CHAPTER 20
"Sir, try niyo kaya minsang kumanta sa gig! Rekomenda rin kita,” saad ni Shaira.
"Sure, if I have time."
"Kean!"
Pumukaw sa kanilang atensyon si Dorothea, humalik ito kay Kean.
“Good evening po,” bati ni Shaira.
“We need to talk son. Anyway, who is she?”
“My employee, the wedding singer.”
“Oh, nice to meet you again! Bakit basa ka at buti nandito ka?”
“I invited her, si Katrina kasi makulit,” pagsingit ni Kean.
“Sir, ma’am. Mauna na po ako, baka ho gabihin pa ako sa kalsada.”
“Wait for manong Noel, ipapahatid na kita. And you need to change your clothes."
Tumanggi si Shaira na magpalit ng damit dahil gusto na rin niyang umuwi, nakakahiya na mag-stay pa siya rito lalo na’t nandito si Dorothea.
"Anong nabalitaan kong naghihiwalay kayo ni Camille?"
“Ma, ang bilis naman ng balita sa’yo."
"Sinabi ko naman sa’yo! Huwag ka magpadalos-dalos sa kasal tignan mo nasa ibang lalaki na pala!"
"Ma, hindi ba't kayo ang nagpumilit na ikasal kami?"
"Nagsisisi na ako! That stupid woman left my grandchildren!”
"I did everything. Ayaw na niya, nagmamakaawa na ako pero wala pa rin."
"Soon son, you will find someone who will love you more than you love her. Tatanggapin ka kahit na may anak ka. Isa pa ang gwapo mo anak! Teka at close pala kayo ng wedding singer mo?”
"Katrina wants her so bad like a Mom."
"Really? Baka type mo rin anak."
"Mom, no. She's just twenty-four years old."
“So? Age doesn't matter! Baliw ka ba anak? Mas magaan pa ang loob ko sa kanya kumpara sa asawa mong parang walang anak na babae."
"Ma, tigilan mo ako. You know what, para kang si Xyrus. Palagi niyo ako inaasar."
"Why don't you give it a try, anak? Manligaw ka, hindi iyong iniputan ka na sa ulo, nagpapakadakila ka pa!"
Sa paglingon ni Kean sa sofa, nakita niya ang wallet ni Shaira.
“Ma, aalis na ako. Naiwan ni Shaira ang wallet niya.”
“Sus! Sige na at habulin mo siya.”
“Stop it, Ma.”
Sa pagtapak ni Shaira sa bahay, hindi siya nagkakamali na may ibang tao rito. Tinapat niya ang tenga sa pintuan ni Sam.
“Oh, Xy! Don’t stop, please!”
“You are so tight babe.”
Nagsitaasan ang balahibo ni Shaira at dali-daling lumabas ng bahay.
“Tang ina ang rupok talaga ni Sam! Sex agad? Ay teka, ako rin pala kay Manuel.”
Sa kanyang paglabas, doon lang napansin ni Shaira na may ibang sasakyan na nakaparada sa gilid. Hindi niya maiwasan na ngumiti at humagalpak sa tawa.
“Nagpabingwit sa Manila boy!” bulalas niya habang hawak ang tiyan.
“Is that your hobby? Laughing alone?”
Napabalikwas si Shaira mula sa pagkakaupo sa hagdanan nang makita si Kean.
“Sir! Bakit nandito ka?"
"Nand’yan si Xyrus?”
“Ah-eh o-opo. Busy sila.”
“Ah, I understand, matinik talaga ang kaibigan ko. Anyway, here’s your wallet. Nakaligtaan mo sa sofa.”
“Ay, thank you po!”
“Tatayo ka na lang ba r’yan?”
“Pupunta na lang po ako ng tapsilogan.”
“Hindi mo ba nagustuhan ang niluto ko para sa’yo, I mean sa atin?”
“Masarap po! Kaso lagi naman po akong gutom.”
“Let’s go.”
Ilang sandali at nakuha nilang marating ang tapsilogan, nagtataka rin si Kean dahil marami naman nakain si Shaira sa bahay niya pero parang construction worker itong kumain.
“I will cook this food, laging request ni Katrina every morning.”
“Really? Ay teka Sir! Hindi ganyan mag kamay, Manila boy talaga.”
“What? You call me Manila boy?”
“Rich kid ka kasi, Sir. Isa pa hindi ka nga po marunong mag kamay.
“Insulto ba iyan?”
“Eh sabi kasi ni Mama, huwag ma in love sa Manila boy. Pero ito at nabingwit ako ng gano’n.”
“So, what’s the connection?”
“Kasi manloloko.”
Nasamid si Kean at hindi maiwasan na matawa.
“Well, except me. Hindi ko gano’n, pwede pa si Xyrus.”
Ilang tawanan at kwentuhan, nalibang si Kean sa mga pinag uusapan nila ni Shaira. Jolly at vocal ang dalaga sa nararamdaman nito.
“Do you know that Katrina likes you so much? Kinukulit niya akong magpagupit din daw siya ng bangs tulad ng sa’yo. Well, I thank you for making my daughter happy. Nahihiya na rin ako dahil sa biglang panggugulo namin sa---,” hindi natapos ni Kean ang pagsasalita nang damputin ni Shaira ang kanin sa kanyang pisngi.
“Sir, bakit pati po ang pisngi niyo ay kumakain?”
Natawa rin si Kean sa nangyari, masaya siyang kahit papano ay naiibsan ang sakit ng kanyang nararamdaman.
“I have a question, Shaira.”
“Ano po?”
“Susubok ka ba ulit kahit nasaktan ka na?”
“Oo naman, sa lagay ko ngayon. I want to take risks and try again. Kaso wala pang makakapalit sa puso ko.”
“So kung may pumalit anong gagawin mo?”
“Pakakasalan ko na, baka mamatay na naman!”
Natawa si Shaira sa kanyang boss, kung sa trabaho napaka seryoso nito, ngayon na nasa tapsilogan lang pala ito magiging ganito.
“Tapos na kaya sila?” aniya ni Shaira.
“Not yet, makukuha nang malanta ng kaibigan mo bago tumigil ‘yon.
“Grabe, gusto ko nang umuwi. Nakakairita ang awkward sobra.”
“That's natural, Shaira.”
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romansa"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...