Taylor Swift

86 3 0
                                    

Si Taylor Alison Swift (ipinanganak noong Disyembre 13, 1989) ay isang Amerikanong mang-aawit, manunulat ng kanta at aktres.

Noong 2006, inilabas nya ang kanyang unang kanta na "Tim McGraw", pagkatapos ay ang kanyang unang album na Taylor Swift na naging multi-platinum ng Recording Industry Association of America. Noong Nobyembre 2008, inilabas ni Swift ang kanyang pangalawang album na Fearless at umako siya apat na Grammy Awards kasama na ang Album of the Year sa ika-52 Grammy Awards. Ang Fearless at Taylor Swift ay nagtapos ng ika-3 at ika-8 pwesto sa kinita nitong 2.1 at 1.5 milyon. Ang Fearless ay nanguna sa Billboard 200 nang 11 di sunod-sunod na linggo. Si Swift ay pinangalanang Artist of the Year ng Billboard Magazine noong 2009. Noong Oktubre 25, 2010, inilabas ni Swift ang kanyang pangatlong album na Speak Now na nakabenta ng 1,047,000 kopya sa unang linggo. Noong 2008, umabot ng 4 na milyong kopya ang naibentang kopya ng kanyang mga album at nagawaran siyang Best-Selling Musician of the Year sa Estados Unidos ayon sa Nielsen Sound Scan. Iniranggo naman ng Forbes si Swift bilang ika-69 sa mga pinakamakapangyarihang artista noong 2009 dahil sa kanyang kita ng $18milyon, noong 2010 ay ika-12 dahil sa kanyang kita na $45 milyon at sa 2011 ay ika-7 dahil sa kanyang kita na $45 milyon din. Iniranggo si Swift bilang 38th Best Artist of the 2000-10 decade ng Billboard]. Noong Enero 2010, inilista ng Nielsen SoundScan si Swift bilang “most commercially successful country (or country/pop crossover) artist in music history” dahil sa mahigit na 34 milyong digital tracks na naibenta . Mula March 2011, nakabenta na siya ng mahigit 20 milyon album at 34 milyong kanta sa buong mundo.Ipinanganak si Swift noong Disyembre 13, 1989 sa Pennsylvania. Siya ang anak nina Andrea Gardner (née Finlay), isang maybahay, at ni Scott Kingsley Swift, isang stockbrocker. Ang kanyang lola, si Majorie Finlay, ay isang mang-aawit sa opera. Mayroong nakababatang kapatid si Swift, si Austin.

Noong nasa ika-apat na baitang si Swift ay nanalo siya sa isang patimpalak sa pagsulat ng tula gamit ang “Monster In My Closet” na tatlong pahina. Sa edad na 10, tinuruan siya ng isang taga-ayos ng kompyuter ng 3 chords ng gitara na nagpasimula sa kanyang interes sa naturang instrumento. Pagkatapos ay isinulat ni Swift ang kanyang unang kanta na “Lucky You”. Noong siya ay 12 taong gulang, tinuon niya ang kanyang pansin sa pagsusulat ng isang nobelang may 350 pahina na nananatiling hindi nakalimbag. Nagsimula siyang magsulat ng mga awitin ng madalas bilang representasyon ng kanyang emosyon. Nagsimula rin siyang sumali sa mga patimpalak. Madalas na din siyang bumisita sa Nashville, Tennessee at nakatrabaho ang mga lokal na manunulat ng kanta. Noong siya’y 14, lumipat ang kanyang pamilya sa Nashville. Nag-aral si Swift sa Hendersonville High School ngunit na-homeschool din siya para sa kanyang mga huling taon. Noong 2008, nakuha niya ang kanyang diploma sa high school.

Si Shania Twain ang pinakamalaking impluwensiya sa larangan ng musika kay Swift. Ang iba pa ay sina LeAnn Rimes, Tina Turner, Dolly Parton, at ang lola ni Swift.

[baguhin]Karera sa Musika [baguhin]2000–05: Pagsisimula

Sa edad na 6, pumunta si Swift sa Nashville upang makakuha ng isang record deal gamit ang demo tape ng kanyang pagkanta ng mga awitin sa karaoke. Nagbigay siya ng kopya sa lahat ng kompanya sa bayan ngunit hindi siya nakuha. Pagkatapos bumalik ni Swift sa Pennsylvania, siya ang pinakanta sa U.S. Open tennis tournament pambansang awit kung saan nakakuha ng positibong reaksyon ang kanyang bersyon. Pagkatapos magtanghal sa The Bluebird Café, isang tagpuan ng mga manunulat ng kanta sa Nashville, nakuha niya ang atensyon ni Scott Borchetta at isinama siya sa bagong record label na Big Machine Records. Sa edad na 14, siya ang pinakabatang manunulat ng kanta ng Sony/ATV Tree Publishing House.

[baguhin]2006–08: Taylor Swift

Inilabas ni Swift ang kanyang pangunahing kanta na “I LOVE YOU” noong kalagitnaan ng 2006 at iniranggo ito na pang-anim sa Billboard magazine’s Hot Country Songs chart. Ang kanyang album na “Taylor Swift ay inilabas noong Oktubre 24, 2006. Sa unang linggo nito ay bumenta ito ng 39,000 na kopya. Ito ay nanguna sa Billboard Top Country Albums at panglima naman sa Billboard 200. Nanguna ang kanyang album ng walong sunod-sunod na linggo sa Top Country Album charts at nanatili sa ibabaw ng 24 sa 91 na linggo. Ang music video ng “Tim McGraw” ay nanalo ng Breakthrough Video of the Year Award sa 2007 CMT Music Awards. Inilabas niya ang kanyang pangalawang kanta sa Taylor Swift na “Teardrops on My Guitar” noong Pebrero 24, 2007. Sa kalagitnaan ng 2007, umabot ang kanta sa pangalawang pwesto sa Billboard’s Hot Country Songs chart at pangtatlumputtatlo naman sa Billboard Hot 100. Noong Oktubre 2007, ginawaran si Swift ng Songwiter/Artist of the Year ng Nashville Songwriters Assn. Intl., siya ang pinakabatang artista na nakakuha ng gantimpala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Taylor SwiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon