik sa raket dahil kailangan niya pang magpagaling.

“Sir Kean!” tili niya nang makitang dumurugo ang ilong nito.

“Aba’y kilala mo pala Shaira! Dadalhin ko sa backstage nang magamot. Kawawa naman ito,” aniya ng bouncer at inalalayan si Kean papasok.

Nang makarating sila sa loob, hindi magkandaugaga si Shaira kung paano niya gagamutin ang boss.

“Sayang naman ang ilong mo at nasuntok. Gising na sir.”

“Camille,” bulong ni Kean at hinatak si Shaira. Hinagkan siya ng napakahigpit at kulang na lamang ay hindi na siya makahinga.

“Hindi po ako si Camille!”

"Why did you leave us?” 

Hindi kumibo si Shaira at nararamdaman niya ang lungkot na pinagdaanan ng boss. Napansin niya ang luha na patuloy ang pag agos sa gilid ng mga mata ni Kean.

“I love you, I did everything. Ano pa ba ang kulang? Bakit mo ako niloko?”

Unti-unting tumahimik at nakayakap pa rin si Kean kay Shaira. Until she realized Manuel.

“Tama nga si Manuel. Dalawang klase ang pagmamahal, mahal mo hanggang kamatayan o mahal mo hanggang sa ang puso mo na ang mamatay. Kaya siguro umiiyak si Ma’am Camille noong nakita ko siya. Siguro napilitan lang silang dalawa. Ang gulo nga ng magulang ni Katrina.”

Napalunok si Shaira nang maramdaman niya ang halik ni Kean sa kanyang leeg pagkatapos ay siniksik ang sarili sa kanya. Nakuha nilang mahiga sa maliit na sofa, gustuhin man niyang umalis ngunit mahigpit ang hawak ni Kean sa kanya.

“Bakit ang tao kapag wala na sa piling nila ang taong nagmamahal sa kanila, tsaka nila ito pahahalagahan? Why don’t we chase love, instead of pride and anger?”

WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon