Chapter 43

18.8K 611 73
                                    

John's P. O. V

Nag init agad ang dugo ko nang makita ko ang tatay ko.

"Bakit nandito siya?" tanong ko kay Myra na ngayon ay nakayuko lang.

"Eh-- John... Gusto kong mag-usap kayo, gusto kong magkaayos kayo," bulong niya sa akin at ramdam ko ang kamay niya sa likod ko.

I'm not mad at her because she let the man I hate the most enter my house. This is also her house too... Fuck, I just hate him.

"John... Anak—"

"Gagawin ko 'to kasi sinabi ng babaeng mahal ko at minamahal ako," sinadya kong diinan ang salitang minamahal dahil kahit kailan hindi ko 'yon nararamdaman sa kaniya.

Naupo ako sa tapat niya, umalis sa pagkakaupo si Tita Linda sa sofa at hinayaan kami ni Papa.

"John... Gusto ko lang sabihin na... Hindi man kita nakasama ng madaming taon, palagi kitang iniisip at minamahal kita dahil anak kita. Inisip ko ang kapakanan mo, tama ang asawa mo na hindi pa huli ang lahat, pwede pa nating ayusin 'to kung gusto mo, dahil ako? Gusto ko anak," mahinhing sabi ng aking ama.

Napasandal ako sa sofa at tinitigan si Papa, parang lumambot ang puso ko sa sinabi niya.

"Anak---"

"Paano naman ang pamilya mo?" tanong ko.

"Ipapakilala na kita, wala na akong pakealam kung magalit man siya sa akin. Ang importante wala na akong tinatago," aniya.

Napatingin ako sa kaniya, naramdaman ko ang hagod ni Myra sa balikat ko, tinignan ko siya at ngumiti siya sa akin.

I singed, "Ayokong makasira ng pamilya..." malungkot kong sambit.

"Anak... Matanda na ako, hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako mabubuhay sa mundong 'to, Noong una ay natatakot ako pero ngayon... Anak handa na kitang ipaglaban," nang sabihin niya iyon ay pakiramdam ko gusto kong umiyak, napakatagal kong ninanais na marinig 'yon kay Papa.

"Mahal ko... Gagaan na ang loob mo, wala nang mabigat dito," bulong sa akin ni Myra at hinawakan ang dibdib ko.

Hinawakan ko ang kamay niya. Susundin ko si Myra, dahil alam kong mas tama siya.

"Sige, paano?" tanong ko kay Papa.

"Magkita tayo sa Mall mamayang hapon. Pupunta kami roon, ipapakilala kita sa pamilya ko... Na pamilya mo rin. Anak sana... Sana mawala na ang galit mo sa akin--"

"Hindi na ako galit, Pa..." mahinahon kong sabi.

Nakita ko ang biglang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi, nagulat ako nang tumayo siya at niyakap ako.

"Anak... Dalawampung taon kong hindi narinig na tawagin mo akong Papa nang hindi ka nagagalit sa akin," bulong niya.

Niyakap ko siyang pabalik.

"Pa... Magkakapamilya na rin ako," bulong ko at ngumiti.

"Sa totoo lang anak... Buntis ulit si Criselda, Pangatlo na naming anak iyon kaso.. Dahil sa edad niya ay nagiging sensitibo ang pagbubuntis niya," sabi ni Papa.

"Paano kapag nagalit siya? Dahil sa akin? Paano yung baby---"

"Anak... Kung mahal niya ako, tatanggapin niya. Labing limang taon na kaming kasal, at tama ka na dapat matagal ko nang sinabi," sabi ni Papa.

"Pwede ko bang itanong? Bakit nagawa mong ipagpalit si Mama?" tanong ko.

"Anak, ang pagmamahal. Biglang sumusulpot. Nagkataon na habang naglilinis ako ng mga kwarto sa hotel sa America, nakita ko siyang lasing na lasing at hindi kayang buksan ang pinto ng kwarto niya. Nang maibagsak niya ang susi ay pati siya bumagsak na lang. Tandang-tanda ko pa ang pangyayareng 'yon," Kitang-kita ko ang saya sa mga mata ni Papa.

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon