FAB QUAD - F O X Y

4.6K 10 3
                                    

Hindi napansin ni Lyn na pdating si Jonghyun, tumayo siya.

Hindi masayadong masakit ilakad ang paa niya sa buhangin.

Gusto lang niyang mag isip isip.

Naguguluhan siya sa nangyayari sa kanya ngayon.

Its so unlike her para maapektuhan ng ganito.

Anu bang ipinagkaiba ni Jonghyun sa iba?

JONGHYUN POV -

Saan naman yun pupunta?

Hindi talaga nadadala, sa buhanginan din siya natinik nung isang araw ah.

Binitiwan niya ang dalang inumin at sandwich sa tabi ng sapatos ni Lyn.

Sinundan niya ito.

Lakad.

Lakad pa.

Malapit na sila sa mabatong parte ng beach at nag alala siya.

Baka makaapak siya ng bato.

Dudugo na naman ang sugat niya.

Binilisan nya ang hakbang.

Nasaan na kaya yun? Ang bilis maglakad.

Nakarinig siya ng tunog ng tubig sa likod ng malaking bato sa harapan niya.

Napakunot noo siya.

Pumakabila siya sa bato.

Lumingon lingon sa paligid.

Wala si Lyn, pero un damit nya nandito, naka tupi sa ibabaw ng isang bato malayo sa agos ng tubig.

Katabi ang scarf na dala dala nito kanina.

Lumingon siya sa dagat.

Wag mo sabihing...

Nasaan ka na ba?

Pagkaraan ng limang minuto, nanlaki ang mata niya.

Naglalakad ang isang dyosa papunta sa kanya.

LYN POV

Malayo pa nakita na nya si Jonghyun lingon ng lingon.

Hinahanap ako?

Natawa siya.

Tingnan nga natin kung hanggang saan ang pagpipigil mo.

Sinadya niyang umahon mula sa malayo.

Nakatitig sa kanya si Jonghyun.

Hindi siya nagpatinag.

Nang malapit na siya nakita niyang sa mukha niya nakatingin ito.

Naka kuyom ang palad nito.

Ibinaling sa iba ng tingin ng malapit na sya.

Kinuha ang scarf at ibinalot sa katawan niya.

" Malamig, hindi ka dapat nagswimming babe."

Napakunot ang noo niya.

Yumuko si Jonghyun at kinuha ang sundress niya.

Iniabot sa kanya.

Pagkatapos bumaling na naman sa iba.

" Bakit ? " tanung niya.

Napatingin ito sa kanya, tumaas ang kilay, " Anung bakit?"

" H hindi mo na ba ako gusto?"

Nagbuntung hininga ito.

" Alam ko kung bakit mo ito ginagawa, babe. Nangako ako sayo diba? "

Restricted PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon