Prologue:
"Marriage" one word, eight letters. Sa lahat ng bagay na nakalagay sa table of contents ng libro, sa napakaraming lecture na pwedeng gawing discussion sa araw na ito, bakit iyan pa? Sa karami-raming bagay na pwede naming pag-usapan, b-bakit pagpapakasal pa?
Napalunok ako, agad akong napatingin sa kamay kong kumikinang hindi dahil sa pagiging makinis ng balat ko (chos) kung hindi, dahil sa singsing na kanina pang ngumingisi sa harapan ko. Ang singsing na simbolo ng kamalasan ko.
"It is a socially or ritually recognized union or legal contract between spouses that establishes rights and obligations between them, between them and their children, and between them and their in-laws--" Utang na loob, mahinang bulong ko.
Agad kong tinakpan ang tainga ko gamit ang aking mga kamay at ini-iwas ang tingin ko sa naka-bold letters na salitang MARRIAGE na kauna-unahang lesson para sa araw na ito.
"How about you, Kath?" napalunok ako. Unti-unti akong napa-angat ng tingin sa harapan ko at napalunok na lamang ulit ng sariling laway nang makita ruong nakatayo si Ma'am habang diretsong nakatingin sa akin with her creepy eyes. Napacross-arms siya at tsaka naka-taas kilay sa aking itinanong, "What is marriage for you?"
Napangisi na lang ako. Shit, ang swerte ko.
Unti-unti akong tumayo. Lahat ng estudyante ay nakatingin na sa akin ngayon at kahit ang bestfriend kong si Hannah ay titig na titig at halatang ina-abangan ang magiging sagot ko.
"M-marriage," napalunok ako, diretso pa ring nakatingin sa akin si Ma'am at katulad ng iba ay hinihintay ang sagot ko. Napabuntong-hininga ako. You asked me then, this is my answer..
"Marriage was, the most horrible nightmare I ever had in my entire life."
***
Author's Note: My first story here, in wattpad :) Sana magustuhan niyo ^_^
BINABASA MO ANG
My Wicked Husband
Romance'What is marriage?' Well, it is one of the most memorable moments of our lives. But for Kath? It was the most terrible nightmare of her life. Find out why! Rated-13. No mature content.