Abby POV
6 Months later. Sexy nako. Sarap pala sa pakiramdam ng sexy kasi pinagtitinginan ka tapos tatawagin kang sexy tapos sabay paswit. Ayiieh. Nakakabana e kasi hindi ko naranasan to, ngayon lang. Pag bigyan nyo na ako. Tska hindi ko naman sila papatulan e kahit sandamakmak na ang nanliligaw. Wow haba na ng hair ko. Hihihihi. Loyal at honest ako sa sweetheart ko, sya kaya? Wala kaya sa girlfriend ngayon? Alam din kaya nya? Oo naman siguro. Sana wala syang ginagawang kalokohan. Malapit na kami mag kita. Desperas pala ng bagong taon ngayon sasalubungin namin ang panibagong taon. Parang pamilya kona din si Mj at Gwen eh. Tambay din sila, walang trabaho pero balita sakin ni MJ e pinasok daw sya ng boyfriend nya sa kompanya nila. Si gwen naman pinapagaw na yung parlor nya. Pero tambay parin kami. Baka next year na sila magsstart. Haha, next year e malapit na sumapit new year.
Andito kami ngayon sa mansyon, buong familya. Wala nga lang mga katulong namin nagbakasyon. Si manang lang nandito wala na kasi syang familya. Pero ok lang tanggap namin sya. Swerte namin kay manang tanda ko pa nun nung bata pa ako sya lagi ko kakakwentuhan tapos ang saya nya kapag dinadalhan ko sya ng donuts. Haha. Nasa malapit kami ng pool nina gwen at mj. Nakababad paa namin habang nagkkwentuhan. Tinigtignan din namin mga fireworks, si Mom and dad busy kina tito and tita nandito din kasi sila e. Parang reunion din ang dating. Nag swiswimming naman ang mga pinsan ko. Close din nila mga bruha kong kaibigan. Friendly kasi sila e. Lalo na mga bata gustong gusto si gwen. Baklush eh. Peace gwen. Love yah ;)
"Malapit na dumating sweetheart mo sis" Biglang sinabi ni gwen.
"Oo nga no, ano kaya hitsura sweetheart mo? Baka mataba yan, baka panget." Sabi ni MJ. Mapang asar talaga sila. Grrr.
"Heyy, don't u dare" Sabi ko. "It doesn't matter naman kung ano itsura nya basta mahal nya ako" Pero sa loob looban ko e sana gwapo. Sana. Cross Finger. Haha.
"Pero mas maganda kung gwapo tapos matangkad tapos maputi tapos model, magaling magluto, magaling sa lahat" Sabi ni gwen. Naimagine ko tuloy, swerte ko siguro kung ganon nga magiging asawa ko. Ilang tulog nalang makikita na kita. Ayaw kasi sabihin ni dad kung sino e, para surprise daw. Tahimik naman si Mom.
"Ilang oras nalang bagong taon na" Sabi ni Mj habang nakatingin sa taas. Tinitignan ang mga fireworks. Ang gaganda nakakalibang.
"Ano kaya mangyayari sa bagong taon no? Sana maging swerte tayo, sana madaming blessings matanggap natin." Sinasabi ko hindi parin naalis ang tingin ko sa taas.
Narinig kong tumatawag si Mommy, may bagong dating na bisita e. Sino naman kaya yun, bat kailangan pa akong tawagin. Tumayo ako :Wait lang ah, baka dumating tito ko, babalik ako agad" Lumakad nako.
"Abby dala kang wine pagbalik mo ah" Sigaw ni gwen, nasa malapit nako ng pinto, salamin yung pintuan pero may kurtina. Pumasok nako, may nakita akong lalake na nakaupo sa may sofa pero nakatalikod. Hindi sya pamilyar sakin, si dad naman may kausap na matandang lalake. Nagshake hands si mom naman ay naririnig kong nagkakamustahan tapos nagbeso beso. OMG, don't tell me sila na kaya yun? Hindi ako umaalis si kinatatayuan ko. Nang makita ako ni daddy tinawag nya ako. "Iha anak halika dito may papakilala ako sayo" Nakangiti si dad. Lumapit ako, kabado ako kasi feel ko sila na talaga.
"Hello po" Sabi ko nakangiti ko sinabi sa mag asawa.
"Tommy and Vanessa this is my daughter Abby" Pinakilala ako ni dad sakanila.
"Hello iha, anak tumayo ka dyan" Sabi ni Mrs. Vanessa sa anak nya. Tumayo sya, totoo ba to? Nananaginip lang ba ako? Nagkatotoo mga sinabi ni gwen. Matangkad, gwapo at maputi. Nakakainlove.
"Iha this is my son Matt Simon" Pakilala ng Mommy nya.
"Hello Simon" Sabi ko. Pangit kasi pakinggan yung matt e kaya simon itatawag ko sakanya.
"Hi" Matipid nyang sinabi. Mukhang masungit sya ah.
Pumasok si gwen at mj, nainip ata eh. "By, bat ang tagal- O EM GEE-" Sabi ni gwen, baklang to. Nakita ko sa mga mata nya na nagwapuhan sya. Ako din nagwapuhan eh. HEHE. Pops tawag ng mga kaibigan ko kay dad and momsy naman kay mom pero ok lang sakanila since elem ata magkaibigan na kami.
"Pops wait lang po ah" Tska ako hinila ni gwen papuntang kusina. As expected yun nga ang itatanong. Agad nila akong tinanong kung sino daw yun. "MY FUTURE HUSBAND" Sinabi ko na may parang bulaklak at puso ang mata ko. "Ayy kainggit ka girl, ang gwapo ni fafa" Nakakalaswang sinabi ni gwen.
"Sis, gwapo nya.. Pwedeng sakin nalang sya?" Pang aasar ni mj. Kilig na kilig ang dalawa kong kaibigan.
"Tse, sakin lang sya. Bhelat" tska ko nilabas ang dila ko na parang batang naiinggit. "Osya labas nako. Gusto kona makita sweetheart ko. "Psh, yabang" Sabi ni Mj. Lumabas ako iniwan ko sila. Evil Laugh.. Lumapit ako kay dad. " From now on, dapat lagi na kayo magkasama. Getting to know each other" Sabi ni dad.
"Yes, sure dad" Sabi ko na nakangiti. Wala man reaksyon si Simon. Geeeez, hindi ba sya nagandahan sakin? Sexy nako ngayon at madami na nagsasabi na maganda daw ako.
Kwenbtuhan lang sina dad at tito tommy si mom and tita vanessa. Magkatabi lang kami ni Simon, tahimik lang. Nakakabaog. LOL. Si gwen at MJ nakatingin samin. Nakatingin din ako sakanila na nakangiti na may halong pang aasar ang dating.
"So, ikaw pala ang mapapangasawa ko ah? Not bad" Nabigla ako sa sinabi nya.
"Ah, oo. Uhm, sook lang ba sayo?" Tanong ko sakanya medyo kabado ako.
"Well, honestly speaking. I don't know. Tignan natin kung hanggang saan tayo" Sabi nya.
"Hmm, what do you mean?"
"Tignan natin kung matitiis mo ang ugali ko" Sabi nya, so iba nga ata ungali ng lalakeng to.
"Ohh, ok." Nginitian ko sya. Nakita ko sa mga mata nya na nagulat sya. Kahit gano kapa katigas hindi kita papakawalan. Ikaw nga dahiloan bakit ako nagpapayat eh.
Si Mom and Dad niyaya kami sa Malapit sa pool. Ilang minuto nalang mag nenew year na. Swerte ko promise. 5.... 4.... 3.... 2.... 1....
HAPPY NEW YEAR!
Sinalubong ko ang bagong taon na kasama ang pamilya ko, kaibigan at ang magiging SWEETHEART ko.
A/N: Thank you po sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Two Hearts Become One
Fiksi RemajaA/N: This is my first time na gumawa ng story. Basahin nyo po sana.. Ilang araw ko pinag isipan yan and pinagpuyatan. Suportahan nyo po sana ako and kailagan ko din mga suggestions nyo. Thank you :) Pinalitan ko po ang title ng story. Copyright (c)...