"Ang paglingkuran ang Diyos at ang bayan ay isang karangalan upang bigyan ang isang buhay ng kabuluhan" mabuting naglilingkod tayo sa Diyos at sa bayan. Mabibigyan natin ng kabuluhan ang ating buhay kung may ginagawa tayong mabuti at tama. Ang paglilingkod ay isang tungkulin ng tao upang may gawin at magkaroon ng saysay ang kanyang buhay. Maiba naman tayo masakit ang mareject o bumagsak sa paghahanap ng trabaho. Nasa loob ang kirot at kailangan magpagaling. Naranasan kong ireject ng ilang kompanya ngunit nananatili pa rin ang aking dedikasyon upang maghanap ng panibagong trabahong mapapasukan. Makokontento ako ngayon kung anong meron ako ngunit habang lumilipas ang panahon ay lalago ako tulad ng isang punong mayabong at hindi mayabang. Mas lalo akong magpapakumbaba. Maghahanap ako ng trabaho dahil natuto ako sa turo ni San Pablo na "Hindi papakainin ang hindi nagtatrabaho". Naisip kong may gawin upang makatulong sa pamilya at sa ating kapwa. Nagsasakripisyo tayo ng oras, pagod at pawis upang magkaroon ng magandang serbisyo sa iba bago ang sarili. Natutunan kong mas lalo kong mahahasa ang pagiging enhinyero kung gagamitin ko ito sa pagtatrabaho at patuloy na matututo sa larangan at propesyon na pinili. Lagi kong isasama ang panginoong Diyos sa aking laban at pagsubok. Sa kanya ako kumukuha ng lakas. Patuloy akong matututo dahil mahal ko ang pagaaral. Nabubulok ang katawan ng tao kaya habang nabubuhay tayo ay bigyan natin ng kabuluhan at saysay ang ating buhay. Huwag sayangin ang bawat sandali. Matuto sa pagkakamali ng iba. Gawin sa sarili ang mabuting natutunan sa iba. "Hindi ka papaniwalaan kung hindi nakadokumentaryo ang sinasabi mo" natutunan ko ito sa isang enhinyerong nagpanel sa amin nung nagaaral pa ako sa kolehiyo. Kaya natutunan kong hindi maihihiwalay ang pagsulat at pagsasalita. Ang pagsulat at pagbabasa. Ang tao at ang Diyos ay hindi maipaghihiwalay sabi ng isang obispo. Marami akong natutunan sa pakikinig. Sinasama ko ang aking puso sa pakikinig. Dahil kung pagsasamahin ang dalawang tenga ay makabubuo ka ng isang hugis puso. Kaya lagi kong kasama ang aking puso sa pakikinig. Sa buhay may pagkakataon tayong magkamali. Kaya ang bawat pagkakamali ay gawing aral at leksyon. Natutunan kong maging aral at mulat ss lahat ng pagkakataon. Mas lagi kong ginagamit ang aking pagpapasensya at malalim na pangunawa para sa katahimikan ng aking isipan. Ang konsensya ang lagi nating kasama araw man o gabi. Ang konsensya ay gumigising kapag tayo ay nakagagawa ng mali o pagkakasala sa iba. Mas mabuting malinis ang konsensya kahit mahirap kaysa mayamang yumaman dahil sa kaban ng bayan at inuusig ng konsensya. Mahal na mahal ko ang aking sarili kaya pinapangalagaan ko ang aking sarili. Huwag kakalimutang ituro sa iba ang pangangalaga sa ating sarili. "Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa iyong sarili" kapag hindi mo minamahal ang iyong sarili paano mo mamahalin ang iba. Kaya mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa ating sarili. Laging magsimula sa ibaba. "Huwag magmamadali" sumunod sa proseso at itama ang pagkakamali. Isang karangalan ang paglungkuran ang Diyos at ang ating bayan.
BINABASA MO ANG
Aral o Mulat
Thơ caThe background of the story cover is not mine. This story talks about how powerful the knowledge and motivation is. I hope you would like the chapter of every story.