A/N: Ang mga susunod na pangyayari ay walang pawang katotohanan. Walang basehan at hindi mapapatunayan. Ang lahat ay likha lamang ng malawak at masining na imahinasyon na dito lamang nabubuhay sa kwentong ito.
Sa pagbukas ng nakapinid na mga mata ni Pipe, natagpuan niya ang kaniyang sarili sa mala-bulak na daanan at maulap na kapaligiran.
"Nasaan ako?" nagugulumihanang tanong sa kaniyang sarili.
Bagaman naguguluhan, nagsimula na itong tumayo at maglakad dahil sa buong paniniwalang panaginip lamang ang lahat.
Pagkaraan lang ng iilang hakbang, nakaaninag ito ng masala at nakakasilaw na liwanag na tila sinasamo siya kaya kagyat niya itong sinundan.
Habang papalapit sa tinatalimang ilaw, sa hindi kalayuan, natanaw niya ang dambuhalang pilak na tarangkahan o gate na may katabing pamuguran kung saan may naglalarong mga puting kalapati na naka-aliw kay Pipe kaya karaka-raka niya itong nilapitan ngunit nang akma niya ng hahawakan ang ibon—
"Aisshhh!" paghihimutok na saad ng isang hindi kilalalang dilag na bigla nalang lumabas mula sa puting usok, "Bakit ka ba nandito-ahh? Sino ka ba-weee?" (korean accent) pokus na pokus at nakapako ang tingin sa teleponong hawak habang kinakausap ang gitlang-gitla na si Pipe.
Sinampal-sampal ni Pipe ang kaniyang sarili dahil sa pagbabakasakaling magising ito mula sa mahimbing na pagkakatulog ngunit hindi ito umabra hanggang sa mamula na ang kaniyang mukha.
Para bagang walang interes sa kaniya ang dilag dahil nakatuon lamang ang buong atensiyon nito sa pinapanood kaya't nag-itirada na si Pipe para maliwanagan ito sa lahat ng hindi kapani-paniwalang nangyayari.
"A...a..ako dapat ma...magtanong sayo niyan!" nanginginig na boses ni Pipe dahil hindi pa rin makapaniwala sa lahat ng nakikita, "Si...si..sino ka?" napukaw ni Pipe ang atensiyon ng dilag kaya ito lumingon sa kaniya at sa pagpadyak ng kaniyang paa, bigla nalang naglaho ng parang bula ang kaniyang tanlan na gadget.
Ang naghihimutok na dilag kanina ay biglaang nag-astang mahabagin at kagalang-galang na binbini.
"Pinakamarikit..." pagkurap-kurap ng takipmata at unti-unting paglutang sa ere ng dilag, "pinakamahinhin...hihihi", pag-tawa ng mayumi, "pinakamabait..." mabining pag-aayos sa buhok at siya ring paghinto sa pag-angat na hihigit at lalagpas sa uluhan ni Pipe. "at ang katangi-tanging ♬ Diyosa ng Ikalawang Buhay♬" nakakabasag-tenga at hindi kaaya-aya ang kaniyang tinig ngunit sa pagsindi ng makinang at nakakasilaw na liwanag na nagi-ilaw sa wangis at pangangatawan ng dilag na sinabayan pa ng mga aali-aligid at naglalarong mga puting kalapati, lalong nabigayan ng hustisya ang taglay na kariktan ng Diyosa.
Natulala ng may namimilog na mga mata ang tanging naging reaksiyon ni Pipe sa kasalukuyang natutunghayan at tila balisang-balisa at gulong-gulo na ito sa lahat ng nangyayari.
"Ikalawang buhay?" pangungulubot ng noo nito, "Teka. Saan ba 'to? Bakit ba ako nandito?" "A...anong meron?" tinitigan at nginitian lang ito ng Diyosa na tila ba may sinesenyas na mensahe.
Nagtataasan ng kilay at nagpapakiramdaman lang ang dalawa hanggang sa may lumiwanag na naman ngunit sa likuran naman ito ni Pipe nanggagaling. Nanggaling ang ilaw sa kanang tulay na hindi niya dinaanan kanina. Susundan na sana ni Pipe ang nangingilalas sa kinang na liwanag ngunit—
"Hinto!" ang tila pusang Diyosa ay biglang naging leon dahil sa lakas ng sigaw.
"Bat di ako makalakad?" pagtatakang saad ni Pipe dahil hindi ito makahakbang at makaalis sa kaniyang tinutuntungan, "Ano ba kasi 'to!?" tinangala ni Pipe ang Diyosa at tinanong ng may nagtatagong inis.

BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...