CHAPTER 1

69 4 4
                                    

Sa mundong mga natatanging nilalang lamang ang nakatira tulad ng mga immortal, mga kakaibang hayop at halamang tila puno ng salamangka. Dito hindi maaninag ng mga mortal na tao ang kanilang mundo. Ito ay ang mundong ENCHANTA. Ang mundong ito ay nahahati sa apat na kaharian ngunit bago pa ito mahati, ang kaharian ng Enchanta ay pinanamumunuan ng isang hari, ito ay si Ezurmu at ang kahariang ito ay Sodera.

Si Ezurmu ang engkantong natatangi ang kakisigan, gwapo, at matapang na hari. Ngunit wala itong kinakasama. Siya ay isang haring malungkot dahil sa magisa lamang siya. Dahil halos lahat ng kababaihan ay gustong-gusto siya at hinahangad na maging reyna ng Enchanta. Ngunit wala siyang napupusuan.

Minsan siya'y pumunta sa timog ng Enchanta. LUNDRA ang tawag sa lugar na ito. Nakilala niya ang isang babae na nagngangalang Shiva. Maganda ito at mukhang maamo ang mukha, magaling din itong diwata dahil nagagawa niyang magpagaling ng mga nasusugatan, may sakit at malulubhang karamdaman na tila wala ng kalunasan.

ANG PAGKAKASAKIT NG HARI

Nang minsang pabalik na ang hari ay nasugatan ito ng isang halamang nakakalason. At mabilis nagpatawag ng mga manggagamot ang kanang kamay ng hari na si Riole. Ngunit halos lahat ng magagaling na manggagamot ay nabigo sa pagagamot sa hari. At di nagtagal lumubha ang sakit ng hari.

Nabalitaan ito ni Shiva ang tungkol dito kaya dali-dali siyang nagtungo sa kahariang Enchanta. "Binibini ano ang pakay mo at naparito ka?" ang tanong ni Riole. Agad namang sumagot si Shiva "Alam ko kung paano pagagalingin ang Haring Ezurmu." "Marami nang manggagamot ang sumubok na pagalingin ang hari ngunit nabigo silang lahat." ang dagdag ni Riole. "Gusto ko lang sumubok" ang pagmamalaking sagot ni Shiva.

Pinagbigyan naman ni Riole ang hiling Shiva. Kaya naman nang makapanhik ito sa itaas ay agad niyang idinampi ang kanyang palad sa noo ng hari na halos buto't balat na lamang. Doon bumaba ang lagnat ng hari at pagkatapos ay naglabas siya ng dahon at gintong polbos. Dinikdik niya ito at itinapal sa sugat ng hari. At saka lumabas siya "Ikinagagalak ko kayong tulungan mahal na hari, Araw-araw akong pupunta dito upang makita ko ang iyong kalagayan, sa ngayon bumaba na ang lagnat ng hari "

Tulad nga nang sinabi ni Shiva araw-araw siyang pumupunta sa kaharian hanggang sa tuluyang gumaling ang hari. "O paano haring Ezurmu mukhang matagal na naman tayong di magkikita dahil sa lumakas at gumaling ka na lagi kang magiingat." ani ni Shiva. Doon tila natahimik ang hari. Hindi niya lubos akalain na magiisa na naman siya "Hindi ka ba maaring manatili na lamang sa aking kaharian?" tanong ni haring Ezurmu na umaasang sasagot ng oo. Ngunit sumagot si Shiva at sinabing "Ikinanalulungkot ko haring Ezurmu ngunit naghihintay sa akin ang aking pamilya at ang aking kasintahan, patawarin nyo ho ako." "Naiintindihan ko kaya ibibigay ko sayo ang aking basbas." ang panghihinayang na sagot ni haring Ezurmu. "Maramng salamat haring Ezurmu." masayang sagot ni Shiva. "Ezurmu na lang aking kaibigan."

At mula doon muling nagiisa si Haring Ezurmu.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EnchantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon