Final Chapter

11.9K 412 110
                                    

Sabrina's POV


"Nay, dali!" malakas na tili ni Leticia. Napabuntong hininga na lang siya sa anak. Hindi niya alam kung bakit ba madaling-madali ito na pumunta sila sa Garden. Dalawang araw na siyang matamlay dahil busy si Gab sa restaurant at hindi nakakadalaw sa kanila. Hindi pa rin kasi sila nito sinusundo may mga inaasikaso pa raw kasi ito.

"Asan ba ang mga Kuya mo?" tanong niya sa anak dahil hindi pa niya nakikita ang kambal simula pa kanina. "Dahan-dahan, anak," saway niya kay Leticia dahil pababa na sila ng hagdan.

Nang malapit na sila sa pintuan palabas ng garden nakarinig siya nang pag-strum ng gitara. Medyo dim ang liwanag dahil alas siyete na rin naman ng gabi. Patay ang ilaw sa pathway na papunta sa garden. Nagtaka siya dahil hindi naman pinapatay ang ilaw pathway.

Nang makarating sila sa pinto ay biglang lumiwanag ang paligid. Tumugtog ang drums at piano kasabay ng pag-strum ng gitara. Kasunod niyon ay isang pamilyar na tinig. Malamig at napakagandang tinig.

Maluha-luha siya habang nakatingin kay Gab na kumakanta sa gitna. May hawak namang gitara si Mateo at Arjhay, nagdu-drums naman si Manolo at nakaupo sa piano ang Kuya Sean niya.

Bumuhos ang luha sa mga mata niya habang pinanonood ang mga itong nagpe-perform sa harap niya.

Lumolobo ang puso niya sa mga nangyayari. Lalo na at nakita niyang muli ang Kuya niya. Sampung taon silang walang komunikasyon. Nangingilid din ang luha ng kapatid niya habang nakatingin sa kanya. Gustong-gusto niya na itong lapitan at yakapin ngunit ayaw naman niyang maistorbo ang pagtugtog ng mga ito. Hinintay at inenjoy niya ang kanta.

Nang matapos ay nakangiting lumapit sa kanya si Gab at lumuhod sa harapan niya. Ang guwapo nito sa soot na itim na polo na nakatupi hanggang siko ang manggas at itims slacks. Naka-brush up ang buhok nito na mas nagpa-aliwalas ditong tignan.

"Sabrina Arcega, will you marry me?" anito at binuksan ang pulang kahita na nasa mga kamay nito. Tumambad sa kanya ang isang engagement ring na may malaking diamond sa gitna at napapalibutan ng mas maliliit pang diamond sa gilid paikot.

Nakarinig naman siya ng tilian sa gilid. Nakita niyang naroroon ang mga anak kasama ng Mommy Clarice niya at Daddy niya, ang Lolo at Lola niya, si Erika katabi ng asawa nitong si Juancho, si Kiara, Maria at Jasmine karga ang anak nito, si Jude na nakaakbay kay Mickey katabi ang mga anak at ang kinilalang niyang ina.

Napahagulgol siya ng iyak. Hindi siya nakapagsalita dahil sa sobrang kaligayahang nadarama niya. Napaluhod din siya sa tapat ni Gabin habang umiiyak.

"Hey..." ani ni Gabin. "Will you marry me, Sab?"

Hindi siya makapagsalita kaya sunod-sunod na lang siyang tumango. Malapad na napangiti si Gabin at nanginginig ang mga kamay na isinuot sa kanya ang singsing. Saka siya niyakap ng mahigpit.

"Thank you..."

Sigok lang ang naisagot niya. Lumapit naman ang mga anak nila at inabutan siya ng mga stem ng rosas pati na ang mga anak ni Mickey at Jude.

Inalalayan siyang makatayo ni Gab. Sinalubong naman siya ng yakap ng Kuya Sean niya. Mahigpit silang nagyakap.

"I miss you, Sis," ani ng Kuya niya na basag din ang boses. "Umuwi ako ng malaman kong naglayas ka. I'm sorry, Sab, kung umalis ako ng hindi man lang tayo nakakapag-usap. I failed to take care of you. I'm so sorry..."

Lalong lumakas ang pag-iyak niya sa mga narinig. Nagtampo siya sa kapatid pero kahit kailan hindi siya nagtanim ng sama nang loob dito. Mahal na mahal niya ito.

Sunod na lumapit sa kanya ay ang kinilalang niyang ina. Tumanda na ito pero napakaganda pa din. Basa rin ng luha ang mga mata nito na yumakap sa kanya.

"I'm sorry, baby..."

"M-Mom..." Mahigpit na niyakap niya ito. Naramdaman niya ring yumakap sa kanila ang Kuya Sean niya. "It's okay, Mom..."

Humiwalay ito sa kanya at pinunasan ang mga luha niya. Hinalikan siya nito sa pisngi.

Nagsilapit na ang lahat sa kanya. Isa-isang bumati at yumakap. Ang huling lumapit ay si Maria. Halatang naiilang ito no'ng una pero siya na ang unang yumakap dito.

"Congrats..." anito sa kanya.

"Thanks... But still, stay away to Gabin, I'm warning you..." bulong niya dito na tinawanan lang nito.

"Sayong-sayo na noh! May bago akong target," pilyang anito at kinindatan siya sabay tingin sa gawi ni Manolo.

Napasimangot siya sa pinsan. "Don't hurt him, he's to kind and fragile... Don't break his heart, Maria," aniya dito. Kaibigan niya si Manolo at alam niya ang mga hang-ups nito sa buhay. Mukha lang itong okay pero alam niyang may lamat na ito sa loob. Lamat na bahagi siya.

Sumeryoso naman ang mukha ng pinsan niya. "Ako ata ang masasaktan..." anito. Mahina at malungkot. Agad din naman itong ngumiti nang makitang papalapit sa kanila si Erika. "Hi, dear cousin!" masiglang anito kay Erika.

Inirapan naman ito ni Erika, "Hi, your face," ani ni Erika na tinawanan lang ni Maria. "Congrats!" ani ni Erika sa kanya. Niyakap siya nito at bineso. "Masaya ako dahil pareho na tayong masaya ngayon..." bulong nito sa kanya na ikinangiti niya.

"Sab..." napalingon sila kay Manolo. Nakangiti ito sa kanila. Agad namang sumimngot si Erika at nagpaalam para lapitan ang asawa. "Congrats."

"Thank you," aniya at niyakap ito.

"Ehemmm!" tikhim ni Gab sa likuran niya. Natawa naman si Manolo at kusa ng kumalas sa kanya.

"Congrats, 'tol!" anito kay Gabin at nakipag-handshake. Tinanggap naman iyon ni Gabin ng nakangiti. Mukhang okay na ang dalawa.

"Salamat, 'tol. Hiramin ko muna 'tong fiance ko, " anito at hinapit ang baywang niya. Napailing na lang si Manolo.

"Sure."

Hinarap naman niya si Gabin. "Hindi ko alam na may pag-propose ka pang nalalaman diyan," aniya dito.

"Tss. Dapat nga matagal na 'to e, kaso na-late ang flight ni Sean. Kinontak siya ni Maria, si Maria rin ang nag-ayos nang lahat ng ito."

Napataas ang kilay niya dahil sa sinabi nito.

"Yun ang lagi naming pinag-uusapan ni Maria kaya lagi siya sa bahay, pinaplano namin ang lahat ng ito. Siya tumulong sa'kin na mapagbati-bati ang mga parents mo."

Nakaramdam naman siya ng guilt sa nalaman.

"Nagkaproblema kasi sa bagong bubuksang restaurant sa Ayala kaya hiningi ko ang tulong ni Maria. Kaya kung ano man ang naiisip mo sa amin no'n, mali ka. Though I'm happy seing you jealous to her. Alam mo kasi naging insecure ako sa feelings mo sa akin kaya natutuwa ako na makitang nagseselos ka kay Maria. It give hopes na mahal na mahal mo pa rin ako."

"Mahal na mahal naman talaga kita..."

"I know... Sab, I know... masyado lang kitang mahal kaya minsan nawawala na yung sense ng utak ko."

Natawa siya sa sinabi nito. Ipinupot niya ang mga kamay sa leeg nito at tumingkayad siya para maabot ang mga labi nito saka iyon pinatakan ng halik.

"Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal din kita Gabino Melchor ng Section 6A," aniya saka muling hinalikan ang ito.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon