Rael's Pov.
I'm home. Sa bahay namin, hindi sa condo ko. I have my own condo unit. Actually, ayaw kong pumunta rito kaya lang kapag ang papa ang nagrequest tiklop ako.
Si mama kasi palagi akong sinasabihan, pinapangaralan at nag-a-advice pa tungkol sa mga story ko. Which is okay lang saakin pero minsan sumusobra na rin eh.
Ang advice niya umuuwi sa maktol, inis saakin kasi raw palagi kong pinapatay ang bida. Hahampasin niya ako pagkatapos, psh!
Supportive mother right? I'm very thankful to have my mother and my father. They are very supportive to me.
Kahit ganiyan si mama, mahal ko 'yan hindi lang halata.
Sabay daw kaming magdinner. Narito rin ang kapatid ko na babae. My ate.
My ate is very supportive rin, pero palagi akong hinahanapan ng girlfriend. Simula kasi noong nagbreak kami ni Klea, halos isang taon din akong mailap sa mga babae.
Kaya si ate, sinasabihan niya akong bakla. I'm not a fucking gay!
May asawa na rin ang ate ko, actually may anak na rin sila na babae.
Family dinner 'to, kasama ang asawa ng ate ko at anak nila.
Pumasok na ako at ang bumungad saakin ay si mama. I sighed.
"Hi mom!" I kissed her cheek.
"I missed you Rael anak! How are you? Sabi mo pupunta ka rito kahapon? Tampo ako sa'yo!" I hugged her.
My childish mom.
I wonder, paano kaya nahandle ni papa si mama?
Kumalas na ako ng yakap sakaniya.
"Sorry mom, may meeting kasi kami kahapon. Huli na rin nilang sinabi saakin at nakalimutan kong sabihin sa'yo no'ng tumawag ka sa'kin para sabihan akong mamatay tao," I explained. Naalala ko na naman 'yong eksena sa bus, tss.
Magsasalita pa sana si mama nang sumulpot ang ate ko sa likuran niya.
"Oh! Ayan na pala si Rael. Ano Rael? May girlfriend na ba?" Tumaas taas pa ang kilay niya habang sinasabi 'yon. Amp.
"Angganda ng bungad mo ah?" Sarcastic kong sabi sakaniya.
Asaran na naman 'to. Kaya pumunta na akong dining area. Nando'n na si papa at kuya Theilo nakaupo na at naghihintay nalang sa amin.
Papalapit na sina mama at ate. Kinuha ko naman kay ate si baby Bella at pinaupo sa tabi ko.
We prayed and nagsimula nang kumain.
Sinusubuan ko naman si baby Bella.
"Alam mo Rael, mag girlfriend ka na at anakan mo. Para may susubuan ka rin katulad ni Bella." Natatawang ani ate.
"Oo nga Rael, bakit hindi ka pa mag girlfriend?" Tanong naman ni papa.
"Baka may pinopormahan na pa hahaha!" Gatong naman ni kuya Thielo.
Nginisihan ko nalang sila at patuloy paring sinusubuan si Bella. She's already 6 years old.
Napuno ng kuwentuhan, asaran at tawanan ang dinner na 'yon.
They are rushing me huh? Gusto na ba ulit ni papa magka-apo? Napatawa nalang ako.
Nakahiga na ako ngayon, nakauwi na sa condo ko.
Pupunta pala akong NBS bukas. I need some materials at bibili ako ng libro ko. May libro naman ako rito pero gusto kong bumili ulit eh. 'Yung galing talaga sa NBS.
BINABASA MO ANG
WRITER FT. READER
RomanceThere is a writer, a male writer. A killer one, 'yung masasaktan ka talaga dahil sa sinusulat niya. Damang-dama mo ang sakit kasi namatay ang bida, dahil pinapatay ng walang-awang writer. Andaming humahanga sakaniya dahil sikat na writer siya. Pero...