Bestfriends Forever :)

66 1 0
  • Dedicated kay Jirah Suyat
                                    

                                                                                                                        Dedicated to: Pauline Jirah Suyat

Masaya magkaroon ng bestfriend. Lalo na pag girl yun. Yung makaka-kwentuhan mo everytime. Yung makaka-harutan mo pag wala kayong magawa. Yung mapapagsasabihan mo ng mga problema mo kapag wala kang ibang masabihan at depressed na depressed ka na. Yung siya yung magco-comfort sayo at magpapalakas ng loob mo. Yung mag-eencourage sayo kapag down na down ka na. Andami ng ginagawa niya nuh? Kaya talagang blessing na magkaroon ka ng bestfriend na girl. Pero dahil pala dun sa closeness niyo na yun, yun pala yung magiging way para ma-inlove ka sa kanya. Bakit nga naman hindi? Close naman kayo, lagi kayong nandiyan para sa isa't isa and special kayo sa isa't isa, ka-church mo pa siya. Kung mahal niya lang ako edi sana masaya na, diba? Pero yung masakit, bestfriend ka lang pala niya. Na ikaw, may feelings ka para sa kanya, pero siya wala. Talagang bestfriend lang tingin niya sayo. Masakit, sobrang sakit.

Tapos may iba pala siyang mahal, at sobrang close nila. Doble yung sakit. Dahil dun, kailangan ko umiwas para makapag-move on kasi alam ko na wala akong pag-asa. Kailangan pag nakikita ko silang magkasama, lilingon ako palayo para di ko maramdaman yung sakit. Ang hirap, kasi andalas nilang magkasama eh. Parang tinutusok ng stick yung puso ko pag nakikita ko sila. Ako naman, walang magagawa kasi di naman niya ko gusto eh. Dati rati, nagkakantahan kami habang magkausap sa cellphone at hatinggabi yun pero ngayon di na mangyayari. Wala na lahat. Di ko na siya kinakausap eh. Di ko na siya pinapansin. Umiiwas ako lagi. Tapos, umamin siya sa mahal niya. Pero yung mahal niya, bestfriend lang ang turing sa kanya. Nakakatawa yung tadhana nuh? Pero awang-awa ako sa kanya nun. Kasi iyak siya ng iyak. Ako naman, dahil nga mahal na mahal ko siya. Di ko siya matiis. Kinausap ko siya. Tinawagan. Tinext. Kinuwento niya sakin lahat, lahat ng nararamdaman niya para dun sa lalaki na yun, at habang kinukwento niya yun, halos maiyak ako kasi kahit kailan di ko naramdaman yun. Ewan ko ba kung maiinggit ako o ewan. Di ko alam. Pero alam niyo kung ano yung pagkakamaling nagawa ko? Yun yung di ko inamin sa kanya na mahal ko siya. Buong akala niya, bestfriend lang din turing ko sa kanya. Patapos na yung school year, sabi ko sa kanya "Ey tulungan mo naman ako, may mahal akong girl, di ko alam kung panu ko aaminin sa kanya na mahal ko siya, aaminin ko pa kaya?". Then sabi niya, "Aminin mo kasi sayang, magsisisisi ka sa huli pag di mo inamin sa kaniya, isulat mo muna lahat ng gusto mong sabihin sa kaniya tapos kausapin mo siya sa personal". Sabi ko sa kanya, "Sige, gagawin ko lahat ng sinabi mo hehe".

Then eto na, the moment na hinihintay ko. Aaminin ko na sa kaniya lahat lahat. Kinausap ko siya, tapos sinabi ko sa kaniya lahat-lahat. Mahal na mahal ko siya. Siya lang yung girl na kayang kayang mag-comfort sakin. Siya lang yung kayang mag-encourage sakin. Siya lang. At etong bestfriend ko na to. Nagulat siya. Di siya nakapag-salita. Ni wala siyang kibo. Sabi niya sakin, eto yung killer line niya na pagkatapos niyang sabihin, natahimik at natulala ako.

"Kaya mo yan, makakapag-move on ka rin Rhemil"

Dun na natapos ang lahat. Dumaan ang bawat araw. Napaka-emo ko sa gm. Kanta ng kanta ng "The Man Who Can't Be Moved" at "Breakeven". Lahat kailangan kong gawin para makapag-move on and after ilang months, tingin ko wala na akong pagtingin sa kanya. Nag-uusap na kami at nagtetext. Ngayon, ngayon na may mahal na kong iba, okay na ko. Haha! After all the struggles, after na madurog ang puso ko, eto ulit ako, handang magmahal ulit at masaktan. Handa akong isugal ulit yung puso ko. At yung bestfriend ko na dati na-inlove ako, balik na ulit kami sa dati kahit andalas namin di magkaintindihan. Siya yung Bes ko, si Jirah. Masaya ako na bestfriend ko na ulit si Jirah and I hope and I wish na maging Bestfriends Forever kami.

Sorry Bes :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriends Forever :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon