A/N: THIS SHORT STORY IS FICTITIOUS.
Madalas na eksina sa school namin yung may nag de-date sa mga puno ng Mangga, Agriculture school kasi kami Kaya ganon. Well, wala naman akong paki don basta ba't di nila ako iniistorbo sa pagrereview ko, then I'm ok with all the shenanigans around me.
Anyways.....I'm Prince Del Vega at una sa lahat babae po ako. Wala Naman po kayong say sa name ko, so bear with it.
Pahahabain ko pa sana ang intro ko gg biglang may nalaglag na papel hugis eroplano sa lap ko.
"Kanino naman kaya galing to?"
Wala namang Juniors dito kasi Senior High Building to at lalong wala naman sigurong tangang Senior na maglalaro ng ero-eroplano dito.. hayyyssttt.,...
At dahil wala rin naman akong choice kundi tingnan ang papel edi binuksan ko na rin.
"Sulat?"
Good luck sa exam mo Prince😊.
Yan ang laman ng papel nayon.
Nakakainis mang aminin pero ng sumunod na araw ay palagi na akong nakakatanggap ng papel na hugis eroplano at may nakapaloob itong mensahe para sa akin. Nung una ,akala ko namali lang ng landing yong eroplanong papel at baka coincidence lang na Prince ang pangalan ng pinadalhan. Pero dahil napapadalas at palaging sa akin napupunta ang eroplanong papel eh napagtanto kong para sa akin nga ito. Kasi halos lahat ng nangyayari sa klase ko ay alam ng taong sumusulat.
Gaya nalang ngayon nakatanggap ulit ako ng eroplanong papel sa tambayan ko. Actually, naisip ko naring bantayan kung sino ang nagpapadala ng papel pero diko talaga matyempuhan kasi busy naman lahat ng mga tao dito sa tambayan at sa punong to ako lang talaga ang tumatambay dahil wala naman akong nakakasabay. Kaya palaisipan sa akin kung sino talaga ang taong sumusulat.
Hanggang sa isang araw nagkaroon kami ng group activitya at pinasulat kami sa board Ng Science teacher namin. Kailangang I solve ng bawat group representative ang steps ng pag solve ng topic namin about Potential Energy. Bali apat na group kami at may apat ding representatives.
Si Astro sa Group 1, which is yong top student namin, ako sa Group 2, kasi top 2 ako sa klase. Sa Group 3 naman ay si Migs which is ang top 3 namin at sa panghuling grupo naman ay si Cig ang top 4.
Sabay-sabay naming isinolve sa board ang task at pare-pareho naman ang sagot namin pero mas mataas ang points ng Group 1 dahil mas mabilis na natapos ni Astro ang pagsolve which i already expected kasi syempre naman siya ang pinaka matalino sa aming lahat eh.
Palabas na ako ng room ng biglang mapalingon ako sa board at nagulat ako sa nakita ko. Alam kong first time kong makita ang penmanship niya dahil sa tablet naman kami madalas sumasagot sa mga quizes at assignments pero I doubt familiar talaga ang sulat niya. Hindi lang ako sure kasi ngayon ko lang din siya naging kaklase dahil transferee siya.
"Pero impossible naman na siya nga. Oh my gosh! It can't be ang sungit kaya non huhu."
Kahit pag uwi ko sa bahay iniisip ko parin ang nakita ko sa board. Parehas talaga sila ng handwriting eh. Tho baka naman magkaparehas lang ng brand ng ballpen, baka yong si Mr. EP( eroplanong papel) magkaparehas ng ballpen tsyaka nun--.\
" Sh*t Prince! Matulog kanalang pwede? may exam bukas." pangaral ko sa sarili ko.
Kinaumagahan pumasok na ko sa school naiisip ko parin yong natuklasan ko kahapon pero iniisip ko nalang na magkaparehas lang talaga sila Ng handwriting PERIOD!
