Chapter 3

2 1 0
                                    



As usual, pagkagising at pagkagising ko palang ay agad na akong tumingin sa salamin na nasa kwarto ko at hindi na ako magtataka kung bakit ang gwapo ko pa rin, walang katapusan ang kagwapuhang taglay ko. Iba ka nga naman talaga Philip! Ibang iba ka talaga!

"Philip, bakit ang gwapo mo pa rin kahit bagong gising?" Tanong ko sa sarili ko at para akong isang sikat na modelo na rumarampa sa harap ng salamin ko.

Napatigil lang ako ng pumasok ang pinakapanget na kilala kong tao.

"Try mo kaya uminom ng kape Philip, para mainitan naman ang nilalamig at naghahangin mong utak!" Saad ni Andrew at ang bwiset! May kung ano pang hinalungkat sa damitan ko.

"Andito lang pala 'yong damit ko sa'yo! Magnanakaw ka talaga!" Saad nito at mabilis na lumabas, punyeta! Hindi man lang ako nakabawi sa pambibintang niya!

Kinalma ko nalang ang sarili ko, alam niyo na, bawal ma stress ang sobrang hot at gwapong tulad ko. Naligo nalang ako at ng matapos ako ay agad akong naghanap ng damit na babagay sa akin. Mahigit kalahating oras na akong naghahanap sa damit na susuotin ko.

"Anong maganda kaya rito? Ito o ito?" Tanong ko sa sarili ko habang may hawak-hawak sa magkabilaang kamay na dalawang polo.

"Pero teka? Bakit ba ako namimili? Eh kahit anong suotin ko ay babagay naman sa akin!" Saad ko ulit at napagdesisyonan na 'yong nasa left hand ko nalang na polo ang susuotin ko.

Nang makababa ako, dumampot lang ako ng tinapay na nasa mesa kase bilin na bilin ni Ate na kakain muna ako bago pumasok sa trabaho, at dahil masunurin ako, 'yon palagi ang ginagawa ko, ang kumain habang nagmamaneho. Nang makarating ako sa Hospital, kanya-kanyang bati ang natanggap ko mula sa mga tulad ko ring Doctor at Nurses, at ang impostorang Cynthia may pakagat-kagat pa sa labing nalalaman!

"Doc Philip, makati labi ko, kamutin mo nga... gamit labi mo," Malanding saad niya.

"Tigilan mo ako Cynthia! Ang landi mo talaga kahit kailan!" Sigaw ko rito.

Depungal na 'to! Apakalandi talaga!

"Sa'yo lang naman ako nagiging malandi," Saad niya sabay kindat na siyang mas lalong kinainit ng ulo ko.

Lalapit sana ito sa akin ng may yumakap sa akin at mas lalo akong nagulat dahil sa sinabi niya.

"Babe! Kung ipagpapalit mo lang din naman ako! Bakit sa mukhang palaka pa?" Saad nito sabay pout at pa simpleng kumindat sa akin.

Teka, sino nga ulit 'to? Ay tama! Si Dojo pala 'to! Ang may mapanghi na pangalan!

"Hindi naman kita pinagpalit babe, ang ganda ganda mo kaya," Saad ko at bakas sa mukha niya ang gulat ng pinulupot ko ang braso ko sa beywang niya.

Juskoo! Patawarin niyo sana ako sa kasalanang ginagawa ko ngayon!

"What?! Magjowa kayo?" Parang binagsakan ng langit at lupa si Cynthia dahil sa mukha niya.

Tiningnan muna ako ni Dojo bago masamang pinukol ng tingin si Cynthia. "Yes, I'm his boyfriend! Ay girlfriend pala!" Saad niya sabay iwas ng tingin sa akin ng maramdaman niya atang masama ang tingin ko sa kanya.

Magdadrama na ngalang ang animal, Namamali pa! Bakit ba andito 'to? Si Andrew naman type nito eh!

"Bobo ka sa part na 'yon," Saad ni Cynthia sa kanya.

"At least sa part lang na 'yon, ikaw bobo ka na sa buong buhay mo," Saad naman ni Dojo.

Para akong nasa isang pelikula na nakatingin lang sa dalawang babae na nagbabangayan. And as usual 'yong role ko rito, ay isang hot at gwapong lalaki. Pero in fairness maangas din pala ang isang 'to, pwede na!.... Wait? Anong sabi ko? Pwede na? Jusko Philip! Umayos ka!

Between Two Man's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon