JUNGKOOK'S POV
Gusto kong umismid habang seryosong nagsasalita si Jin hyung at Namjoon hyung sa harap ko.
"Kookie, please let's focus on the MV and just avoid Taehyung for a while especially in front of cameras." Malumanay ngunit maawtoridad na saad ni Namjoon hyung.
"Taehyung can sometimes be very touchy and clingy even in front of cameras. Kaya ikaw ang kinausap namin dahil alam naming hindi rin kami pakikinggan ni Taehyung."-Jin hyung
Napabuntong hininga ako habang pilit na tinatago ang inis na nadarama.
"Hyung, alam niyong pagod na kaming dalawa sa pagtatago. Wala naman kaming ginagawang masama diba?"-Jungkook
"Pero hindi lahat nakakaintindi, Kookie."-Namjoon hyung
"I love Namjoon and you know that. But I'm forcing myself to act that I don't especially in front of others. Alam kong mahirap pero for Bangtan and Taehyung, please do it."-Jin hyung
"Nasa inyong dalawa ang mga mata ng lahat. Palaging binabantayan ang lahat ng kilos niyo. Sana maintindihan mo kung bakit namin hinihiling to sayo."-Namjoon hyung
Wala akong nagawa kundi ang tumango.
"Fine. But kapag si Taehyung nasaktan dito sinasabi ko sa inyo, magkakagulo talaga tayo."-Jungkook
I agreed to them not knowing that it will result to something serious.
As serious as hurting my precious Kim Taehyung.
DURING THE TAPING OF THE DYNAMITE MUSIC VIDEO
STILL JUNGKOOK'S POV
"Dude, you okay?" Nag aalalang saad ni Suga hyung nang makita niyang kanina pa ako tahimik
Atubiling akong tumango pero hindi na nagsalita.
Tinatanaw ko si Taehyung na ngayun abala sa makikipag kulitan kay Hoseok hyung at Jimin.
"Bakit hindi mo lapitan? Parang kanina mo pa yan iniiwasan ah. Nag away ba kayong dalawa?"-Suga hyung
Napapailing napayuko ako.
Nakakainis talaga ang ganito.
Ayoko nang ginaganito kaming dalawa.
"Cameras, hyung. Because of these freaking cameras."-Jungkook
"Oh? I see." Napapalatak na tugon naman ni Suga hyung habang sinulyapan din sila Taehyung at Jimin.
Magsasalita pa sana ulit ito nang bigla kaming tinawag ng music video director namin.
Agad kaming nagsipaglapitan at ganun nalang ang pagpipigil ko sa sariling wag lumipat sa tabi ni Taehyung na ngayun ay katabi ni Namjoon hyung.
Binigay sa amin ang mga instructions at mga last minute changes ng music video na gagawin bago pa man kami magsimula ulit.
Nakita ko kung paano ako tinapunan ng tingin ni Taehyung at wala akong ibang nagawa kundi ang iiwas ang paningin sa kanya.
I'm sorry baby.
Pilit ko nalang na itinutuon ang atensyon sa music video at sa mga kailangan naming gawin para matapos na kami agad.
Ilang sandali pa ay nagsimula na nga kami sa shooting ng Dynamite music video namin.
Everything is going on smoothly.
Nasa kalagitnaan na kami ng part na kung saan ay sunud sunod kaming mag popose at gagawin ang last choreo namin ng sabay nang tila nakalimutan ito ni Taehyung.
BINABASA MO ANG
Behind Dynamite
Fanfiction#TaekookNoMore is number 1 Trending Fans are screaming because it seems Jungkook is hesitant and aloof when Taehyung is around. But what really happened behind the cameras? Oneshot story (Long Chapter ahead) (WRITTEN IN FILIPINO LANGUAGE)